Kabanata VI- Label?

12 5 0
                                    

noon at ngayon

ang sweet sweet mo. kinukulong mo ako sa iyong mga bisig at ginugulo ang aking buhok.

hinahalikan mo ang aking noo.

tuwing ako at umiiyak ay niyayakap mo ako at hinahalikan ang aking mga luha para mawala.

sa tuwing ako'y nahihirapan ako lagi kang nandyan at pinapagaan ang aking loob.

magkahawak ang ating mga kamay.

laging nakaakbay o kaya ika'y nakahawak sa aking waist.

kinakantahan at ako'y pinapakilig.

lagi akong nililibre.

napapadalas ang ating oaglabas na tinatawag na 'friendly date'

sabi nila "ano nga ba tayo?"

ano nga ba ang meron sa ating dalawa. bakit nga ba tayo ganito? bakit tayo kumikilos na magkarelasyon

pero "meron nga ba tayo?" aking kaibigan.

dahil sa lahat ng iyong ginagawa ako'y? nahuhulog.

nahuhulog sa iyo.

sa iyo na mahirap abutin.

kaibigan, mahal.

mahirap. mahirap ang aking niraranas sa aking pagkahulog

dahil nahulog din ako sa taong alam kong hindi ako sasaluhin.

dahil bukod sa mahirap ka ng abutin at may mahal ka ng iba.

totoo nga ba ang iyong pinapakita sa akin?

o binubuhos mo lang sa akin ang pagmamahal na dapat sa kanya mo ibibigay

kaya kahit ako mismo ay hindi maisip kung anong meron tayo. dahil bukod sa tayo ay magkaibigan ay wala din tayong label.

label. kung bakit kailangan nating gawin ang mga ganito kahit tayo ay magkaibigan.

mahal, kaibigan. ano nga ba talaga tayo?

Tula ng aking Pagmamahal✓️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon