Andito ako ngayon sa KFC. Hindi kasi ako nakapag-breakfast kaya Kinailangan ko ng pagkaing mas mabigat pa sa Vanilla Iced Coffee at Regular French Fries ng McDo.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Kaunti lang ang tao dito kumpara sa McDo. Pero kung suswertehin mamalasin ka nga naman…
“Good Morning.”
Tiningnan ko lang siya saglit pagkatapos ay bumalik na sa pagkain ko.
“Uupo na ako ah.”
Pagkasabi niya nun ay hinila niya na yung upuan sa harap ko at umupo.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko doon habang nakatingin sa malayo.
Akala ko pa naman magiging tahimik ang pagkain ko ngayon dito.
“Ei. What’s with the silent treatment? Akala ko ba ayos na tayo?”
Ibinalik ko yung tingin ko sa kanya at itinuro ang bibig ko. Sana naman naintindihan niya ang gusto kong sabihin.
“Yeah right. Don’t talk when your mouth is full.”
Ayos naman na talaga siya sa akin. Wala na akong galit o inis sa kanya. Pero hindi padin ako komportable na kasama siya lalo na kung kami lang dalawa. At isa pa, nagtataka lang ako kung bakit ba sa lahat ng lugar na pinupuntahan ko dito sa university, kailangan andoon din siya.
“Sige. Huwag ka sana mabulunan.”
Natapos na akong kumain pero hindi ko parin siya kinakausap at nakatingin padin ako sa malayo.
Gusto ko na sana umalis para makalayo sa lalaking 'to kaso bigla namang pumasok sa isip ko na susundan padin naman niya ako. Para saan pa diba?
Inaliw ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa ng mga text messages sa phone ko. Habang nakaiwas padin ng tingin kay Sean.
Maya-maya lang, naramdaman kong nag-init ang buong mukha ko.
Lumingon ako kaagad kay Sean. At hindi nga ako nagkakamali.
Sean’s looking staring at me again.
“What the heck is your problem Sean?!!!”
Nanlaki bigla yung mata niya. Alam kong nagulat ko siya. Hindi naman kasi talaga ako pala-taas ng boses. Nabigla lang siguro ako dahil sa pagtitig niya.
“Whoa. Take it easy, Aianna. I didn’t mean to annoy you.”
Nagbuntong hininga ako. Wala naman akong mapapala kung magagalit ako sa kanya. Sisirain ko lang ang araw ko.
“You do know that staring is rude right? At kung sasabihin mo nanaman ang ‘you-look-familiar’ line mo, then stop. Masyado nang gasgas yan. Nakakairita na.”
Akala ko matitinag na siya sa kakatitig sa akin. Pero mali ako.
Dahil lalo lang niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
Pinilit kong hindi gumalaw. Hindi dapat ako magpakita ng kahit na anong senyales na naiilang ako sa kanya. Kahit na sabihin pa nating totoo yun.
“Really? Eh paano kung sabihin ko sayong mukhang alam ko na kung saan kita unang nakita?”
Isa akong sinungaling kung sasabihin ko na hindi ako naging interesado sa sinabi niya. Dahil oo. Interesado nga talaga ko. Pamilyar din siya sa akin at hindi ko na maalala kung saan nga ba kami unang nagkita.
Pero hindi niya dapat mahalata na gusto ko ding malaman.
“Talaga lang. Sige nga… Saan?”<%
BINABASA MO ANG
Risks and Returns
Teen FictionLove is all about taking the risks and not minding its returns. Would Aianna be brave enough to take the risks and tell him how much she loves him? Or would she insist on keeping her feelings to herself and have a relationship with someone else?