Chapter 5

30.5K 576 33
                                    

SAM POV

Mag isa lang ako sa living room. nakailang beses na akong nagpalipat lipat ng palabas sa tv. wala akong mahanap na magandang panoorin kaya pinatay ko na lang. Tumayo ako at bumalik din sa sofa para maupo. Kinakabahan ako ng hindi ko maintindihan. tinawagan ko si Vince para kamustahin sila ni Zhaira. okay naman daw sila at ang resto ko.


Wala ang parents ko, may problema na kailangan raw nilang ayusin sa company di ko na tinanong kung ano.

Pagkatapos ng nangyare kahapon, ang pagsugod ni bea dito sa bahay. nagdagdag si dad ng bodyguard para bantayan ako. nag-aalala sya na baka may gawing hindi maganda si bea. Sinabi ko naman na hindi na kailangan pa dahil kaya kong protektahan ang sarili ko.


"Anak may bisita ka" napalingon ako sa likod ko ng magsalita si nanay lordes. agad akong tumayo at inayos muna ang sarili. nang makita kong okay naman ang lahat. nagpunta ako sa garden kung saan nagpunta ang bisita ko.

Sa pag kakaalala ko wala akong kaibigan bukod kay rea na syang nakakaalam na nandito ako sa bahay ng magulang ko.


Nakayukong naglakad ako papunta sa garden ng mag-angat ako ng tingin tila naitulos ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong umalis at wag na syang harapin pero hindi ko namalayan na nasa harap niya na ako at pinagkrus ko ang magkabilang kamay.

Umarko pataas ang isang kilay ko habang tinitigan siya. anong ginagawa nya dito?..

"What are you doing here? Ang kapal din ng mukha mo na magpunta pa dito sa bahay ng magulang ko pagkatapos ng lahat ginawa mo sakin pati na rin kila mommy" Nanlilisik ang matang sabi ko sa kanya.

"Ikaw ba ang nagsabi kay tito na alisin si Bea sa company? Why? Hindi ka pa rin ba nakamove on sakin at gusto mo akong gantihan, kami ni bea?" Peke akong natawa.

"Bakit Zack? Yan ba ang tingin mo sakin? You know what wala akong oras para makipaglokohan sayo o kausapin ka na wala namang kakwenta-kwenta yang pinagsasabi mo. Kung pinaalis ni dad si bea sa company NAMIN wala ka ng pakialam pa dahil hindi mo hawak ang disisyon ni dad"

"Dahil sayo kaya tinanggal niya sa trabaho si bea." Gulat na napamaang ako sa sinabi niya. Ako pa talaga sisihin niya? Kasalanan ko na pala ngayun na alisin ni dad si bea sa company namin.

"Ako zack? Tinanggal sa trabaho si bea dahil naging KABIT mo siya ng mga panahong mag-asawa pa tayo. pasalamat ka na lang at 'yun lang ang ginawa ni dad sa kanya at magpasalamat ka din dahil wala pa ginagawa sayo si dad" cold na sabi ko.

"Papakinggan ka ni tito just please sabihin mo sa kanya na ibalik nya si bea bilang secretary ko" Napairap ako.

"At bakit ko naman gagawin 'yun? Sino ka ba para sabihin sakin mga bagay na to? Bakit hindi mo na lang siya ipasok sa company niyo ng hindi ka nangiistorbo dito"

"I can't magagalit sakin si dad. Pagkatapos ng malaman nila ang totoong rason kung bakit tayo naghiwalay. hindi niya hinayaan na mapalapit si bea sa pamilya namin. Binalaan ako ni dad na kapag pinasok ko sa company si bea mawawalan ako ng mana."

"Hindi ko na problema 'yan zack. kaya kung pwede umalis ka na dito habang wala pa sila mom at kung ano pa ang magawa sayo ni dad.Tandaan mo galit sa inyo ang magulang ko at kung may magagawa man ako sa tingin mo hahayaan kong pumasok sa company namin ang isang ahas na katulad ni bea? No! kaya tama lang na tanggalin ni dad si bea sa company" Mariing sabi ko.

Tatalikod na sana ako ng biglang hawakan ni zack ang kamay ko dahilan para mapaharap ako sa kanya. agad kong winaksi ang pagkakahawak nya sa akin.

Being His Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon