'Tulong..'
Mahinang sigaw ng utak ni Sahania.
Pakiramdam niya ay parang walang katapusan ang paghila ng tubig sa kanya pailalim.
Gusto niyang kumawag pero hindi niya maigalaw ang buong katawan niya.
Muli niyang naalala ang nangyari sa kanya noon.
Dati ay magaling siyang lumangoy at sa ilog sila naglalagi pero ngayon ay takot na siyang lumangoy pa sa malalim.
Takot na siya sa malaking lawa ng tubig.
Hindi na siya makalangoy pa.
'Tulong.. Wala ba talagang tutulong sakin..?' gusto niyang umiyak pero hindi niya magawa.
Nararamdaman niya ang tubig na yumayakap sa buong katawan niya.
Nahihirapan siyang huminga.
Pakiramdam niya ay napuno na ng tubig ang hihingaan niya.
Unti-unti ay mauubusan narin siya ng hangin.
Pinikit niya ang mata ng may maramdaman siyang humila sa kamay niya.
Hinihila siya pataas hanggang sa mahawakan nito ang baywang niya at maihaon ang mukha niya.
Naramdaman ni Sahania ang mainit at mahigpit na yakap at hawak nito sa kanya.
Binuhat siya nito hanggang sa makaahon.
Pagkaahon ng mukha niya sa tubig ay huminga siya ng malalim para makasagap ng madaming hangin.
Nakalabas na sila ng pool at buhat buhat siya ng taong naglistas sa kanya.
"It's okay Nia... I'm here..."
Isang malamig na boses ang narinig niya na bumulong sa kanya.
'Nia.. Tinawag niyakong Nia!!' sigaw ng utak ng dalaga.
Iisang tao lang ang tumatawag sa kanya ng ganun.
Maski mga magulang niya at mga pinsan niya ay hindi alam ang palayaw niyang iyon.
Ang Lola Rufina niya.
Ito lang ang tumatawag sa kanya ng ganun.----------(Flashback)---------
"Nia..? Nia...?"
Tawag ng matandang babae na dahan-dahan ang yapak ng paa papalapit sa nagtatagong batang babae.
Nakatayo ang limang taong gulang na batang si Sahania sa may bintana na natatakpan ng kurtina.
Kasalukuyan silang naglalaro ng lola rufina niya ng tagu-taguan.
Si Lola Rufina niya halos ang nag-alaga sa kanya nung baby siya dahil kailangang maghanap buhay ng mga magulang ni Sahania.
Kahit matanda na ito sa edad na otsenta anyos ay hindi maitatago na dati itong isang magandang dilag noong araw.
Imbes na Sahania ay 'Nia' ang itinatawag ng lola niya sa kanya.
"Huli ka!!"
sabi ng lola niya pagkatapos hawiin ang kurtina na pinagtataguan niya.
Sumigaw ang batang si Sahania at saka ito kiniliti ng kiniliti ng lola niya.
"I love you Lola.." masayang sabi ng paslit na si Sahania..
"I love you too my dear Nia.." sabi naman ng matanda sa kanya."Lola!! Lola!!!" umiiyak na tawag ni Sahania sa lola niya.
Matagal na kasi itong hindi lumalabas ng kwarto at lagi nalang nakahiga.
Nasa loob ng kwartong iyon ang mga magulang niya at mga kapatid ng mama niya.
Pinapalibutan ang lola niya na nanghihina na at halos hindi na makapagsalita.
Umiiyak ang mga magulang ni Sahania at ganun din ang mga tito at tita niya kaya hindi na din niya mapigilang umiyak.
Matagal na niyang pinipilit na pumasok sa kwarto para makita ang lola niya pero hindi siya pinapayagan ng mga magulang niya.
"Kailangan ng magpahinga ng lola mo Sahania." sabi sa kanya ng tito niya.
"Ayoko!! Gusto kong makita ang lola ko!! Anong ginawa niyo sa lola ko!!" umiiyak at sumisigaw na sabi ni Sahania.
"Sige na, hayaan mo na siya Melvin." narinig niyang sabi ng mama niya sa gitna ng paghikbi nito.
Agad na tumakbo si Sahania sa nakahigang lola niya at hinawakan niya ang kamay nito.
"Lola.. Lola ko.." tawag ni Sahania sa lola niya habang hawak-hawak at hinahalikan niya ang palad nito.
Ngumiti ang matanda sa kanyang apo at saka ito nagbitaw ng salita.
"It's okay Nia.. I'm here.. I will always be with you.." sabi nito at saka tuluyang pumikit ang mata at bumitaw sa pagkakahawak ng batang si Sahania.
"Lola!!!!!"
Sigaw ni Sahania ang pumuno sa silid na iyon kasabay ng pag-iyak ng mama niya at mga kapatid nito.----------
Nanginginig ang kamay na ipinalibot ni Sahania ang braso sa leeg ng nagbubuhat sa kanya habang ang isang kamay naman niya ay pilit pinapahid ang naghalong tubig at luha sa mukha niya.
Basang-basa ang buong katawan niya.
Malabo ang paningin niya dahil sa luha at tubig.
Pinikit niya ang mata at saka dahan-dahang minulat.
"J-Jadiel..." mahinang tawag niya ng mapagtanto kung sino ang taong may buhat sa kanya at saka siya nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
The Non-Existent Me (COMPLETED)
RomantikSabi ng iba, sa ugali ka daw tumingin hindi sa itsura. Bonus na daw kung may nagmahal sayo na mabait na, gwapo pa. Ngunit para sa probinsiyanang kagaya ni Sahania ay panaginip lang na may lalaking gwapo na at mabait pa. Kung gwapo man, manloloko n...