CHAPTER FIVE

7.1K 106 3
                                    

"WOW! MUKHANG masarap 'yan, ah."

"Talagang masarap ito dahil ako ang gumawa nito," pagmamalaki ni Cassandra kay Fatima. It was Valentines' Day. Naisipan niyang gumawa ng chocolates para sa mga kaklase at mga kaibigan niya. Maaga siyang gumising noon para matapos siya sa tamang oras.

"Penge ako!" ani Fatima at mabilis na dumampot ng isang pirasong chocolate.

Tinapik niya ang kamay ng pinsan niya. "Ano ka ba, huwag iyan. Meron akong pagbibigyan niya. Doon ka na lang kumuha sa kabilang tray."

Umismid si Fatima. "Alam ko naman kung kanino mo ibibigay 'yan, eh," sabi nito at sinundot pa ang tagiliran niya.

"Ano ba, Fat! Huwag ka ngang magulo!" saway niya  pero tumatawa siya.

Umupo si Fatima sa high chair sa kitchen counter at nangalumbaba sa harap niya. "For sure magugustuhan niya 'yan."

"'You think so?" 

"Oo naman, 'no? Ang sarap mo kaya gumawa ng pastries. Saka 'yon pa! Eh, lahat naman do'n masarap basta gawa mo."

Napahagikgik si Cassandra. Totoo iyon. Sinabi na iyon ni Gideon sa kanya noon.

Gumawa siya ng special chocolates para kay Gideon. Sana man lang kahit doon ay makita ng binata na may espesyal siyang pagtingin dito. Sabik na siya sa magiging reaksiyon nito kapag ibinigay niya ang chocolates. Siguradong matutuwa ito.

Pagkatapos ibalot ang box ng chocolates ay nag-prepare na silang magpinsan para pumunta sa eskuwelahan. Tumanaw pa muna si Cassandra sa bahay ni Gideon at napansin niyang wala doon ang binata. Siguro ay maaga itong pumunta sa eskuwelahan.

Pagdating sa school ay naging abala na siya. Marami sa mga kaklase niya ang nagbigay sa kanya ng balloons, chocolates, teddy bears, at iba't iba pang mga regalo. Siya rin ay namigay ng chocolates na gawa niya. Ilang beses na rin niyang nakikita si Gideon sa paligid at mula umaga ay lagi nitong hawak ang isang pink na rosas na halatang galing pa sa isang garden.

"Para kanino kaya niya ibibigay ang bulaklak na 'yon?" naitanong niya sa sarili.

Maraming pagkakataon na gusto niyang lapitan si Gideon pero nawawalan siya lagi ng pagkakataon dahil tuwing susubukan na niyang lapitan ang binata ay may ibang mga kaklase silang lalapit sa kanya. Kapag naman natapos na siya roon at muling titingnan si Gideon ay wala na ito.

Bumuntong-hininga si Cassandra. "Nakakapagod," sabi niya habang naglalakad sila palabas ng building. Tapos na ang klase nila noon at pauwi na sila.

"Oo nga, eh," pagsang-ayon ni Fatima. Halos hindi rin magkandaugaga ang pinsan niya sa pagbitbit ng malalaking plastics at paper bags na naglalaman ng mga regalong galing sa iba nilang mga kaeskuwela.

Halos malapit na siya sa gate at tanaw na rin niya si Gideon na nakangiting naglalakad palapit sa kanya. Kita niyang hawak pa rin nito ang nag-iisang bulaklak. Wala pa itong pinagbibigyan n'on. Marahil sa kanya iyon ibibigay dahil alam niyang sabay sila laging umuuwi ni Gideon. Iyon na ang pagkakataon niya para ibigay rin kay Gideon ang special chocolates na ginawa niya.

Handa na si Cassandra na maglakad palapit kay Gideon nang may tumawag sa pangalan niya. Nang lingunin niya ay si Eric ang papalapit sa kanya. May dala itong isang pumpon ng bulaklak at abot-tainga ang ngiti.

"Hi, Casey," bati ni Erik nang makalapit sa kanya. "Happy Valentines. Para sa 'yo," anito sabay abot ng bulaklak.

Wala na sana siyang balak kunin iyon pero narinig niya ang ibang mag estudyante na sabay-sabay pang nag-"ayii." Nag-init ang magkabilang pisngi niya. 

CASEY'S SECRET RECIPE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon