"You're late!" Yan ang tumambad sakin pagdating ko sa set. Naunang dumating sakin si Jb. Akalain mo yun?! Lakas ng loob niyang sabihan ako ng late samantalang siya nga raw 'tong laging late.
"Excuse me, nauna ka lang sakin late na ko??" Sabi ko sa kanya.
"Oo naman!" Tumayo siya sa inuupuan niya at naglakad papunta sakin. Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. "Alam mo bang lahat ng tao dapat nauunang dumating sakin?" Hindi ako naka-react agad. Naloka ako na halos one inch na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Gosh! Hihimatayin yata ako. Heeeelp!!!
"O tama na yang LQ na yan! Mag-ready na kayo para sa first take." Biglang singit ni direk samin. Whew. Buti na lang! Saved by direk.
After almost an hour of preparation, good to go na kami pareho ni Jb. Nagsimula na ulit mag-shoot ng scenes namin. This time, hindi na kami masyadong nagkakahiyaan. Medyo nasanay na rin siguro kaming magkasama sa eksena. Tsaka kahit papano, mas kumportable na kami ngayon sa isa't isa kumpara nung unang araw ng taping.
Pagkatapos ng ilang scenes namin ni Jb, nag-stay muna kami sa standby area kasi yung Gracenote scenes naman ulit ang kukunan. Akala ko tapos na silang kunan nung isang araw pero hindi pa pala. May ilang scenes pa pala na natira.
Habang nasa standby area, nakipagdaldalan lang sakin si Jb. Ang weird nga eh, nung una kasi tahi-tahimik lang siya tapos bigla akong dinaldal ngayong araw. Kung san-san na napunta yung usapan namin hanggang sa wala na kaming mapag-usapan kaya bigla kaming tumahimik.
"Sira na yata 'tong cellphone ko eh. Ipagawa ko na kaya." Pagbasag ni Jb sa katahimikan.
"Bakit? Anong problema ng cellphone mo?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi na yata nakaka-receive ng text 'to eh.. Wala kasi akong natanggap galing sa'yo." HUWAAAT?! Naloka ako dun sa pahabol niya! Tama ba yung narinig ko?!? Teka Anna, breathe in, breathe out. Repeat. Okay go! Keri mo na yan.
"Walang problema yang cellphone mo. Hindi lang talaga ako nag-text sa'yo." Pa-cool kong sinabi. Kunwari 'di ako kinilig ng bongga sa sinabi niya kanina.
"Alam mo ikaw, ang taray mo talaga!" Sabi niya. "Sa lahat ng nakasama ko sa isang project, ikaw lang yung ganyan sakin!" Naiinis na yata siya. Hahaha! Buti nga.
"Edi good! Baka sakaling mag-standout na ko sa'yo ngayon." Sabi ko sa kanya sabay belat.
"Ah ganun? So kaya ka pala ganyan dahil dun?" Nag-smirk siya. Nakakainis. Ang gwapo eh! "Eto naman! Masyado mo namang sineryoso yung sinabi ko dati. Joke lang yun!" Sabi niya sakin.
"So, nag-standout nga ako?" Tanong ko sa kanya. Konting fish lang, aamin din yan.
"Hmm." Nag-isip pa siya kunwari. "Pwede na rin."
"Ewan ko sa'yo. Hmp!" Winalkoutan ko siya. Pumasok ako sa tent ko at dun na lang nagpahinga. Ang kulit kasi nun ni Jb eh!
Maya-maya, biglang nag-announce si direk na magkakaron kami ng change location. Bago yun ah. Wala yun sa unang plano. Mabilis akong nag-ayos ng gamit tapos lumabas na ng tent.
"Miss Anna, tara na po. Sakay na kayo." Sabi sakin nung isang staff habang tinuturo yung isang van sa tapat ko.
"Hindi na ate Veron! Sakin siya sasabay." Biglang singit ni Jb.
"Ha?! Ba't ako sasabay sa'yo?" Sarcastic na tanong ko.
"'Wag ka nang maarte! Dun na tayo sa auto ko." Sabi sakin ni Jb sabay hila sa braso ko. Ayos ah. Close kami?
Tumigil kaming maglakad sa tabi ng isang Ford Escape. Akala ko sa production van din kami sasakay pero yun pala, sa kotse niya mismo. Nakakaloka! Tapos kaming dalawa lang omg. Kinikilig na ko ngayon pa lang! Hahaha.
"O dali, sakay na!"
Sasakay na sana ako sa backseat nang biglang tumalak na naman siya..
"O ba't diyan ka sasakay? Driver mo ko? Dun ka sa harap!" Wow kuya sorry na ha? Shy kasi ako eh! 'Di na lang ako nagsalita para tapos na.
"San ba punta natin?" Tanong ko sa kanya pagkasakay ko. Wala kasi akong idea kung san yung change location eh. Basta sumama na lang ako.
"Sa QC circle. Kailangan raw ng amusement park scene." Sagot niya.
"Ahh." Yun na yung huli kong sinabi sa buong ride namin papuntang circle. Buti malapit lang kaya natiis ko naman yung kasama siya sa isang kotse tapos wala ni isa samin ang nagsasalita.
Pagdating dun, nag-setup muna sila ng equipment so kami stanby lang muna.
"Direk! Pwede bang mag-bump cars muna kami ni Anna habang naghihintay?" Ayos ah, dinamay pa ko.
"Siya sige. One round is enough." Sabi ni Direk Wen sa kanya.
Tumingin sakin si Jb. "Tara!" Yaya niya sakin. Sumunod naman ako.
Sakto kaming dalawa lang yung tao dun sa bump cars so solo namin yung buong lugar. Para kaming nakawalang lovers na walang magawa. Ayaw ko man aminin pero kinilig talaga ako sa ride na yun.
'Di ko namalayan na kinukunan na pala kami ng pictures ng bystanders tapos nagulat na lang ako na nakuhanan pala ng video yung buong ride namin ni Jb.
"This is actually good. Pwede itong gamitin as isang scene dun sa music video. Look at you two! Natural na natural ang dating ninyo!" Natutuwang sinabi ni direk samin.
Pinanood namin yung video. Totoo nga. Parang ang saya-saya namin ni Jb tapos parang may connection talaga between the two of us.
"Ang ganda nga nung kuha nila." Sabi ko in awe.
"Oo nga eh.. talaga palang bagay tayo." Tumingin siya sakin tapos binigyan niya ako ng isang killer smile.
OMG!! Ano ba 'tong nangyayari sakin. Puro na lang kilig sa taping! Haaay. Sana nga totoo yung sinabi ni Jb :">
YOU ARE READING
Summer Fling [ON HOLD]
Teen FictionSabi nga nila.. "In every girls life, there's a boy she'll never forget.. and a summer where it all began."