Letter to Heaven

64 0 0
  • Dedicated kay Ailz Mae Boo
                                    

Someday I'll forget the hurt, the reason I cried and who caused me the pain. I will finally say goodbye to the person who once played a very big role in my life. I will finally realize that the secret of being free is not revenge but letting things fold into their own way and own time. After all, what matters is not the first but the last chapter of my life. Once again, I'll smile and laugh. I'll start to forgive and believe. And love, over and over again...

I'm Libra. I'm one of those people who believe in happy-ever-afters. Simla kasi nung bata ako, naadik na ko sa fairytales. Bata pa ako, nangarap na ako ng isang lalaking makakasama ko for the rest of my life. Isang lalaking magmamahal sa iyo ng lubos, poprotektahan at mamahalin ka ng walang katapusan. But as time passes by, nakalimutan or should i say na kinalimutan ko na ang pangarap na iyon.

But Alex came. Siya ang lalaking mulng nagpaalala sakin sa pangarap na iyon. Sa una naming pagkikita, dun ko nalaman ang ibig sabihin ng love at first sight. 

Ewan ko ba. Feeling ko, we complement each other. Nagkagustuhan at nagkamabutihan.

Ang sarap sa pakiramdam. Parang nasa cloud-9. Ipinadama niya sakin kung gano kasarap ang umibig. 

Ngunit hindi din naman mawawala sa isang realtionship ang mga away, mga tampuhan, mga pagsubok sa relasyon. Pero dahil ag-ibig ang nagbubuklod sa aming dalawa, nalagpasan namin lahat iyon.

And since, mag-aanim na taon na din kaming dalawa, we decided to get married. Siya na in kasi ang gusto kong maksama. He's the one I want to spend my forever with.

Palapit ng palapit ang araw ng aming kasal. Halu-halong emosyon ang naraamdaman ko.

Isang buwan.

Isang linggo

Isang araw.

Isang araw na nga lang at araw na ng aming kasal. At ayon nga sa pamahiin, bawal daw magkita ang groom sa bride before the wedding. Pero dahil hind makapaghintay ang mahal ko, dinalaw pa niya ako. Excited na daw siya. At pagkatapos ng ilang minutong chikahan at ka-sweetan, umalis na din siya. But before he left, he kissed my forehead and said, "I love you so much, Babe. Always and forever. Goodbye."

Ang saya saya ko. Pinilit ko pang matulog para hindi naman mukhang bangag kinabukasan. Natulo pa nga akong nakangiti.

Ngunit kinabukasan, isang balita ang gumulantang sa akin.

"Isang kotse ang nabunggo ng isang ten-wheeler truck. Dead-on-spot ang drievr ng kotse na pinangalanang Alexander Luistro."

Sandaling tumigil ang mundo ko. Hindi ko na alam ang sumunod na  nangyari. Hindi ko na din alam kung ilang baldeng luha ang naibuhis ko nung araw na iyon. Parang naranasan ko ang mamatay...

Isang taon na din ang lumipas. Hidi ko alam kung paano ko nakayanan iyon. Nagpasya akong mangibang bansa at magpanibagong buhay. Ngunit bago iyon, dinalaw ko muna ang puntod niya dala ang isang sulat para sa kanya. Dito ko sinulat lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Kung gaano kasaya amg makasam siya at kung gaano kasakit ang mawala siya. Alex, this is for you.

Para sa taong itinadhana sa akin, Alex,

When you came into my life, i told myself I was going to love you and never gonna hurt you. Ikaw ang siyang naging tunay kong kaibigan, aking pinakamamahal at lahat-lahat sa akin.

At dumating ang araw na ating pinakahihintay. The most precious day I will treasue for the rest of my life.

Pero. iniwan mo ako. Sandaling tumigil ang mundo ko. nahanapan ko na lang ang sarili kong nagtatanong, "bakit?"Aaminin ko nagalit ako. Ngunit nanaig sa king puso ang awa at pag-ibig. Noong una'y pinilit kong hwag maniwala pero noong makita na kitang wala nang buhay, unti-unti akon namulat sa katotohanang wala ka na nga. Natakot ako sa katotohanang hindi na tayo magkakasama ng matgal. Masakit tanggappin, "Huli na ang lahat."

Kung alam ko lang na yun na ang huling pagkakataong makakasama kita, sana niyakap kita at hindi na pinakawaalan pa. Akala ko sapat na ang pag-ibig natin para magtagal tayo, hindi pala. Kay lungkot na katapusan pero ito ay kagustuhan ng Diyos.

Ako, nandito, nasasakta. mahal na mahal kita at sobrang sakit na. Yung anim na taon na yun, wala na.. Paano ba kita makakalimutan? Paano at saan ako magsisimula? I'm sorry kung nakikita mo ang buhay kong unti-unting winawasak ng kawalan mo. Alam ko, hindi na kita maibabalik pa. Hinding-hindi na.

Isang taon na nga ang lumipas. This has been the longest year of my life. Bawat segundo, nagmimistulang isang taon. At ang pinakamasakit ay tuwing gabi.Ang kalungkutan sa gabi ang nagpapabalik sa akin sa masasayang araw na pinagsamahan natin at ang pinakamasakit ay noong iniwan mo ako at ipinaubaya naman kita sa diyos. Kait katahimikan ay nagpapaalala sa akin sa lahat ng sakit at panghihinayang..

Ngunit alam ko, muli, babalik din ako sa aking sarili. Matatanggap ko din na wala ka na. At hinding-hindi maiaalis sa akin na ika'y naging parte na masyang mundo at buhay ko.

Sa huling pagkakataon, sinasabi ko sa iyo, "Naging masaya ako sa piling mo, nalaman ko kung gaano kasrap ang mabuhay dahil sa iyo."

Babe, pinapalaya na kita. Oras na para makalaya na rin ako sa pangungulila ko sa iyo. Ito na siguro ang pinakamasakit na desisyon na gagawin ko sa buong buhay ko - ang palayain kita. Kasi, mahal kita. Sobra-sobrang mahal kita. At itong pagamahal na ito, ito lang ang meron ako. Paalam.

Mula sa taong laging magmamahal sa iyo,

Libra

Letter to HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon