pilit kong ikaw ay kalimutan ngunit hindi ko magawa.
ginawa ko naman ang lahat para makalimutan ka ngunit bakit ganito?bakit ikaw pa din ang tinitibok ng aking puso. Ikaw pa din ang aking hinahanap hanap. Ikaw lagi ang laging nasa isip.
para kang sirang plaka.
isang pikit ko lamang ikaw na agad ang nakikita.
panaginip na mukha mo lagi ang naroon.
hindi makatulog sa gabi ng dahil sa'yo.nagka-boyfriend pero ginawa ko lang na "rebound". rebound para makalimutan ka.
sabi nila na sa tuwing ako'y natutulog pangalan mo ang aking binibigkas. bakit mo ba ito ginagawa sa akin?
bakit mo ko pinahulog sayo kung hindi mo ako kayang saluhin.
pero oo nga pala.
oo nga pala na isa lang itong laro. isa lang itong laro at ako'y pinagpustahan.
oo nga pala hindi talaga ako ang iyong mahal dahil bago pa man magong tayo ay may nauna na sa akin.
gabi gabi umiiyak dahil sa sakit. sakit na iyong iniwan. sakit na lagi ko nalang nararamdaman.
naging "masaya" nga ba tayo sa panahong tayo pa? walang iniisip na pagpapanggap. walang iniisip na problema.
araw araw laging ikaw ay kinakalimutan. pilit inaalis sa aking puso't isipan ngunit bakit hindi ko magawa?
hindi ko magawa na kalimutan ka at ialis sa aking puso.
dahil, oo nga pala ganun na talaga kita kamahal.

BINABASA MO ANG
Tula ng aking Pagmamahal✓️
Poésie[Not Edited] started: november 20 2017 end: December 02 2017