Bata pa lang si Abraham in love na siya sa schoolmate at kapitbahay na si Maria... mahiyain si Abraham. ligaw tingin lang ito kay Maria.. panay tingin niya kay Maria habang naglalaru ito ng luksong tinik.. napansin ito ng kanyang Mama na isang guro..
" piningot ang kanyang tainga" HOY! Abraham de Jesus! bakit panay tingin mo kay Maria hah?
ganda - ganda niya kasi Ma... pag laki ko Ma, papakasalan ko siya, at magkakaanak kami ng sampu.
hoy bata ka.. may gatas ka pa sa labi hah, punasan mo nga yang ilong mo . yan o may sipon kakahiyang bata ka... pag-aasawa na ang nasa isip.! tapos di mo man lang mapunasan yang sipon mo, segi pasok ka na sa klase mo tsenilasin kita diyan.
'' humalik sa Ina bago umalis" Bye Mama " pero bumalik ito agad sa kanyang Ina" Mama, bagay kami di ba? Maria at Abraham, pogi ako, maganda siya.
nagalit ang Ina... di kayo bagay.. kaya pumasok kana sa klase mo. kung ayaw mo pakainin kita ng chalk..
tumakbo si Abraham sa kanyang silid.. , panay tingin pa rin niya kay Maria sa labas. para silipin , nanghihinayang si Abraham na hindi sila classmate ni Maria... nasa first section siya si Maria naman nasa pang pitong section.. 2 oras na lang uwian na.... excited si Abraham. makakasabay niya sa paguwi si Maria.. tumunog na ng bell.. tumayo agad si Abraham...UPO! sabi ng teacher...
bakit maam? " tanung ni Abraham"
tapusin niyo muna ang lahat na nasa blackboard... wala naman pasok bukas. kaya pwede kayo magtagal. walang uuwi pag hindi pa tapos magsulat.
nakasimangot na si Abraham.. di na naman niya makasabay si Maria.. mauunahan na naman siya ng kanyang kapit bahay na sira ulo na si Christian
Si Christian ang laging nanunukso sa kanya. tinatawag siya na kalbo at lampa.. lumaban naman siya ng suntukan, natatalo naman siya.. nangungupit ng pagkain si Abraham sa kanila para ibigay kay Maria lagi niya itong binibigyan ng masasarap na pagkain .. Pag araw ng sabado lahat ng bata sa lugar nila ay doon mag ipon-ipon sa bakanteng lote upang doon maglaru, may mga puno ng bayabas. may puno rin ng mangga. si Abraham at tatlo pa niyang kapatid ay lagi nandoon. pati si Maria, masayang naglalaru sila Abraham at mga kapatid niya.
malditang bata rin itong si Maria. lagi niya inuutusan na magdala ng pagkain si Abraham. lagi din niya itong pinapaakyat ng puno para manguha ng bunga.. pag wala namang kailangan si Maria sa kanya ,di naman siya pinapansin nito, si Christian ang lagi lagi niya kasama.
Lumipas ang ilang taon HS na sina Maria at Abraham... nangarap pa rin si Abraham na si Maria ang kanyang maging asawa.. pag dumadaan si Maria sa tapat ng bahay, tinatawag siya nito at ningingitian.. kinikilig naman si Abraham pag ngumiti sa kanya si Maria.
Hay... Maria! in love ako sayo.. Ang Puso ko ay Para sayo Lamang... Kailan ka magiging akin? " narinig siya ng kanyang Ina"
" piningot sa tianga" bata ka pa... tapusin mo muna pag-aaral mo. may gatas ka pa sa labi... di pa bagay sayo ang magkanobya. naintindihan mo ba ako hah! sagot?
Yes Ma.. naintindihan ko po,
lumipas pa ang ilang taon... tapos na sila ng HS at nasa second year college na.... dumaan si Maria sa tapat ng bahay... nasa bentana si Abraham at nagbabasa ng Aklat... sa paningin niya lalong gumanda araw araw si Maria, kahit may nobyo ito pinapangarap pa rin niya .
Magandang Araw Abraham.. "ngumiti sa kanya " Hiwalay na kami ni Christian , kumaway rin siya kay Maria . at ngumiti natuwa siya na hiwalay na si Maria at Christian, pwedi na ba ako manligaw sayo Maria? narinig ng kanyang Ina, piningot na naman ito sa tianga...
natutuwa ka pa diyan... HOY MARIA ! .. ano pakialam ng anak ko kung hiwalay kayo ng kasintahan mo.... lakad na.. isumbong kita sa sa mama mo.. " lumakad si Maria" Hoy Abraham. bata ka pa, may gatas ka pa sa labi, tapusin mo muna yang kurso mo bago ka manligaw..
Dahil mahal niya ang Mama niya. sinunod ni Abraham ang gusto ng kanyang Ina , tinapos niya ang pag-aaral nito. isinantabi niya muna ang panliligaw , lumipas pa ang 2 taon, tapos na si Abraham sa college. Si Maria naman hindi nakatapos sa college dahil nabuntis ito at may kinaksama na. masaya ang mga magulang at mga kapatid nito sa pagtapos ni Abraham ng kolehiyo. pagkatapos ng graduation nilapitan agad siya ng mga kapatid at magulang niya. napansin ng Ina na may nginingitian si Abraham, kinakawayan si Lourdes.
piningot na naman ang tianga.. bakit mo ningingitian yan hah.. iba na naman nagustuhan mo? tigilan mo nga muna ang panlligaw.. pagtrbaho ka muna!
eh ma, wala na si Maria. may anak na yon....so siya na gusto ko ... si Lourdes
piningot uli sa tianga, hoy may gatas ka pa sa labi. magtrabaho ka muna..... bago ka manligaw..
Ma.. hayaan niyo na si Kuya manligaw .. matanda na yan eh " sabi ng isang kapatid"
Hoy Isaac! huwag kang makialam, at huwag kang sasabat sa usapan namin, ako ang masunod . hindi porket tapos na ay pwede na manligaw.
Mama naman. " tumaas ang Boses"
tinataasan mo na ako ng boses , porket malaki ka na. at tapos na sa pag-aaral, yan ang igaganti mo sa akin " nag dradrama"
Ma.. segi na ... di muna ako manligaw... magtrbaho muna ako... para makapag-ipon...
sa edad na 30 ka dapat mag-asawa...naintindihan mo ako?!
30?! Ma......gurang na ako non... " kinamot ang ulo" kakainis talaga si Mama..
May reklamo !
wala ho.. uwi na tayo sa bahay, para maghanap ng trabaho at magkanobya na ako..
Galit ka Abraham de Jesus?! galit ka sa Mama mo?
di na kumibo si Abraham. halatang nainis sa Mama niya. kung ano man ang naranasan ni Abraham sa kanyang Ina, ay yon din ang naranasan ng kanyang mga kapatid.. naging masunurin sila sa kanilang Ina , ayaw nilang sumama ang loob ng Ina dahil Mahal nila ito.. maliban sa kanilang bunso na si Ezekeil
BINABASA MO ANG
Tres Solteros
RomanceHuli man sa biyahe makakahabol pa rin.. Isang masayang Love story ng tatlong magkakapatid, na minsan lang makakaranas ng pag-ibig.. Masaya ang ma in love, paano ma fall n love o ma fail n love o ma full of love.. ang isang binatang huli na sa biya...