Chapter Two: Rivals
***
Pagka tapos ng panaginip na iyon ay mas minabuti kong gumising ng maaga.Paano pala pag naging totoo yun diba?
Maaga din nagising si Zyrah dahil first day of school ngayon. Finally, Grade 11 na rin kami. Bago ang uniform namin. Mas naging bongga ito kaysa nung junior high kami.
Umikot pa ako para makita kong hanggang saan kaya ang liparin ng palda ko.
"Let's go na, Eury."
Paglabas namin ay nagunahan pa kami na bumaba sa hagdanan.
"Alam mo ba? Kaklase daw natin si Nashly boy."
Napa taas naman ako ng kilay.
"Paano mo nalaman?"
"Kidding! Hahahaha! I am just testing your reaction."
Pumara sya ng tricycle at pina una akong pumasok.
"Alam mo ba kung taga saan si Felix?
Mahina kong tanong. Agad syang napa tili.
"Yes! Why? Sasagutin mo na?"
"No, I'm just asking."
Napa nguso naman sya. Iniwas ko ang tingin sa kanya at pinatuloy ko ang pag tingin sa tanawin sa labas.
Maya maya ay tumigil ang tricycle sa ilang kanto.
May sumakay sa back ride kaya nag hinala na agad ako.
Baka si Felix na yan.
Inayos ko ang mukha ko at hindi mapakali. Baka mangyare yung panaginip ko.
Maya maya ay tumigil ang tricycle sa harap ng school. Dali dali kong binigay ang bayad ko at tinalak palabas si Zyrah.
"WHAT THE?!"
Tinignan ko ang bumaba sa back ride.
Si Felix nga!
Naka suot sya ng uniform namin. Mukha hindi sya mahirap pag ganyang damit yung isinuot nya. Naka taas ang kanyang mga buhok at naka pamulsa ito.
"Maganda umaga."
Bati nya sakin. Ngumiti lamang ako.
"Hi Felix! Alam mo ba, tinanong kanina ni Eury kung saan banda bahay nyu. Yieee."
Siniko ko naman si Zyrah. Ba't ang daldal nito?!
"Ah, bakit naman?"
Tinignan ko sya. Ang mukha nya parang hindi mahirap tignan. Napaka ginoo nya pag mag salita sya.
"D ko alam, felix. Siguro---"
"Bibili kasi sana ako ng kakanin. Sarap ng E-bos kahapon. Lalo na pag may kunting panamis na nilagay."
"Ah. Sana sinabi mo kahapon ng madalhan kita. Wag kang mag alala, dadalhan kita bukas."
Tumango ako at ngumiti.
"Anong Grade mo na, Felix?"
Nilingon ko naman si Zyrah. Gusto pang patagalin eh.
"mag Grade 11."
"Good to know! Tara sabay tayong alamin section natin!"
Good Eury. Dapat hindi na natin patagalin ang kwento.
Pag pasok namin sa gate ay agad naming nakita na nag flag ceremony sila. Nasa prayer na. Tumabi sa akin si Felix sa akin at nasa harap ko naman si Zyrah. Mabilis ang tibok ng puso ko.
Dumunog ang tambol tanda na aawit kami ng lupang hinirang.
BINABASA MO ANG
Ba't ang Ganda Ko
Dla nastolatkówMeet Eurika. Ang Magandang babae, matalino at napaka bait.Marami na syang naging Boyfriend pero palagi lang syang panakip butas o kaya ay hinahabol lang sa kaya ay ang kanyang katawan. Meet Felix. Ang ultimong Mahirap, malas pero matalino. Isang ma...