chapter 16

10.6K 381 17
                                    

Chapter 16

Ginamot ko ang mga sugat niya at nilagyan ng yelo ang mga pasa.

"Hmmm!" He groaned in pain ng maidiin ko ang bulak sa kanyang sugat sa may cheek bone.

"Ay sorry. I'm trying to be gentle here." Marahan kong sabi. Naawa ako sa kanyang lagay. May mga gasgas ang mukha at pasa. May kunting putok sa labi. Oh lips who awakens me. Pinagpawisan akong tingnan ang labing yan. It's so soft and sweet. It's my first time,damn it.

Oh shut up Mona!? Kasalanan yun!

"What happened to the plan?" I asked awkwardly. Tinanong ko pa talaga gayong umiimpit na siya.

Dumilat siya. Namumungay ang kanyang mga mata.

"It was successful... Kaso nagkaggulo nga, sana hindi iyun nalaglag pagkaalis niya."

Plano iyung pagkwelyo Kay CJ, sa gayon ay may mailalagay siyang gadget sa damit nito at nang makakuha kami ng ebidensya.

"Bakit ko pa kasi siya sinuntok?" Nakanguso kong tanong.

Nag iwas siya ng tingin sa akin at tumiim ang bagang.

"He touched you, that's for the first punch. He almost dragged you that's second one. And the rest is for his asholeness!" Malamig niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko, dalawang beses ko lang nakitang sinuntok niya si CJ at hindi ko inakalang nasundan pa iyun dahil may mga dumalo ng mga armado at sa takot ko ay pumikit ako.

"Are you okay?" He looks worried. Nahiya ako bigla, what was happened? Anong nangyayari sa akin kanina? Hiyang hiya parin ako hanggang ngayon. Imbis na makatulong ay napag umpisahan pa ako ng gulo.

"Okay na, hindi ko rin kasi alam bakit ako nagkakaganoon. The fear is so raw, at may mga pangyayari akong nakikita na hindi ko naman alam kung nangyari ba sa buhay ko iyun dahil sa pagkakaalam ko ay hindi naman. Talagang parang nandoon talaga ako sa scene but I can't find myself... I don't know, basta. Ang gulo ang isip ko." Magulo Kong, e talaga namang hindi ko rin maintindihan.

"Just don't push yourself thinking those..." He trailed off.

"Why?"

Nagulat siya sa tanong ko.

"Ahm, Sabi mo nga diba magulo? So why push your mind? Hayaan mo na yun, baka dahil lang yun sa gulo doon sa bar."

I think he's right. Maybe nakita ko lang yun sa balita sa TV o di Kaya ay sa movie.

Matapos kong lagyan ng mga band aids ang mga maliit niyang gasgas sa mukha ay itinabi ko nalang din muna ang first aid kit sa mesa dahil binuksan niya ang laptop. May kinalikot siya doon at mataman niya itong tiningnan.

'hanapin niyo ang gagong yun! Patayin agad! And that woman? She's mine, find her every corner of Solana! Bring her to me!' galit na galit na boses ni CJ iyun mula sa laptop. Lumapit ako at sumilip sa laptop. Nasa isang opisina siya, makikita doon kung sino ang kausap niya at nakahilirang nakaitim na mga lalaki.

'yes sir!' Sabi noong isa na mukhang right hand niya yata. 'men, let's go.'

'shit!' mura pa ulit ni CJ at may ice bag sa kanyang kamay.

May lalaking tumapat sa kanya at yumuko.

'Nasa hide out na po ang mga bagong harvest at nasa laboratory naman po ang inyung kapatid upang bisitahin ang operation.'

'susunod na ako.' agad namang sagot nito. Yumukod uli ang lalaki at umalis.

Nagmura pang muli si CJ bago tumayo at lumabas ng silid.

Brandon turned to me.

"This is our chance para maisurveilance sila. Maghanda ka,aalis tayo." Seryuso niyang sabi at isinarado ang laptop.

"Bakit tayo aalis?" Nagtaka ako sa desisyon niya.

"Hindi mo ba narinig? They're looking for us, at sa liit ng lugar na ito madali nila tayong matutunton." Agad akong kinabahan sa sinabi niya.

"S-saan naman tayo pupunta?"

Nakitaan ko siya ng pag aalala.

"Sa del Puerto..."

Ano? Sa kabilang probensya iyun kung hindi ako nagkakamali. Malayong byahe ang susuungin namin.

"Pero mahina ka pa."

"Okay lang ako, ikaw ang inaalala ko. Ayokong masangkot ka ulit sa gulo, malaking pagkakamali na pumayag ako sa gusto mo,in the first place. I won't risk anything about you, Mona. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. I just triggered your memory at masama parin ang epekto nito sayo." Mataman niyang sabi at ingat ang bawat salita na gusto niyang ipaintindi sa akin.

"Ano sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong.

Medyo nagulat din siya sa tanong ko.

"Nevermind, kailangan na nating mag impake, pronto."

Hindi na niya ako pinagsalita pa at tumayo na. Pumasok siya sa silid niya at nagligpit ng gamit. Ang dami ko mang tanong ay kailangan ko na rin mag impake. Hindi ko naman inilabas sa maleta ang mga gamit ko kaya madali lang. Ang nasa labas ay mga labahin lang kaya inilagay ko sa plastic. In just 30mins ay nahakot na namin ang mga gamit na dala sa sasakyan.

Agad kaming tumulak paalis ngunit nagtaka ako dahil hindi kami sa kalsada dumaan kundi sa lubak-lubak na daan patungong spring.

"Bakit tayo dito dumaan?"

"Hindi tayo pwede sa kabila, malamang nakaalerto na ang mga tauhan ni CJ."

Timahimik ako dahil tama siya, napa advance talaga niyang mag isip.

Madaling araw kaming nakapag check in sa isang Inn sa kabilang probensya. Ang problema ay I kwarto lang ang kinuha niya.

"Bakit iisa lang? Hindi naman punuan ah!" Reklamo ko.

"Don't worry dalawang bed naman meron sa kinuha ko." Sabi niya habang patuloy sa paglalakad sa pasilyo ng mga silid ng motel.

"Kahit na! I never slept with a guy before." Giit ko.

"Good to hear that."

"What?" I yelled.

Pinasok na niya ang susi sa keyhole ng kwartong inarkila. Pumasok siya na dala ang iilan sa gamit namin dahil ang iba ay inwan namin sa sasakyan.

Hindi ako sumunod sa kanya sa loob at nakahalukipkip lamang sa may pintuan bilang pagprotesta.

"Mona I'm tired and I want to sleep. Madaling araw na." Sigaw niya sa loob kahit hindi ko nakikita kung ano ang ginagawa niya.

"Kukuha ako ng ibang room!" Agad akong tumalikod at nagmartsa paalis ngunit napatili ako ng bigla akong pumaeri.

"Ang tigas talaga ng ulo mo."

He carry like a sack of rice, damn it.

"Put me down!"

Pinasok niya ako sa silid at ni lock ang pinto, litiral na padlock! Saka niya ako binaba.

"Brandon!!" Naiinis na ako dito.

Itinaas niya ang susi upang hindi ko maabot.

"Good mornight,Mona." He lazily said at sumampa na sa kama.




















❤ LibRanz01

Sino papabati? Comment lang.

Monachica [Solana Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon