Kabanata II- Kaibigan

36 5 0
                                    

Kaibigan. kaibigan ang ating turingan ngunit alam mo bang hindi lang kaibigan ang tingin ko sa iyo?

oo, kaibigan.
hindi lang kaibigan ang aking turing sa iyo.

kaibigan, alam mo ba?
alam mo ba kung gaano kita kamahal!
alam mo ba na sa tuwing binabanggit mo ang iyong mahal ay nasasaktan ko!
alam mo ba kung gaano ako nasaktan?

sobra akong nasaktan dahil hanggang magkaibigan lang tayo. magkaibigan mula pagkababata.

pagkababata na "crush" na kita.
sa araw araw na hindi tayo magkasama ay lagi kitang tinitext. ngunit bakit ganun?

bakit ganun na ni-isa sa aking mga text ay hindi ka nagrereply?

ayokong magalit sayo dahil kaibigan kita at mahal kita.

nilihim ang aking pagtingin para ako'y hindi na mas lalong masaktan.

pero bakit ka nga ba nagagalit?

nagagalit tuwing may kasama akong iba.
nagagalit tuwing may kausap akong ibang lalaki.

tinanong kita kung bakit ka nagalit at ang sagot mo naman ay "dahil kaibigan mo 'ko"

isang araw may sinabi ka

sinabi mong mahal mo ako






ngunit bilang kaibigan lang.

kaibigan. kaibigan. kaibigan na lagi kong iniiyakan.
iniiyakan dahil lagi mong pinagmumukha sa akin na kaibigan mo lang ako.

kaibigan, may damdamin din ako.

kaibigan, nasasaktan din ako.

kaibigan, pwedeng tama na?

tama na kasi nasasaktan na ako.

Tula ng aking Pagmamahal✓️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon