Ang tagal ding tinitigan ni Sahania ang litrato na hawak.
Ito ang picture niya nung manalo siya sa solo ng Chorale competition.
Parang ang lungkot lungkot niya kasi sa litratong iyon.
Katabi niya doon si Mr. Bautista na abot hanggang tenga ang ngiti samantalang siya ay tila pinagsakluban ng langit at lupa na ni pekeng ngiti ay hindi mo mahagilap sa larawan kundi ang namumugto na mata niya na alam mong umiyak at sobrang lungkot.
Ilang buwan na ang nakaraan ng mangyari ang pagtatapat niya ng nararamdaman kay Jadiel.
Ilang buwan niya ring tiniis na hindi tignan ang binata at kahit kausapin siya nito ay parang wala siyang naririnig.
Mas nahirapan siya lalo pa at katabi niya ito sa klase nila ng Foreign Language.
Pinagdarasal na lamang ni Sahania na sana ay matapos na ang School Year na iyon.
"Alam mo, hindi ka gaganda kakatitig jan sa picture mo." natatawang sabi ni Rita sa pinsan.
"Nakakainis. First Time kong sumali ng Solo sa Baguio tapos ang lungkot ko pang tignan dito." nakasimangot namang sabi ni Sahania.
"Ewan ko ba sayo. Hindi naman naging kayo pero antagal mong magmove-on. Sa mga naging mag-on nga eh may 3-Month Rule lang tapos ikaw lagpas na ng tatlong buwan di ka padin makamove-on! Malapit na akong grumaduate hindi ka parin maka move-on!" reklamo sa kanya ni Rita.
"Konti nalang. As in konti nalang." sabi ni Sahania dito.
"Ilang beses mo ng sinabi yan noh. Ilang buwan ng umaasa si Daniel sayo. Nagsawa na nga ata kaya hindi ka na hinahatid eh!" sabi naman ni Rita sa kanya.
"Sira. Nagtetext naman siya kapag hindi niyako mahatid. Madalas nga siyang nahihilo at nanghihina sa practices eh. Laging masama ang pakiramdam niya. Ayaw naman niyang sabihin kung anong sakit niya. Lagi lang sinasabi na okay lang siya." may bahid na pag-aalala na sabi ni Sahania.
"Oh?! Halah.. Hindi kaya may malubhang sakit talaga siya tapos ayaw lang niyang sabihin sayo at ginagamit niya nalang ang nalalabing oras niya na kasama ka kahit di mo siya mahal..?" nanlalaki ang mga mata na sabi ni Rita.
Binato naman ito ng unan ni Sahania.
"Siraulo ka talaga! Imposible naman yun noh! Tigil-tigilan mo na nga yang panunuod mo ng KDrama at kung anu-ano na yang pumapasok sa utak mo!" naiirita na sabi ni Sahania dito.
"Joke lang! Toh naman.. Kung makapagsalita naman akala mo hindi patay na patay kay Lee Min Ho.." may kasamang pagnguso pa si Rita habang sinasabi iyon.
"Ano ka, ikaw lang yun noh.. Sa ihi nalang ako kinikilig ngayon!" depensa ni Sahania sa sarili.
"Don't me!! Pag may bagong drama lang si Lee Min Ho wag kang manunuod ha?!" hamon naman ni Rita.
"Ay wag namang ganun." agad na sabi ni Sahania at saka sila nagtawanan.Martes.
Kung dati ay inaabangan ni Sahania ang TTHS na klase niya, ngayon ay parang ayaw na niyang pumapasok ng mga ganoong araw.
Bakante ulit ng klase nila at nakatambay silang magkakaibigan sa fountain ng eskwelahan.
Tumunog ang bell at nagmadali silang magkakaklase na ayusin ang mga gamit.
"Tara na." aya ni Vernon sa kanilang lahat.
Nagmadali silang tumayo at maglakad papunta sa Waldo Building.
Siniko siya bigla ni Aisa.
"Oist. Yung bruha mong ex-bff oh." sabi nito.
Kumunot ang noo ni Sahania pagkakita kay Diane.
Mag-isa itong naglalakad papunta sa building nila.
Hindi sanay si Sahania na nakikitang mag-isa si Diane magmula nung mag-college sila.
Nasanay na siya na lagi nitong kasama sila Tiffany, Clara at Sophie.
'Siguro kasi papasok palang siya at nagkataon lang na hindi sila sabay ni Tiffany.'
Pagkukumbinsi ni Sahania sa sarili.
"Loner ang peg niya ngayon ha.." sabi namang muli ni Aisa.
"Hayaan niyo na yan, tara na." sabi naman ni Marykay at saka sila muling naglakad.
Napatingin sa banda nila si Diane at tinignan niya ng masama si Sahania bago pumasok ng building.
Matagal ng gustong kausapin ni Sahania si Diane pero nagtataka siya dahil hindi na niya ito nakakasalubong o nakikita kapag nasa practice rooms sila ng Performing Arts.
Natigilan si Sahania sa pinto ng classroom nila ng makita na nauna ng nakaupo si Jadiel doon.
Ayaw man niyang mag-isip ng kung ano pero napansin niyang hindi na nale-late ang binata.
Naunang umupo ang mga kaibigan ni Sahania sa kanya-kanya nilang upuan.
Paglapit ng dalaga ay agad na tumayo si Jadiel habang nakangiti sa kanya.
"Hey." masayang sabi ni Jadiel kay Sahania pero tulad ng ginagawa niya ng mga sumunod na buwan ay hindi niya ito pinansin.
Umasta siya na parang wala siyang narinig.
Naiwang nakatayo si Jadiel at walang nagawa kundi yumuko na lamang.
Kumunot ang noo ng binata ng hindi umupo si Sahania sa upuan niya kundi nagtungo ito sa pinakagilid kung saan nakaupo si Roseanne.
"Tol, puwede bang palit tayo?" tanong ni Sahania dito.
Nakanganga si Roseanne na hindi makasagot sa tanong ni Sahania pero agad naman itong tumayo at umupo sa dating upuan nito.
Malungkot na umupo si Jadiel sa kinauupuan niya.
Mahahalata mong tila nasaktan ito sa ginawa ng dalaga.
"Sure ka? Ayaw mo siyang katabi?" panunukso ni Shimie na ngayon ay bagong katabi niya.
Umasta lang si Sahania na walang narinig at saka kinuha ang bag, binuksan at naglabas ng notebook.
Nang hindi na nakatingin sa kanya si Shimie ay palihim niyang sinilip si Jadiel.
Nakurot ang puso ni Sahania ng makita ang malungkot na mukha ni Jadiel.
Bigla niyang ibinaling ang mata sa notebook nang tumingin sa kanya si Jadiel ay nahuli siyang nakatitig dito.
'Shoot antanga mo Sahania, antanga mo!' sigaw ng utak niya.
Tumahimik ang lahat pagdating ng instructor nila.
Balik sa normal lahat ng magsimulang mag-explain ang guro nila sa harap.
Paminsan-minsan ay sumusulyap parin si Sahania sa binata.
Hindi niya din maintindihan ang sarili.
Ang utak niya ay sumisigaw na wag na wag pansinin ang binata kahit pa nakikita niyang nalulungkot ito sa ginagawa niya pero sa puso niya ay gustong-gusto na sana niyang haplusin ang pisngi ng binata dahil nasasaktan siyang nakikita na malungkot ito.
Pagkatunog ng bell at matapos magpaalam ng instructor nila ay agad na tumayo si Sahania para makaalis ng classroom.
Nakita niyang tumayo si Jadiel para salubungin siya.
"Nia.."
Narinig niyang malungkot na sinabi ng binata pero dinaanan niya lang ito na parang wala siyang nakita o narinig.
Narinig ni Sahania na nagsalita si Aisa kaya napatigil siya saglit.
"Sorry ha, di niya kasi nakita na may GAGO. I mean, guwapo pala. Oo, gwapo ka pero gago nga lang." sabi ni Aisa dito at saka binangga ang binata.
Biglang nanggigil si Sahania na parang gustong kutosin ang kaibigan.
Pinigilan niya ang sarili na humingi ng tawad kay Jadiel.
Nagmadali siyang lumabas ng classroom at agad na nagpunta sa cr ng babae.
Hinabol naman siya ng mga kaibigan niya.
Hinawak niya ang dalawang kamay sa lababo at huminga ng malalim.
"Sira ka talaga Aisa! Nababaliw ka na ba?!" galit na tanong ni Marykay pagpasok nila sa CR.
"Oh bakit?" maang na tanong ni Aisa dito.
"Ano ka ba tol. Ang harsh mo kaya kay Jadiel!" sabi naman ni Mae-ann.
"Kahit na. Sinaktan niya si Sahania noh." depensa naman ni Aisa.
"Hindi naman niya kasalanan kung hindi niyako mahal!" awat ni Sahania sa mga ito.
"Exactly. Wag mong ginaganun yung tao tol. Kawawa naman." sabi naman ni Roseanne.
"Teka nga! Bakit niyo ba pinagtatanggol yun?! Sahania, ilang buwan mo ng iniiyakan yun pero may feelings ka parin sa kanya?! Bat ba kayo naaawa dun?!" medyo iritable na din na sabi ni Aisa.
"Nakakaawa na kasi itsura niya. Kita mo naman kapag dinadaanan siya ni Sahania." sabi naman ni Shimie.
"Tatawagin mo pang gago eh ang lungkot na ngang tignan." sabi muli ni Marykay.
"Exactly! Kaya nga siya naging gago eh! Andaming lumalapit kay Sahania tapos antagal na siyang sinusuyo ni Daniel pero hindi magawang pansinin ni Sahania dahil sa kanya! Hinindian niya si Sahania tapos biglang lalapit lapit siya ngayon?! Anong tawag dun?! Eh di nanggagago! Duhhh!" inis na sabi ni Aisa saka ikinuros ang braso.
"Tol.. Thank you kasi alam kong concerned ka lang naman sakin.. Pero hayaan mo na si Jadiel.. Nangyari na eh.. Kasalanan ko din naman bakit di ako maka move-on.." malungkot na sabi ni Sahania.
"Tol, nagmahal ka lang.. Wag mong sisihin ang sarili mo.." sabi naman ni Roseanne na hinawakan siya sa balikat.
"Sorry.. Oo na di ko na aawayin yun.. Kalimutan mo na kasi siya tol.. Bigyan mo ng pagkakataon si Daniel.. Malay mo, baka pagkatapos mo siyang sagutin eh mainlove ka na din sa kanya.." mahabang salaysay ni Aisa.
"Oo nga naman tol.. Dati mo na siyang minahal.. Feeling ko mas mapapadali na mainlove ka muli sa kanya.." sabi naman ni Mae-ann.
Tumango lang si Sahania bilang tugon.
"Tama.. Try mo lang siyang bigyan ng chance tol.." sang-ayon naman ni Shimie.
"Eeee.. Ang suwerte ko talaga ambabait ng mga kaibigan ko.." parang bata na sabi ni Sahania at saka ibinuka ang mga braso na parang nag-aantay ng yakap.
Agad naman siyang nilapitan ng mga kaibigan at nag-group hug sila sa loob ng CR.
Sa gitna ng yakapan nila ay nagsalita si Shimie.
"In fairness ha! Nag-iisip ka ngayon Aisa! May gamit din pala utak mo!" pang-aasar ni Shimie dito at saka sila nagtawanan.
"Grabe ka sakin ah! Minsan naman nagagamit ko din naman utak ko." parang nagtatampo na sabi ni Aisa pero halata mong natatawa.
"Tama! Minsan lang!" sabi naman ni Sahania at saka sila nagtawanan.
BINABASA MO ANG
The Non-Existent Me (COMPLETED)
RomanceSabi ng iba, sa ugali ka daw tumingin hindi sa itsura. Bonus na daw kung may nagmahal sayo na mabait na, gwapo pa. Ngunit para sa probinsiyanang kagaya ni Sahania ay panaginip lang na may lalaking gwapo na at mabait pa. Kung gwapo man, manloloko n...