Chapter Seven A

50 6 0
                                    

Masyado nanaman akong maaga para sa klase ko. Actually, lagi naman akong ganito. Takot kasi akong maipit sa traffic at ma-late kaya mas pinipilit kong maging maaga.

Pumunta ako sa madalas kong tambayan tuwing umaga. Ang McDonalds. Bumili lang ako ng iced coffee at fries tapos naghanap na ng mauupuan. At habang nagpapatay ng oras, nagsimula na din akong mag-review sa isa sa mga majors ko tutal bukas na ang first quiz namin dito.

Mapayapa na sana ang pagkain at ang pag-rereview ko kung hindi lang may biglang dumating.

“Ahm. Hi Aianna. Pwede? Kakain lang naman ako ng brunch. Yun nga lang wala nang ibang mauupuan.”

Tama kayo. Si Sean nga.

Tumingin ako sa paligid at tama nga naman siya. Wala nang pwedeng maupuan. Lahat occupied na dahil lunch time naman na.

Nginitian ko lang siya at slight bow para sabihin na pumapayag ako. Hindi naman ako ganoon kadamot para ipagtabuyan si Sean.

Tahimik lang siyang kumakain doon kaya nakapagpatuloy ako sa pag-aaral. Maya-maya lang, nagsalita na din siya.

“Ano yang inaaral mo?”

Nagtaka ako dun sa tinanong niya. Diba dapat alam niya ‘to?

Ang sabi sa akin ni Frances, third year din si Sean. Dapat sana fourth year na kaya nga lang pumunta siya sa Canada last year. So ang ibig sabihin lang niyan, pareho kami ng subjects. Pero bakit parang hindi niya alam na may quiz na kami bukas?

“FinAcc. Hindi mo ba alam na may quiz tayo dito bukas?”

Lumiwanag yung mukha niya at biglang ngumiti.

“Ow that. Nakausap ko na si Dean. Kahapon palang ang first day ko kaya I’m still catching up. Bibigyan nalang daw nila ako ng special quizzes sa mga majors ko. And, may deductions ako.”

Nakasimangot siya habang sinasabi yung huli niyang sentence. Halata mong ayaw niya ng ganun pero wala naman siyang magagawa dahil Dean na mismo ang nagdesisyon.

Tumango lang ulit ako. Hindi ko din kasi alam kung anu bang dapat pang ibang sabihin sa kaniya. Siguro nga kilala ko na si Sean pero hindi ako ganoon kadali maging komportable sa isang tao.

Bumalik na ulit ako sa pag-aaral. Pero hindi din ako makapag-concentrate. Lalo na’t nakikita ng peripheral vision ko na nakatitig sa akin si Sean.

Akala ko kapag tumingin din ako sa kaniya, maiilang siya at iiwas. Pero muntik na akong mamatay sa mali kong akala. Dahil imbis na umiwas, ngumiti lang siya. Ako pa nga ang napaiwas

“Woah sorry. Did I scare you? Sorry talaga.”

“A-ayos lang.”

Nakaiwas padin ako sa kanya. Kung bakit ba kasi kailangan niya pang gawin yun. Kung yung makasama nga lang siya sa iisang lugar ng kami lang dalawa naiilang na ako paano pa kaya yung titigan pa niya ako?

“Look. Hindi sa binobola kita ha pero pamilyar ka talaga kasi sa akin.”

Ayan nanaman yang linyang yan. Siguro nga naniniwala ako na mukhang pamilyar ako sa kanya pero hindi niya naman siguro kailangang sabihin yun sa akin tuwing magkikita kami diba?

“Baka kamukha ko lang yun. Sabi kasi nila medyo may pagka-universal ang mukha ko.”

Tumawa siya ng sobrang lakas kaya napatingin lahat ng tao sa direksiyon namin. Buti nalang at malapit na ang start ng class ko. Malapit ko nang matakasan ang kabaliwan ng lalaking ‘to.

Nagmadali akong mag-ayos ng gamit. Napansin yun ni Sean kaya bumuka nanaman yung madaldal niyang bibig.

“Oh papasok ka na? 12 din ba ang class mo? Tara sabay na tayo.”

Napapagod na akong makipag-usap sa lalaking ‘to kaya tumango nalang ako sa hindi ko na mabilang na pagkakataon.

Hinintay ko siyang mag-ayos ng gamit tapos sabay na kaming umakyat sa college namin.

Tahimik lang ako sa buong panahon na naglalakad kami. Dahil bukod sa hindi kami close, hindi ko lang talaga siya trip kausapin.

Laking tuwa ko noong nakarating na kami sa entrance ng college. Ilang minuto nalang mawawala na sa paningin ko ang lalaking ‘to.

Nakarating na kami sa hallway ng mga third years pero hindi parin siya humihiwalay sa akin. May balak pa ata ‘tong ihatid ako hanggang sa room. Mukhang may naitatago naman pala siyang kabaitan sa katawan.

Pareho kaming tumigil nung nasa may pintuan na kami ng room ko.

“Anong section mo?”

“3a6. Bakit?”

Tiningnan niya yung number ng room namin tapos yung RegForm niya. Maya-maya lang nakakita ako ng hindi magandang mga ngiti.

“I guess we’re classmates then.”

Risks and ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon