Kabanata 1

114 3 12
                                    

~Kabanata 1~

Isang bagong umaga para sa buhay kong masagana. Ay mali, hapon na pala ngayon. Hayss.. Hanggang ngayon ay nababagot na ako dito sa loob ng classroom dahil anong oras na at hindi parin nagpapa-dissmiss ang professor namin sa religion. Nakaka-walang gana pag ganito lagi ang lecture.

"But her spirit of God can't be deceived..." 'blah.. blah.. blah.. walang akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya.'

At bakit ba kasi may religion subject pa kami? Connected ba yan pagka graduate ko sa college? Kung bakit dito pa kasi ako nilipat ni Daddy ng school.

Hanggang sa dumating na ang pinaka gusto kong sasabihin niya. "Class dismiss." Pagkasabi niya ng dismiss ay ako ang tuwang tuwa dahil ito talaga ang gusto kong subject. Dismissal at break lang talaga ang gusto kong subject. I considered them as a subject.

Dali dali akong lumabas sa classroom at lumabas ng school. Tinignan ko ang oras sa mamahalin kong relo at napangiti ako dahil maaga pa. 5pm palang kaya naisipan kong pupunta muna ako sa bar. And hindi na ako nagpalit ng susuotin dahil hindi ako nag-uniform ngayon. Sinita pa nga ako kanina kung bakit hindi ako naka-uniform pero pinabayaan ko nalang dahil wala naman silang magagawa because i'm a hard headed. May usapan kasi kami nila Shane na ako ang manlilibre ngayon dahil ako ang natalo sa karera. Nagpara muna ako ng taxi para magpunta duon. Hindi ko muna ginamit ang kotse ko dahil nasira ito kahapon dahil sa naganap na pakikipag racing car ko, napagalitan pa nga ako ni daddy because of what i did. Binalewala ko nalang 'yon dahil barya niya lang naman ang nasira kong kotse, marami pa naman siyang pang palit kaya ayos lang.

Huminto na yung taxi sa harapan ko kaya pumasok na ako. Pagkapasok ko sa loob ng taxi ay nag-abot agad ako ng bayad. "Sa Everland lang" sabi ko at sumandal sa side. Pagkalipas ng ilang segundo ay saka ko lang napagtanto na... may halo sa ulo yung driver ng taxi? What the heck? Lumingon ako sa driver.

"A-angel ka ba?" Kinakabahan kong sabi. Bigla naman akong napahiya sa sinabi ko dahil paglingon ko ay wala palang halo sa ulo niya. Siguro namamalik mata lang ako. Imposible naman kasing ipagda-drive ako ng taong may lumulutang na hugis bilog sa ulo? Or should i say... angel? And it looks weird because... babae pa yung driver then naka-all white ang attire?

"HAHAHAHAHAHA! Ano ka ba ineng? Bakit mo naman naisipan iyan? Mga bata talaga ngayon. Tsk!" at napa-iling iling pa si ateng driver.

"Wala po. Pasensya na." Paumanhin ko.

Kung ano ano talaga nasa isip ko ngayon. Hindi naman ako tumitira ng bawal na gamot. Siguro dahil nasobrahan na ako sa kakainom ng hard liquor, i think i need to stop drinking---- no! no! no! Hindi ko kaya! Siguro stress lang ako sa pag-aaral. Nag-aaral nga ba ako? Hayss.. hayaan na nga. Siguro namalik-mata lang ako. At saka bakit babae 'tong driver?

"Mukhang maraming gumugulo sa isipan mo?" Biglang sabi sakin ng babaeng driver. "Nagtataka ka ba dahil babae ang nagmamaneho sayo? Bakit kung babae hindi na pwedeng magmaneho?" Nakangiti niyang sabi.

Sabagay, ako nga nakikipag car racing. Ngayon lang ako hindi nagmaneho dahil nabundol yung sports car kong mamahalin. Hayss. Ang malas ko nga eh, nawasak pa 'yung sports car ko. Wala tuloy tititig sa sasakyan ko pag papasok ako sa school. Sports car kasi lagi ang dala kong kotse kaya nakaka attract.

Napa-ismid nalang ako at lumingon nalang sa gilid. "19 years old ka palang, kaya wag kang mag mamaneho. Hindi pa legal sa mga bata ang mag maneho. Lalo na kapag ganyang karerahan pala ang ginagawa mo. Sus, delikado talaga."

Napalingon naman ako sakaniya. "Hindi na po uso ngayon ang mga ganyan, kahit anong age pwede na, siguro nung mga panahon niyo po, sinusunod niyo yang mga ganyan. Pero kami ngayong mga youth, wala ng sinusunod." Walang gana kong sagot.

When you were goneWhere stories live. Discover now