Chapter 36

11.4K 188 30
                                    

Bago ako magstart gusto kong humingi ng suporta ninyo :( PLEASE VOTE COMMENT OR ANYTHING NA PEPWEDENG MAKATULONG SAKIN TO IMPROVE MY WAY OF WRITING. Guys please, maliit na bagay lang mag-ingay naman kayo oh. Maraming maraming salamat :)

Guys oo nga pala pag umabot sa kota ang vote at comment magkakaroon ng araw araw na update! Kaya vote and comment na. Salamat :)

——
Reds Pov

Hindi ako mapakaling nagpalakad lakad sa tapat ng ER. Halos mangatog ako at mawala sa sarili ng makitang sobrang dami ang dugo na patuloy na dumaloy sa ilong ni Suzie kanina. Hindi ako matahimik, kahit na alam kong andito na kami at naidala ko na sya sa ospital.

Halos hindi ko matignan si Cassy at Quiel na parehong nag-uusap sa may kalapit na bench na may mga ngiti pa sa kanilang labi.

"Fck.. I cant get it why do they have to be here." Bulong bulong ko sa sarili at naikuyom ko na lamang ang aking kamao. Gusto kong magmura at sabihing nagagawa pa nilang maglampungan sa ganitong klase ng sitwasyon?

Tchh..


Naalala ko ang itsura ni Suzie kanina na walang kalaban-laban na pinagsasampal ni Cassy. Mas lalo akong nakaramdam ng awa... para kay Suzie. Why does she have to suffer this much? Look... I know may kasalanan ako sakanya noong una. But fck it!! May puso ako! Hindi kaya ng konsensya ko ang lahat ng nangyayari sakanya! Maging ako man ay hindi ko namalayang unti-unting nanghihina.


Bakit nga ba ang lahat ng lalaki ay nababaliw sayo Cassy? Isang katanungan sa aking isipan. Nababaliw na sa puntong dinadala mo sa kasamaan.. sising sisi ako sa mga pakikinig sa lahat ng pambubuyong natanggap ko mula sakanya.. Innocent and sweet Suzie doesnt deserve it.


Umupo ako ng tahimik sa tabi ng dalawang makakapal ang mukha na sumunod pa sa ospital. Tahimik lang ako but deep inside I just wanted to punch Quiels face. Pinagtulungan nila ang taong walang kalaban laban? And guess what!! Whats worse is that sa mismong pag-aari pa ni Suzie!!


Rinig ko ang malanding tawa ni Cassy at patuyang pang-aasar sakanya ni Quiel ng lumabas ang isang nurse. Agad akong tumayo at mabilisang pumunta sa kinatatayuan niya.


"How is she? Please... do all your best to save her." Mariin ang aking pagkakasabi at pumikit ako, ngunit sa pagpikit ko ay naalala ko na naman ang mga dugong patuloy na bumuhos mula sakanyang ilong.


"S-shes fine now sir.." naiintimidate nya namang sinabi sakin. Medyo kumalma ako ng kaonti dahil halata kong kinabahan ang nurse sa pagkakariin ng pag-uutos ko.


"E-excuse me who is the guardian here? Andito po ba?" Iniwas nya na ang tingin sakin at bumaling sa dalawang magsyota na nahinto sa paglalandian .



Magpipresinta na sana ako ng nagulat ako dahil sabay kaming nagtaas ng kamay ni Quiel. Tinitigan ko sya ng masama, at nagulat ako ng mas masamang tingin ang ipinukol nya saakin at nag tss sa gilid.



"Im her boss." Mayabang at patuyang sinabi ni Quiel.



Hindi parin ako bumitaw sa masamang pakikipagtitigan at palihim kong ikinuyom ang kamao. Fck you! Wag kang hambog! Are you doing this to satisfy your pride? Your ego? Kahit kelan... wala kang awa kay Suzie..



"Im her friend." Mapagmalaki kong sinabi rin sa nurse at nanlaki ang mata nya habang namumutla na tumingin saming dalawa. Nagpalipat-lipat sya ng tingin at hindi nya alam kung anong gagawin nya.



"Shane okay na ba ang pinapagawa ko sayo?" Bahagyang bumukas ang pinto kayat narinig namin ang sinabi ng doctor.



Nawala sa sarili ang nurse at dali-dali kaming hinila ni Quiel para sumama sakanya. Bumitaw ako sa pakikipagtitigan sakanya at ganon din sya.



The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon