Kabanata VII- Crush

22 5 1
                                    

salamat aking crush.

salamat dahil ako'y iyong pinasaya. magkahawak ang kamay habang sumasayaw na kay bagal. walang ibang nakikita kundi ang iyong mukha.

pagbilis ng puso na kailan man ay hindi ko na mararamdaman uli.

salamat dahil sa huling pagkakataon ay nakasama kita.

crush.

pinapalaya na kita

pinapalaya na kita sa aking puso na ikaw ang laman.

crush.

sana ay sumaya ka. sumaya ka dahil ako'y mawawala na sa iyong buhay.

pang-aalipusta, pagsasabi ng masasakit na salita at pang bubuyo na iyong ginawa.

sa pag-lapit na ating mga kamay ay tila may kuryente
na dumadaloy mula rito.

titig na nagsasabi

mahal na mahal kita.

ngunit huli na ang lahat dahil hindi na maiibalik ang buhay na nawala.

dahil ito na ang pagkakataon na ikaw ay aking maiisayaw.

ikaw ay aking makikita.

at ito na ang huling pagkakataon na ako ay ngingito sa iyong harapan.

crush.

paalam. paalam dahil pagkatapos ng araw na ito ako'y mawawala na.

hindi ako lalayo ngunit ako ay aalis sa mundong ibabaw.

crush. salamat

salamat sa pagtupad ng aking huling kahilingan. dahil bago umalis ay mukha mo ang aking huling makikita

crush.

mahal kita.

Tula ng aking Pagmamahal✓️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon