Walang Iwanan Ha? [One Shot Story]

189 2 4
                                    

One shot story po. HAHA ^____^ Medyo magulo po siya. Pangit kasi ako magsulat eh. Haha. PEACE (◕◡◕)V

Kung maguguluhan po kayo, tanong niyo lang po sa akin. I will gladly explain it to you po! Umm, yun lang...

ENJOY! ♥

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“PULL OVER! HOY! HUMINTO KA! YUNG SASAKYAN NA KULAY BLACK! HEY 410 ANG PLATE NUMBER! HOY! TIGIL SABI EH!”

Huh? HEY 410? Plate number ko yun ah! At pinapahinto ako? Ano na namang nagawa ko? Mamaya na nga muna yang tanong-tanong na yan. Hihinto na lang muna. Masunurin ako eh. DAW.

Nang makalapit yung police officer, “Officer, ano pong problema? Nag-overspeeding po ba ako?”

“You’re under arrest,” matigas nyang sabi.

Ano? Under arrest? Ako? Good girl kaya ako. “Ano po bang pinagsasasabi nyo?”

Nilabas niya yung posas. “Talikod!” utos nya.

“Nagkakamali kayo ng inaaresto! Inosente ako,” pageexplain ko.

“Ikaw si Jessica Martinez diba?” Nung tumango ako, dinagdag nya, “Magnanakaw ka! Halika, dun ka na magpaliwanag.”

Isinakay nya ako dun sa police car. “I want to call my lawyer. This is unfair! Hindi talaga ako nagnakaw. I swear! Please pakawalan nyo na po ako,” pagmamakaawa ko kay Manong Pulis.

“Kung ako sayo, tatahimik na lang ako. Tsaka ka na mag-explain! Tsk.”

“Hmp!” Yun lang ang naisagot ko.  

Nagdrive si Kuyang Pulis ng mga 20 minutes. Huminto kami sa isang hotel.

“O, anong nangyari? Nawalan ba ng gas?” Haaay, palpak talaga ‘tong si Kuyang Pulis. Mali na nga ng nahuli, nawalan pa ng gas.

“Hindi noh! Nandito na tayo. Baba na dyan!” utos sakin. Eto na ba yung presinto? Ganda ah!

“Teka teka. Eh hindi naman ‘to presinto eh. Kita mong hotel ‘to eh!” Kumaway ako sa harap mismo ng mata niya. “Hello? Malabo ba mata mo? O duling ka?”

“Hindi malabo mga mata ko noh! Alam mo ang daldal mo rin eh noh? Alam kong hotel yan! Sino bang nagsabi na sa presinto kita dadalhin?” May inabot sya sa akin. Panyo.

“Ano namang gagawin ko dyan?”

“I-blind fold mo sarili mo!” utos niya.

“Tanga ka ba? Kita mong nakaposas ako eh!” Oo na. Ako na ang masama. Ako na ang nagba-bad words. Eh kasi naman eh. -__-

Napakamot sya. “Ay oo nga pala. Tanga tanga,” bulong nya. Inayos nya yung panyo at blinindfold ako. Tinganggal niya na rin ang posas sa kamay ko.

Tapos inakay nya ako papunta sa loob.

“Oy! Saan mo ako dadalhin? Oy!” sigaw ko.

“Tumahimik ka nga. Sa penthouse kita dadalhin.”

Penthouse? No! “Anong gagawin mo sa akin?” nag-aalala kong tanong.

“Gaga!” Siya pa may ganang murahin ako ha! "Ang dumi ng isip mo!"

Naglakad kami hanggang sa tinanggal na nya yung blindfold ko. Huminto kami sa isang pinto.

Walang Iwanan Ha? [One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon