Chapter Nine

50 5 0
                                    

Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito kababa ang prelim exam result ko samantalang nag-aral naman ako ng mabuti.

Nakapila kami ngayon para mapa-ayos yung mga corrections namin. Nasa unahan ko si Frances at nasa likod ko naman si Sean.

“Akala ko ba nag-aral ka? Eh bakit mas mataas pa ako sa’yo?”

Tahimik lang ako kahit na alam ko sa sarili ko na inis na inis na ako.

“Hoy Sean! Halika nga dito!”

Hinila ni Frances si Sean sa kung saang parte ng room. Basta ang alam ko, inilayo niya si Sean sa akin.

Kilala na kasi ako ni Frances. Tulad nga ng nasabi ko noon, isa akong GC (Grade Conscious). Hindi ako sanay na makakuha ng mga bagsak at mabababang grades. At higit sa lahat, hindi ko gusto na ipinamumukha ‘to sa akin.

Naiinis ako sa sarili ko. Hindi naman ako ganito. Alam ko naman sa sarili ko na nag-aral talaga ako. Sino ba naman ang matutuwa sa grade kong ‘to? Sino nga bang makakapaniwala na ang isang consistent Dean’s lister ay magiging ganito?

Naiinis din ako kay  Sean. Hindi naman sa pikon ako pero gusto ko siyang sapukin. Kung sa amin naman kasing dalawa, mas deserve ko ang score niya kaysa sa dito sa akin. Pero ano ba namang magagawa ko? Matalino siya. Masipag lang ako.

At higit sa lahat, naiinis ako dahil halos hindi ko na nga aralin ang iba ko pang major subjects para lang dito. Pero bakit ganito parin ang nakuha ko? At bakit sa dinami-dami ko namang ibang subjects sa mundo, bakit yung kay Kian pa? Bakit kailangang ngayon pa ako pumalpak?

“Ei. You alright?”

Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ni Kian ngayon. Sa mismong mga oras na ‘to, gusto kong lamunin nalang ako ng lupa. 

Dahil nahihiya ako sa kanya.

“P-po?”

Itinuro niya yung mukha ko. Nung una akala ko may dumi lang ako sa mukha kaya pinunasan ko yun. Pero iba ang nahagip ng aking mga mata.

“You’re crying.”

Tama kayo. Luha.

Mukhang narinig ng buong klase yung sinabi ni Kian kaya lahat sila napabaling ang atensiyon sa akin

“Girl! Bakit ka umiiyak?”

Umiling ako. Hindi ko talaga alam kung bakit.

Pumunta na ako sa may pwesto ko. Si Frances naman, nilapitan si Sean at biglang binatukan.

Magtatanong pa sana si Sean kung bakit kaso bigla na siyang hinatak ni Frances papunta sa akin.

“Frances, sumosobra ka na—Woah! What’s with the waterworks??!!”

Kitang-kita sa mga mata niya yung gulat na makita akong umiiyak.

Binatukan pa ulit siya ni Frances. Napalakas ata masyado dahil nasubsob si Sean sa upuan sa tabi ko.

“Eh siraulo ka pala eh! Ikaw tong nagpaiyak tapos tatanungin mo kung anong problema!!”

Pinatigil ko na muna silang dalawa dahil sumsakit lang ang ulo ko. Time na nun pero hindi padin umaalis si Kian sa room.

*Dug Dug* *Dug Dug*

“Ayos ka na ba?”

Andito siya ngayon sa harap ko. Ramdam ko na halos lahat ng tao dito sa room, nakatingin nanaman sa akin.

“O-opo sir.”

Bumuntong hininga nanaman siya. Tumingin siya sa paligid bago pa ulit magsalita.

“Sabi mo eh. Don’t worry. May chance ka pa. I know you can still make it.”

Bigla niyang ti-nap yung balikat ko. Magpapasalamat sana ako pero walang boses ang lumabas sa bibig ko.

Naging kakaiba yung pakiramdam ko dun sa pag-tap niya. Hindi siya basta-bastang awa o kung ano man. Dahil sa mismong mga oras na ‘yon, naramdaman ko ang gusto niyang iparating.

Na lagi lang siyang Andyan sa tabi ko.

*****

Andito kami ngayon sa University scoops. Hindi ko alam kung ano yung tumama sa utak ni Sean at nanlibre nalang siyang bigla.

“Hay nako. Alam mo, buti nalang naturuan mo ng leksyon yung Kuya kong yan.”

Nagtawanan silang lahat. Lalong-lalo na si Josh na ngayon palang nakakaranas ng libre ni Sean.

Masasabi kong mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Wala naman ibang mangyayari kung iiyak at iiyak ako. ‘Better luck next time.’ Nalang siguro.

“Oh eto pa. Kung may gusto pa kayo, sabihin niyo lang”

“See?” 

“Pre, konsyensyang konsyensya ka ah”

At lalo pa silang Nagtawanan. Si Sean naman na walang kamalay-malay na siya na ng pinag-uusapan, napakamot nalang ng ulo.

Nagtagal pa kami ng mahigit isa pang oras doon. At nung halos magka-tonsillitis na kaming lahat, napagdesisyonan na naming umuwi.

“Oh sige na. Mauna na kami ah. Ingat kayo.”

Nag-beso sa amin si Faye tapos nagsimula na silang umalis ni Josh.

Kami naman ni Frances may balak pang bumalik sa college building namin. Nakalimutan kasi naming kunin yung Cost Accounting book namin sa locker.

Bago pa kami tuluyang tumawid ni Frances, bigla namang hinatak ni Sean ang braso ko.

Agad akong Napaharap sa kanya. Napansin kong iba yung dating ng mga mata niya ngayon.

Seryoso.

“Aianna I-I’m really sorry for what happened.”

Ngumiti ako sa kanya. Hindi lang naman siya ang may kasalanan kung bakit ako umiyak pero siya ang napagbalingan ng sisi.

“Ayos lang. Patas na tayo. Ni-libre mo naman na kami ng ice cream.”

Umalis na talaga kami. Si Sean, Nagpaiwan nalang doon dahil malapit lang naman doon ang apartment niya. Mga five minutes na paglalakad ang inabot namin bago pa kami tuluyang makarating sa college building namin.

Nanlaki ang mga mata ko nung buksan ko ang locker ko.

“O-M-G.”

Isang rose.

Tumingin kami sa paligid at baka malaman namin kung sino yung naglagay nito sa locker ko. Pero wala nang ibang tao dun kundi kami ni Frances.

Nung kinuha ko yung rose, napansin ko na may nakatali palang note dito.

“Anung sabi? Kanino galing?”

“Walang nakalagay.”

“Creepy. May kilala ka bang pwede gumawa niyan?”

Nagkibit-balikat ako. Hindi ko alam kung sino ang naglagay ng rose na ‘to sa loob ng locker ko. 

***Quote***

“Your smile never fails to take my breath away. 

Please smile.

‘coz when you do…

I can‘t help myself but fall inlove.”

Kinabahan ako.

“Ano ba naman yan. Sino nanaman bang duwag ang makakagawa niyan?”

Nakita ko yung sobrang inis sa mga mata ni Frances. Pero bakit naman kaya siya maiinis?

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung sino ang nagbigay nito sa akin. Pero kahit papaano,

umaasa ako na si Kian lalaking ‘yun.

Risks and ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon