Josh Angelo's POV
Halos dalawang linggo na kami ni Lei laman ng page sa school dahil dalawang linggo na din kaming laging magkasama, sa halip na si Fortaleza ay ako. Alam pala kasi ng lahat na sila na, mala'y ko ba duon halos di na rin ako nakakatingin sa page namin dahil sa daming gawa sa office. Kahit na sabihin ko na masakit sa damdamin e pinipilit kong magkabati si Lei at Fortaleza, gaysht HAHA. damn. Sa dalawang linggo din naming magkasama ni Lei napansin ko na may nagbago sa ugali niya, I mean nag mature siya ng kaunti tapos minsan nakikita ko siya na umiiyak sa may lobby sa office.
Alam kong nasasaktan siya sa nangyari sakanila ni Fortaleza, taas din naman kasi ng pride nun, nilang dalawa to be exact. Kahit na magkatabi silang dalawa sa room hindi sila nagpapansinan hays. gulo nitong dalawa! Kung sakin lang napapunta si Lei.
"Tolentino, usap tayo."
Ngumisi ako ng mayabang sakanya, "Oh? Tungkol saan naman? May pag-uusapan ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maging sarkastiko sakanya. G*GO PALA TO E! "Tungkol ba sa girlfriend mo? Kung bakit ako lagi ang kasam----
Sinuntok niya ako.
SIYA PA MAY GANA? EH AKO NGA PUMUNO NG PAG KUKULANG NIYA KAY LEI E.
BLAGG!
"ANO BANG INIISIP NIYONG DALAWA HA?!?!?" matinis na sigaw ni Sophia
"Oh? ba't ako? gusto ko lang makipag usap ng ayos jan sa boyfriend mo." mahinahong wika ni Fortaleza. plastik ha. mamaya tatambangan na 'ko neto e.
"Usap lang walang suntukan. Ayusin niyo nga yang problema niyo kay Rebecca o sa sarili niyo, balita ko magkababata pala kayo."
Damn WTH?
Naglakad si Fortaleza patungo sa gym, tatakbo sana ako at di susunod kung di lang ako kinukur---
"Aray abs ko naman."
"Wala kang abs excuse me, braso kinukurot ko para matakot ka."
Kanina pa kasi ako kinukurot nito e, sumunod lang ako kay Fortaleza. Damn?!
"Jolo,"
agad akong natigilan nang marinig ko ang katagang yuon.
"Sophia pwede mo ba muna kaming iwan? wala akong gagawing masama gusto ko lang talaga makipag usap sakanya."
tumano si Sophia at naglakad palayo saamin.
"Jolo, pasensya na." lumapit si Fortaleza palapit sakin at humakbang naman ako palayo.
Matapos ang lahat ng nangyari, Jolo? HAHAHA. g.go
"Dalian mo na, Math ang kasunod na subject ko alam mo namang mahirap ma late dun." mahinahon kong sambit.
"May gusto ka kay Rebecca?"
bumuntong hininga ako.
"Di pa ba halata?" hindi ko mapigilang maging sarkastiko ang tono ng boses ko.
"Jolo naman---
"WAG MOKONG TAWAGING JOLO PAKISUSAP HINDI AKO YUN!" sigaw ko.
"Jolo pakinggan mo muna ang kuya pakiusap din! Pakinggan mo muna ako!" hinawakan nya ako sa magkabilang braso. "Bumalik na ang papa, wag na tayong mag away pa please at kung akala mo tungkol kay Rebecca 'to hindi sa totoo lang hindi ko siya gusto! ginawa ko yun para mahirapan ka dahil naggagantihan tayo sa isang bagay na di naman natin alam kung sino ang nag pasimula!" nakita ko ang namumuong luha sa mata niya na kahit anong oras ay pwedeng bumagsak.
Wag ngayon.
"Jolo patawarin mo na ako, sa lahat-lahat ng nagawa ko sayo, sainyo. Si Rebecca, you can have her because she's not mine and she will never be mine."
"Wag mo muna idamay si Lei dito. Kinalimutan mo ako e." nanggigil kong sambit.
Hindi ko na din mapigilan ang pagbagsak ng luha ko.
Damn! Why am I crying?!?! For what?!?!
ramdam kong niyakap niya ako para pakalmahin, "Bunso balik na tayo sa dati mag lalaro pa tayo ng tekken diba? Wag ka na umiyak Jolo."
Imbes na makaramdam ako ng lungkot ay mas nanguna ang galit ko.
Bakit mo 'ko kinalimutan JJ?
"Bakit mo ako kinalimutan? Bakit isang araw hindi mo ako pinansin? Alam mo ba yung pakiramdam na may dalang laruan sa loob ng isang Video Game Rental Park dahil yun yung usapan nating kapalit pag natalo! P*ta!" pinilit kong kumalas sa yakap niya pero mas malakas siya
"Shhhh. Diba sabi ko makinig ka muna? Sasabihin ko sayo kapag tumigil ka sa pagiyak mo bunso." ramdam kong mas humigpit ang yakap niya, "Nung araw na dapat mag lalaban tayo ng tekken dumating si Papa sa bahay at sinabing pinili niya daw si Mama, alam kong hindi mo pa mauunawaan ang bagay na ganun dahil bata ka pa pero mas pinili kong masaktan ka dahil alam ko din na di mo kayang magalit kay papa kaya naisip ko na sakin nalang tutal parang ako na din yun." unti-unti akong kumakalma sa sinasabi niya, "Jolo alam kong mababaw ang dahilan na yun pero sana patawarin mo ako dahil dun nawalan ako ng kapatid na pinilit kong kayanin sa loob ng ilang taon."
"JJ, tama na masakit na ang ulo ko."
"Nalaman ko din pumupunta ka sa neurologists Jolo, kaya hindi kita kinakalimutan, kahit kailan hindi kung saan ka pupunta naandun din ako pero siguro hindi mo lang alam."
Neurologist.
"Alam mo?" kumalas ako sa yakap ng kapatid ko, di gaya kanina ay magaan na ang pakiramdam ko. Siguro sapat na yung mga narinig ko.
Bumalik na si Daddy
Kaya niya ako iniwan sa loob ng Video Games Rental Park ay dahil mas pinili niyang ilabas ko ang galit ko sakanya na hindi ko kayang gawin kay daddy.
Ngumiti ako ng mapait.
"Sabihin mo na kay Tita yang tungkol sa brain tumor mo para maagapan ka bunso." pinunasan niya ang luha ko. "HAHAHA bakla na tayo, diba sabi ni Mama bakla lang ang umiiyak? so.."
"Ayoko." matigas kong sagot.
"Ako nalang magsa----
"Ako nalang. Wag ngayon."
"Per---
"Kuya please." pakiusap ko, "Dalhin mo nalang muna ako sa clinic."
Argh! Sobrang sakit na ng ulo ko. Nasobrahan siguro ng iyak.
Nginitian ako ni Fortale---Kuya bago tumango, pinatong niya ang braso ko sa batok niya at inalalayan akong maglakad palabas dahil hindi ko na kay sa sakit ng ulo ko, ngayon tatlo na kami nina Sophia na nakakaalam ng sakit kong 'to.
Isang pamilyar na babae ang sumigaw saamin.
"HOYYY!!!! GELOOOOO BA'T GANYAN KA SA BOYPREN KOOO? HUHUHUHU!! SABI NA EHHH! BABAE KA!!"
Napangiti ako.
Kuya alagaan mo muna ang babaeng to, kahit isip bata to mahal na mahal ko 'to.
"Baby? Pwede mo ba akong tulungan buhatin si Jolo sa clinic? Masakit kasi yung ulo niya e."
"J-jolo? Ya---Hays okiiiii!!!"
Tumakbo siya palapit saamin at nakialalay din kay Kuya.
Sobrang sakit na talaga tulog muna ako ha.
A/N; Sorry guys kung nalayo sa concept at magulo. Peace! Salamat sa pagbabasa, pagiintindi at pagtatyaga sa story ko. HUAHAHAHA. lavya.
Votes and Comments are appreciated, advance thank you. hart hart
BINABASA MO ANG
Falling in Love to a Childish [COMPLETED]
Historia Corta#ShortStory Falling in Love to a Childish is a typical highschool love story wherein Josh Angelo falls in love with the daughter of his mother's friend, Rebecca Lei. All Rights Reserved Started: Apr 2015 Finished: Jan 2016 Written by: kyungyyyy