Kabanata I- Asam

92 5 0
                                    

"Inasaam"

Inaasam na ako'y muli mong iibigin.
Inaasam na ika'y maging aking muli.
ngunit ang lahat ba ng ito'y hanggang pag-asam nalamang?

umiiyak. oo. umiiyak
pagdating ng hating gabi. puso'y lubhang nasaktan dahil sa pag-ibig.

nasaktan. oo. nasaktan sa tuwing ika'y aking nakikita.
nakikita na masaya sa piling ng iba. masaya dahil kasama mo ay ang iyong mahal.

ngunit hindi mo ba naiisip ang aking nararamdaman?

mahal kita. oo. mahal na mahal kita ngunit bakit mo 'ko iniwan? bakit mo' ko pinagpalit?

hanggang sulyap mula sa malayo para lang ika'y aking makita na kahit ang totoo ay ako'y nasasaktan na.

nagpapakatanga para lang sumaya. ngunit masaya nga ba ako? masaya nga ba ako na ikaw ay hindi akin. masaya nga ba ako na hindi ako ang taong nagpapasaya sa iyo?

patawad. patawad sa aking nagawa. nagawa dahilan para ika'y lumayo sa aking piling. Inaasam ko lang lamang na ika'y bumalik. at ibalik ang ating pagmamahal na noon ko lamang naramdaman ng ika'y aking nakilala.

huli na nga ba ang lahat? huli na nga ba ako? siguro nga. ngunit ngayon ko lang napagtanto na hindi talaga tayo para sa isa't isa.

hindi tayo para sa isa't isa ngunit mahal na mahal pa din kita

Tula ng aking Pagmamahal✓️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon