Classmates? Mukhang nagpantig ata ang tenga ko. Ibig sabihin lang naman niyan ay makakasama ko ‘tong lalaking ‘to sa loob ng halos limang buwan. Kung suswertehin nga naman ako.
“H-ha? Pero diba sabi mo kahapon ang first day mo? Wala ka naman dito kahapon ah.”
Nakangiti parin siya. Teka nga. Hindi naman yun ngiti. It’s a smirk.
“Nag-cut ako.”
Nanlaki yung mata ko. Antibay din naman pala ng lalaking ‘to. Akalain mong first day palang nagawa na niyang mag-cut.
Ngumiti siya ng isa pang beses tapos pumasok na ng room. Ngayon palang, sinasabi ko na sa inyo. Hindi masyadong bastos ang lalaking ‘to.
“Oi ano yun?”
Nagulat ako na nasa likod ko na pala si Frances.
“Anung ‘ano yun’?”
“Anu pa ba. Edi ayun.”
Tinuro ng nguso niya si Sean na ngayon ay nakikipag-kwentuhan na sa mga guy classmates ko. Teka. Close na agad sila?
“Aba malay ko. Itanong mo sa step bro mo.”
“Nako Aianna ha. Nakita ko kayong sabay kumakain kanina sa McDo tapos sasabihin mo sa akin na ‘malay mo’.”
At naakusahan pa talaga ako na nagsisinungaling ngayon. Humanda talaga yang Sean na yan sa akin. Mali siya ng kinalaban na tao.
Naging normal naman ang mga sumunod na oras ko sa klase. Hindi na din naman ako kinausap pa ulit ni Sean kaya mapayapa akong nakapakinig sa mga lessons namin.
*****
“Aianna, san ka ngayon?”
“Dun parin. Kayo ba?”
“Sa lib nalang siguro.”
Uwian na namin ngayon. At dahil nga may quiz kami bukas sa major subject namin, ambilis magsiuwian ng mga classmates ko.
Pumunta na sila Faye at Frances sa library habang ako ay naiwan sa loob ng college building namin. Hindi kasi ako sanay na may kasamang nag-aaral. At isa pa, nakasanayan ko nang doon mag-review.
Wala parin talagang pinagbago ang lugar na ito. Tahimik, mahangin at peaceful. Hindi ko alam kung anong meron sa lugar na ito at kahit na minsan malamok at pundido ang mga ilaw, dito ko parin ginugustong mag-aral.
Inilabas ko na lahat ng mga kailangan ko at nagsimula na mag-aral.
Nangangalahati na ako sa mga sample problems nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Mukhang busy ka ah.”
*Dug Dug* *Dug Dug*
Tumigil nanaman ata ang mundo ko. Alam ko naman na hindi ako nananaginip. Pero hindi lang ako makapaniwala na makikita ko pa ulit siya ng ganito kalapit.
Siya. Andito siya sa harapan ko.
“Uh hindi naman po. Sir.”
Napansin kong kumunot ang noo niya pero maya-maya lang din ay ngumiti na siya.
Yung mga ngiti niya. Na-miss ko yang mga ngiting yan.
“Naalala ko noon, naiinis ako sa’yo kapag tinatawag mo akong ‘kuya’. Ngayon naman tinatawag mo na akong ‘sir’. Mas gusto ko pa pala yung una.”
Umiwas ako ng tingin sa kaniya.
Antagal na din ng huli kaming nagkita. Ayaw kong makita niya kung gaano ako kasaya na andito siya sa harapan ko. At isa pa, iba na ang sitwasyon ngayon.
“Prof ko po kayo kaya tama lang na galangin ko kayo.”
Narinig kong nagbuntong hininga siya. Nagulat nalang ako sa sumunod niyang ginawa.
*Dug Dug* *Dug Dug*
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinarap ang mukha ko sa kanya.
“S-sir…”
“Alam mo ayos lang naman sa akin na tawagin akong Sir eh. Actually masaya pa nga kasi alam kong ginagalang nila ako. Pero nung ikaw na yung tumawag sa akin ng ganun, naiinis ako na hindi ko maintindihan.”
Umatras kaagad ako. Mahirap na at may makakita pa sa amin dito at kung ano pa ang isipin nila.
Sobrang nag-init yung mukha ko. Lahat na ata ng dugo ko sa katawan ay napunta na sa mukha ko. Alam kong nakita yun ni Sir kaya umayos siya ng upo at seryosong tumingin sa mga mata ko.
Mata.
Hanggang ngayon hindi parin nakakasawang titigan ang mga mata niya. At kahit na mahigit dalawang taon na kaming hindi nagkikita, alam ko. Alam ko na walang nagbago sa mga mata niya.
Ito parin ang mga matang nagpapatigil ng mundo ko.
“Kian. Call me Kian.”
“Po?”
“Ang sabi ko… Tawagin mo--”
“Pero Sir--”
*Dug Dug* *Dug Dug*
Bigla niyang hinawakan yung dalawa kong kamay. At di tulad ng kanina, hindi ko na nagawang bawiin ‘yon sa kanya.
“Aianna… Please. Isipin mo nalang na isang favor ‘tong hinihingi ko sa’yo. Tutal magkaibigan naman tayo noon diba?”
Noon?
Parang sumaksak sa puso ko yung sinabi niya. Magkaibigan kami. Noon. Ibig sabihin ba nito, hindi niya na ako tinuturing na kaibigan ngayon?
Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti. Kahit na alam kong madaming tanong ang pumipigil sa akin.
“S-sige po Si—este Kian. Pero kapag may iba akong kasama ‘Sir’ ang itatawag ko sa inyo.”
“Deal.”
Ngumiti nanaman siya. At aaminin ko na sa mga oras na iyon, nadala nanaman niya ako sa isang paraiso.
Isinantabi ko na muna yung pag-aaral ko. Halos matatapos na din naman ako doon. Mamayang gabi ko nalang ulit yun itutuloy.
Nagkwentuhan lang kami gaya ng dati. Noong una, nailang ako dahil baka nga may makakita sa amin pero dahil nga sa bago pa naman siya dito bilang isang prof, hindi pa siya ganoong kakilala.
Oras na para samantalahin ang pagkakataon kong ‘to.
Nang medyo madilim na, naisipan na naming umuwi. May balak pa nga siyang ihatid ako kahit hanggang sa terminal lang ng jip pero tumanggi ako. Ayos na ako dito.
Sapat na sa akin na nakasama ko siya ulit.
Nagpapasalamat ako na kahit papaano hindi niya ako nakalimutan.
At higit sa lahat, kahit papaano…
…naramdaman kong espesyal parin pala ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Risks and Returns
Fiksi RemajaLove is all about taking the risks and not minding its returns. Would Aianna be brave enough to take the risks and tell him how much she loves him? Or would she insist on keeping her feelings to herself and have a relationship with someone else?