Chapter Six B

57 6 2
                                    

Maaga kaming pinauwi ni Sir Kian. Wala naman kaming halos ginawa kundi ang makinig sa mga kwento niya. Isa na pala siyang Certified Public Accountant (CPA). At habang nagtuturo siya dito sa college namin, nag-enroll na din siya sa law school.

Buong period lang akong nakatitig sa kaniya. Isang bagay na akala kong hindi ko na magagawa pa.

Alam ko naman na hindi lang ako kundi halos lahat ng mga babae dito sa room ang nakatitig sa kaniya. Kung pwede ko nga lang sabunutan sila isa-isa, kanina ko pa ginawa. 

Pero hindi pwede. 

Dahil tulad nila, isa lang din naman akong hamak na estudyante niya.

 “Aianna gusto mong sumama?”

“H-ha?”

Napakamot sa ulo si Josh. Kanina pa niya ako kinakausap pero wala akong ni isang naintindihan o narinig man lang. Magsasalita pa ulit sana siya yun nga lang, sumingit na ang girlfriend niyang si Faye. 

“Hay nako Josh. ‘wag mo na muna yan pansinin. Kanina pa yang FinMan ganyan. Hindi makausap ng matino.”

Tama siya. Wala nanaman ako sa sarili ko.

At dahil nanaman to sa kanya.

“Ano ba kasing sumapi sayo Aianna ha? Hindi ka naman ganyan kanina nung kumakain tayo. Minsan talaga ang-weird mo. Sobra ka na kasi sa aral. Magpahinga ka --”

“Ano ulit yung sinasabi mo Josh?”

Pasimpleng tumawa si Josh. Halata naman kasi na tinanong ko lang yun para mapatahimik si Faye. Likas na kasi sa kanya ang maging sobrang daldal. Hindi naman siguro masama na paminsan minsan ay lagyan ng preno ang dila niya.

“Ang sabi ko, baka gusto mong sumama sa amin mag-meryenda. Nag-aaya kasi yung isa kong ka-tropang galing Canada.”

“Ah. Hindi na siguro. Masakit na kasi ang ulo ko. At saka, hindi ko naman yun kilala.”

Sinamaan ako ng tingin ni Faye. Tingin ko alam ko na ‘to.

 “Fine. I’ll go.”

Alam ko naman kung anu yung gusto niyang sabihin kaya hindi ko na hinintay siyang magsalita.

Madalas na kasi akong hindi sumasama sa mga lakad nila. Ang lagi kong dahilan ay ang mag-aaral pa ako. Yun at yun lang. Madalas naiintindihan nila pero minsan hindi nila maiwasang magtampo.

Ang totoo kasi niyan, hindi lang talaga ako sanay na lumalabas nang may kasamang hindi ko kilala. Asahan mo na tatahimik lang ako the whole time. Kaya nga siguro madalas akong masabihan ng masungit ng mga kaklase ko.

Naglakad na kami palabas ng campus. Napagkasunduan kasi namin na sa ibang lugar nalang kumain. Nakakasawa na din kasi ang mga fast food chains sa loob ng university.

Akala ko gagaan yung mga iniisip ko kapag sumama ako sa kanila. At least kapag nagkwentuhan kami, mawawala sa utak ko si Sir Kian. Pero as expected, naging ‘talk of the town’ ang pagdating niya sa college namin at pati sina Faye at Josh siya ang pinag-uusapan.

“Alumnus pala siya ng college natin. Fourth year siya nung first year tayo.”

“Ah talaga? Kaya pala pamilyar siya sa akin.”

Gusto ko sanang batukan tong dalawa dahil imbis na makalimutan ko siya, lalo ko lang naaalala. Pero siyempre hindi ko yun magagawa. Anu bang malay nila na kilala ko pala ang taong pinag-uusapan nila.

Risks and ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon