mahal,
sa sandaling panahon na ikaw ay aking makasama ay minahal na kita.
mahal,
kapit lang ha. kapit lang dahil hindi ako aalis sa iyong tabi.bukas, sa makalawa, susunod na linggo, susunod na buwan o sa panibagong taon ako'y mananatili.
mahal,
pakatatag ka lang ha. dahil sa oras na ito ay sayo lang nakatutok ang aking mga mata.mahahabang pilik mata. mahabang buhok at mapupulang mga labi.
tila napakayapa sa tuwing tayo'y nakapikit.pero mahal,
matuto ka namang dumilat. dumilat dahil ako'y naghihintay. gusto ko ng makita ang iyong napakagandang mata na kulay asul.mahal,
tayo'y lalaban. lalaban para sa isa't isa. lalaban para sa ating pagmamahalan
kaya mahal gumising kana.sabay tayong aakyat sa bundok at sisigaw na makal kita.
Ika'y nahihirapan sa iyong kalagayan ngunit mas nahihirapan ako sa aking nakikita.nakikita na kinakapusan ka ng hininga. napakadaming mga doktor para maisalba ka.
mahal,
nandito lang ako.
nandito lang ako para sa iyo. kaya mahal ikaw ay lalaban ay sa panahong iyong ay unti unti mong ididilat ang iyong mga mata.at sa pagdilat ng mata ay makikita ko na din sa wakas
ang iyong kay tamis na ngiti.ngunit sa iyong pagdilat ay di ko akakalain na ako'y iyong malilimutan.
ngunit sa iyong puso ay hindi mo ako malilimutan.
kaya mahal,
balang araw ay maaalala mo din ako.
BINABASA MO ANG
Tula ng aking Pagmamahal✓️
Poésie[Not Edited] started: november 20 2017 end: December 02 2017