Chapter Eight

59 6 0
                                    

Dumating ako sa school one hour and a half bago ang klase kaya nagpunta nalang muna ako sa courtyard. Tulad ng dati, tahimik parin naman dito. Mukha ngang wala na halos gustong pumunta dito kundi ako.

Gusto ko sana na mag-review ulit para sa first quiz namin sa FinMan kaso sobrang bangag pa ata ako. Pinagpuyatan ko kasi talaga ang pag-aaral sa subject na ito. Siyempre. Dahil yun ang subject na tinuturo ni Kian. 

Ibinaba ko yung gamit ko tapos umubob na ako sa table. Antok na antok na talaga ako. At siguro nga mas mabuting ngayon ako matulog kaysa mamaya habang nagsasagot sa quiz.

*****

*Poke *Poke

Anu ba naman yan. Hindi ba napapansin ng taong ‘to na natutulog ako? Gumalaw ako ng kaunti. Baka sakaling tumigil siya sa kakakulbit.

*Poke *Poke

Hindi ko nalang ulit pinansin. Magsasawa din yan.

“Ayaw mo talagang gumsising? Sige ka. Andun na si Ma’am Tadeo sa room.”

Bigla akong napatayo. Shoot! Nakalimutan ko na nasa school nga pala ako.

 “Edi nagising ka din.”

“Bakit di mo ko kaagad ginising?!!”

Nanlalaki na yung mata ko sa sobrang inis samantalang siya naman nakangiti lang sa akin.

“Kanina pa kita ginigising, Ms. Alonzo. Kaso tulog mantika ka kaya naabutan na tayo ng time.”

Time

Oo nga pala. May klase ako ng 12:00.

Kinuha ko kaagad yung gamit ko tapos tumakbo na papunta ng room. Wala na akong pakialam kung sumunod din ba sa akin si Sean. Bahala na siya sa buhay niya.

Too late. Nasa loob na ng room namin si Ma’am Tadeo. Ibig sabihin lang niyan, bawal nang pumasok. For the first time in my college life nagkaroon ako ng absent sa major subjects ko. Salamat kay Sean na hindi ako kaagad ginisng.

“Pinagod mo lang ang sarili mo alam mo yun?”

Inirapan ko nalang siya. Sabi nga nila, ‘lokohin mo na ang lasing ‘wag lang ang bagong gising’. Magpasalamat nalang talaga ang lalaking ‘to at mabait padin ako sa kanya. Dahil kung sa ibang tao ‘to nangyari, kanina pa siya nasapok.

“Oh para sa’yo.”

Tiningnan ko yung ibinibigay niya sa akin.

“Para saan yan?”

“Ewan. Anu ba sa tingin mo?”

Sinimangutan ko siya. Onti nalang talaga masasapok ko na siya. At sana lang pag ginawa ko yun. Di kami makikita ng kahit na sinong prof.

“Tanggapin mo na. Tutal hindi naman sa akin galing ‘to.”

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Kung hindi galing sa kanya, kanino?

“Nakita ko lang yan sa tabi mo kanina. Looks like you have a secret admirer.”

Secret admirer? As if. Sino naman kayang magkaka-gusto sa isang tulad ko. Hindi ko alam kung nanloloko lang ba ‘tong lalaking ‘to o ano pero kinuha ko na din yung binigay niya.

Isang Nescafé Ready-to-Drink Latte? Sino naman ang magbibigay sa akin ng ganito.

“Oh.”

May inabot siya sa aking note tapos naglakad na papalayo. Tingnan mo yun. Napaka-moody. Kanina lang angsaya-saya pa niya tapos ngayon naman parang naiinis na hindi mo maintindihan.

Risks and ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon