Mabuti naman at naisipan na ng prof namin na i-dismiss kami. Fifteen minutes na din kaming overtime sa subject na ‘to. Friday pa man din ngayon at halos lahat ng utak namin naka-weekend mode na.
“Aianna sigurado ka bang hindi ka sasama sa amin?”
“Oo. Kailangan ko pang mag-aral sa Psych at sa Accounting eh.”
“Mag-aaral? Eh Friday ngayon. Wala tayong pasok bukas. At isa pa, wala naman tayong mga quiz next week.”
“Ano bang nangyayari sa’yo Aianna? Ang-weird mo na nowadays.”
Ngumiti ako sa kanila habang umiiling. Matagal na nilang tanong sa akin yan pero isang ngiti lang ang lagi nilang nakukuha.
Nag-aaya kasi si Frances na samahan namin siya ni Faye na bumili ng regalo para sa pinsan niya. Yun nga lang, hindi naman ako pwede dahil nga may iba pa akong lakad.
Nauna na silang umalis. Panigurado daw kasi na matatagalan silang dalawa sa paghahanap ng regalo.
Nagmamadali naman akong pumunta sa locker ko. Kinuha ko yung mga gamit na kakailanganin ko tapos pumunta na sa courtyard. Malamang kanina pa yun naghihintay sa akin.
“Late nanaman kayo na-dismiss ni Ma’am Robles?”
“Lagi naman eh. Buti ka pa maaga kayo pinapauwi ng mga prof niyo.”
Inayos ko yung gamit ko doon sa cottage tapos umupo sa tapat niya.
Tulad nga ng sinabi ko, Friday ngayon. Pero imbis na mag-gala o umuwi ng maaga, andito ako sa courtyard kasama si Kian. Mas napadalas ang pagpunta ko dito dahil sa kanya. Lagi niya akong tinutulungan sa mga lessons ko at minsan naman ay nagkekwentuhan lang.
Mabait si Kian at masaya ako dahil lagi kaming nagkikita. Ang masama lang dito, hindi alam nila Frances at Faye na nagkikita kami. Ni hindi nga nila alam na may kilala pala akong isang lalaking ang pangalan ay Kian.
Hindi ko naman sana gustong ilihim sa kanila yung tungkol sa bago kong kaibigan. Yun nga lang, hindi ko din alam kung bakit may pumipigil sa akin para sabihin ‘to sa kanila.
“Pwede na palang pumasok ang taga ibang college dito. Ang alam ko noon bawal.”
Nakita ko naman yung tinuturo ni Kian. Biglang uminit ang ulo ko.
“Siya si Ivan Montez. Pamangkin siya ng Dean natin kaya nakakapasok siya dito ng basta-basta.”
Tama. Si Ivan na ‘ex’ ko. Nagkakilala kami ni Ivan dahil nga sa madalas siya dito. Yun na din siguro ang dahilan kung bakit kadalasan ng mga nagiging girlfriend niya galing dito sa college namin.
“Talaga? Parang nung isang araw nakita ko siya kasama si Lauren ah.”
Umirap ako saglit.
Si Lauren ang vice president ng council namin. It turned out na totoo pala ang tsismis na nililigawan siya ni Ivan. At ngayon naman, sila na.
Hindi naman sa bitter ako. Naka-move on na nga ako kaagad diba? Pero siyempre, hindi ko parin maiwasang ang mainis sa mga lalaking tulad niya. Isang manloloko.
“Girlfriend niya yun.”
Ngumiti siya ng nakakaloko.
“Sigurado ka bang yun lang ang alam mo sa kanya?”
Napakunot noo ako at tiningnan siya ng masama. Hindi ko maintindihan kung anong gustong ipahiwatig ni Kian.
“Anu ba naman klaseng tanong yan Kuya?”
Siya naman ngayon ang napakunot noo. Alam ko naman kasi na ayaw niyang tinatawag ko siyang Kuya. Naisipan ko lang tawagin siyang ganun para maasar siya at mawala na sa utak niya yung kung ano mang naisip niya tungkol sa amin ni Ivan.
“Nako. Umiiwas sa usapan.”
Bumalik yung ngiti ni Kian. Hindi ata mauubusan ‘to. Hindi nalang ako magugulat na mamaya, lusaw na talaga ako.
Bumuntong hininga ako. Hindi naman kasi ako titigilan nitong lalaking ‘to. At wala namang mawawala kung malaman niya.
“Fine.”
Tumayo siya at lumipat sa tabi ko.
“Game. Shoot.”
“He’s my ex. Nung unang beses na nakita mo ako dito sa courtyard, yun yung araw na nakipag-break ako sa kanya.”
Itinuloy ko pa yung kwento ko hanggang sa malaman niya na lahat ng kailangan niyang malaman. Pagkatapos nun, nagsimula na din kami mag-aral. Binigyan niya ako ng mga techniques sa pagsasaulo ng mga terms sa Psych tapos binigyan din niya ako ng mga sample problems sa Accounting.
Napatigil ako sa pag-sasagot ng sample problems nang akong kulbitin ni Kian. Tinuro niya yung Dean’s office. Napalingon naman ako. Pero sana hindi ko nalang pala ginawa. Kasama lang naman ng College Dean namin ang magaling niyang pamangkin.
“Alam mo kung nakakapatay lang talaga ang mga tingin, kanina pa patay yang ex mo.”
Binatukan ko siya bigla. Akala ko magagalit siya dun sa ginawa ko pero hindi. ‘Coz he did the opposite.
Ngumiti siya at bigla niya akong niyakap.
*Dug Dug* *Dug Dug*
Nung bumitaw siya, hindi ko alam kung anung gagawin o sasabihin ko. Sobrang bilis padin ng tibok ng puso ko at mas lalong napalapit ang mukha niya sa mukha ko.
“S-sorry.”
Nginitian ko siya. Sa ngayon, yan muna ang magagawa ko. Ayaw kasi gumana ng utak ko dahil sa ginawa niya.
Lumingon siya sa likod niya. Andun pala si Ivan at nakatingin siya sa amin. Kaya naman pala. Kaya pala niya ako niyakap.
Dahil nakatingin si Ivan. Akala ko pa naman iba na.
Ginulo niya bigla yung buhok ko. Nakangiti nanaman siya.
“Tara.”
“Ha?”
Tumayo siya tapos nagsimula nang ayusin yung mga gamit namin.
“Oy teka. Saan tayo pupunta?”
“Bibili tayo ng maraming ice cream. My treat.”
Tinulungan ko na din siya sa pag-aayos. Mabilis ata ‘to sa libre. Doon kami bumili sa Korean restaurant sa labas ng campus. Pinili ko yung ice cream na hugis isda. Yun kasi yung pinaka-favorite ko sa lahat ng tinitinda nila dito.
Habang nakain kami, naisipan ko namang itanong kung bakit nga ba niya ako niyakap. Malay natin iba yung iniisip ko sa iniisip niya. Sana lang magkaiba talaga kami.
“Andun kasi yung ex mo.”
Pareho pala kami ng iniisp. Sana hindi ko nalang pala tinanong.
“And so?”
“Anong ‘and so?’ Siyempre niloko ka niya. Alangan naman hayaan ko nalang na makita niyang may gusto ka pa din sa kaniya. Baka makipagbalikan pa yun tapos lokohin ka lang ulit.”
Napangiti niya ako bigla. Siguro nga si Ivan ang dahilan kung bakit niya ako niyakap kanina pero natutuwa padin ako kasi kaya niya yun nagawa dahil concerned siya sa akin. Dahil ayaw niya na akong maloko pa ng iba.
“Hayaan mo nalang yung lalaking yun. Dadating din yung lalaking para sa’yo.”
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na naka-move on na ako noon pa. Naka move-on ako dahil sa kanya.
Sana nga totoo yung sinasabi ni Kian. Sana nga dumating na ang lalaking para sa akin. At kung pwede lang sana akong humiling,
gusto ko sanang si Kian nalang yun.
BINABASA MO ANG
Risks and Returns
Novela JuvenilLove is all about taking the risks and not minding its returns. Would Aianna be brave enough to take the risks and tell him how much she loves him? Or would she insist on keeping her feelings to herself and have a relationship with someone else?