Kabanata IV- Sulyap

22 5 0
                                    

unang kita palang ako'y iyong nabihag na. mapupulang labi, chinitong mata, matangos na ilong at ang iyong gwapong mukha.

araw araw laging nag-aabang sa hallway ng iskwelahan. tayo'y nagtatagpo dahilan para bumilis ang tibok ng aking puso.

araw araw sinasabing

"mahal na nga kita"

araw araw laging sumusulyap sa napakagwapo mong mukha. napakaraming babaeng sayo'y nahuhumaling ngunit isa lang ang tanong sa aking isipan.

"sino nga ba ang babaeng iyong minamahal?"

nakita ko sa twitter ang iyong post ang sabi mo

"she's staring at me and I like it"
gusto kong magselos pero sino nga ba ako sayo para ako'y magselos? Ika'y aking nakikita na laging sumusulyap sa 'kin ng minsang magtagpo ang ating mata ay ika'y ngumiti at ang iyong matang singkit ay mas lalong naningkit dahil sa iyong pag-ngiti.

sabi nila "he likes you" ngunit ako ba ay maniniwala?

lumapit ka sa 'kin at sinabing

"pwede ka bang ligawan








ng aking kaibigan "

kita sa iyong mata na ikaw ay nasaktan sa iyong sinabi. linigawan ako ng iyong kaibigan at nahuhili kitang laging nakatingin sa sakin.

hanggang sa tinanong nya na ako at ang sagot ko naman "sorry, ginawa kitang mahalin ngunit mas mahal ko sya"

mahal kita ngunit hindi ko alam ang iyong nararamdaman hanggang sulyap nalamang ba tayo?

hanggang dito nalang ba tayo.

Tula ng aking Pagmamahal✓️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon