Pakiusap aking mahal.
Ikaw muna'y dumistansya sa akin.
mga sakit na tumatak sa aking isipan ng ako'y iyong iwan.pakiusap aking mahal.
bigyan mo naman ako ng panahon.
panahon para makapag-isip.
lahat ng sakit ay tila sariwa pa.
sariwa pa ngunit ikaw agad ay nagbalik.distansya aking mahal.
distansya lamang ang aking hinihiling.dahil kahit anong aabi mo na ako'y mahal mo pa ay mahirap paniwalaan.
mahirap paniwalaan dahil hindi sapat ang salitang mahal kita para bigyan ka ulit ng isang chance.
chance na lagi kong binibigay.
lagi kong binibigay sa'yo kahit paulit ulit mo pa ding ginagawa.
paulit ulit na ginagawa ang iyong panloloko.
mahal pakiusap, distansya lang.
dahil sa panahong ako'y nagpakalayo ay nalaman ko na ang aking mga pagkakamali.pagkakamali na bigyan ka ng ilang chance na hindi mo pinapahalagan.
ako'y nagpakatanga para sayo kaya mahal please, distansya
mahal kita pero mas nangingibabaw ang sakit na iyong nadulot.
mahal kita ngunit tama nga ba na ikaw ang mahalin ko?
tama nga ba na dapat sa iyo lang ako?
Mahal, hayaan mo muna akong makapag-isip.
makapag-isip kung ako'y babalik pa sayo o hindi.
dahil sa totoo lang mahal.
napapagod na din ako.
napapagod na kong masaktan at magpakatanga
kaya mahal please, Distansya.
BINABASA MO ANG
Tula ng aking Pagmamahal✓️
Poesia[Not Edited] started: november 20 2017 end: December 02 2017