Prologue

31 0 0
                                    

7D YEARS
(7 Years For Me, But In Reality It Was 7 Days Only)

Original wrote by: mazterkulitz

Prologue:

Sam's POV:

I'm Samuel Guzman, Sam for short. Isa ako sa napakaraming call center agent dito sa Quezon City.

Pang gabi, kaya puyatan talaga. Hirap ako sa pag mamanage ng oras ko kasi kaunti nalang talaga ang oras pagdating sa bahay.

Kain, tulog, gising ng 7 pm para mag handa at papasok ng 8 pm sa work ko. Uuwi na ng 4 am, minsan hindi pa kasi nag o-over time ako. Bakit kamo? Well wala naman akong gagawin sa bahay pagnakauwi na ako. Hindi naman ako makatulog agad kaya nag o-OT nalang ako.

Kapag tapos ko na ang oras ko at antok na ako dun na ako umuuwi. Siyempre magpaalam muna bago umuuwi. Sayang din yung over time ko kung hindi nila idadagdag pagsasahod na ako. Ah! Never mind may CCTV naman kaya no worries na ako.
......
Napaungol ako ng marinig ko ang tunog ng alarm clock ko. Oras na naman ng pasok ko kaya kahit tinatamad bumangon, ay tumayo na ako at naglakad papuntang banyo.

Tinignan ang sarili sa salamin at napanguso. Bakit ang unfair ng mundo? Yung iba kahit bagong gising ang pogi parin, pero ako... Hay! Ewan, aminado naman akong wala akong itsura pero nadagdagan pa yata dahil sa stressful na work ko at sa sunod sunod na pagpupuyat ko.

Well hindi mo naman masasabing pangit talaga ako. Naging ganito lang ako dahil sa mga pimple marks ko. Tigyawat ko nalang yata ang may forever eh. From 15 years old up to now na 24 na ako sila nalang ang hindi nang iwan sakin. Buti nga kakaunti nalang sila eh. Dati talaga grabe, yays wag na nga natin pagusapan yan.

Kinuha ko ang toothbrush at nilagyan ng toothpaste. Habang nagsisipilyo nagring naman ang cellphone ko.

Sino naman kaya to? Wala naman akong masyadong binibigyan ng number ko ah. Mabilis kong tinapos ang pagsisipilyo at naghilamos narin bago lumabas ng banyo.

Kinuha ko ang cellphone at tinignan kung kanino ang numerong tumatawag.

"Unknown number?" Bigkas ko bago sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Hello tol! Sam ikaw ba to?" Tanong ng nasa kabilang linya.

Napakunot ang noo ko.
Parang pamilyar sakin yung boses pero di ko matukoy kung kanino. Basta narinig ko na ito minsan eh.

"Ah hello sir. Pasensya na kayo pero hindi ko po kilala ang number na gamit niyo. Baka wrong number po ang nai-dial niyo" sagot ko at narinig ko ang tawa sa kabilang linya.

"AwwW... Di mo na ako makilala babe?" Tanong nung nasa kabila.

WHAT THE?😈 BABE?
Teka...parang alam ko na kung sino tong ungas na to eh.

"Miguel?" Bigkas ko.

"Yes babe, why? Kala mo ba hindi ako? Ay! Wait... Hmmm😏 something fishy fishy. May iba kang hinihintay na tumawag no? Pinagpalit mo na ako? Babe why? May problema ba?" Ang drama nitong baliw na to ah.

"Tumigil ka nga tol, kadiri kang buwisit ka. So, ano nga? Bakit ka napatawag? At saan mo naman nakuha number ko?" Tanong ko kay Miguel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

7D YEARS (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon