Chapter 8

2 0 0
                                    

"Kay sarap ng nagmamahal 'e. Kaligayahan rin yon. Ipagkakait mo pa sa sarili mo?"

Naglalaro sa isipan ko ang mga katagang sinabi sa akin ni Eros kanina. May punto naman siya. Siguro nga hindi porket nasaktan ako noon, wala na akong karapatang sumubok muling umibig.

Pero bakit ko ba to iniisip?

Dahil doon sa babae. Oo. Dahil sa kaniya. Langya. Kakaiba yong dating niya. Parang ano...

Ewan! Basta masaya akong nakilala ko siya. Sana magkita pa kami.

"Louie, anak!" Sigaw ni mama mula sa pinto.

Dali dali akong bumuhat mula sa pagkakahiga ko sa kama ko.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko doon ang nanay kong walang kupas ang ganda kahit dumaan na ang maraming taon. Kaya walang duda, ang gwapo ko rin.

"Ano po yon, ma?" Tanong ko.

"Linggo bukas. Di ba wala kang pasok?" Tumango ako bilang sagot. "Pupunta daw kayo ng papa mo sa Tito Arturo mo bukas. Gumising ka ng maaga ha." Bilin ni mama.

"Opo. Goodnight, ma. Iloveyou." Tugon ko.

"I love you too, anak. Talagang napakalambing mo pa rin." Naluluhang saad nito. Ang drama talaga ni mama.

Pumanhik na ako sa kama ko at nahiga ulit. Pinikit ko ang aking mga mata at nagbabadya ng mahulog sa pagkakatulog nang mag ring ang phone ko. Langya, panira.

"Louie!!!" Sigaw ng nasa kabilang linya.

"Ano ba? Wag kang sumigaw. Hindi ako bingi." Tugon ko.

"Ah, ganon ba? Hahaha. Di ako inform 'e. Pwede ka ba bukas? Yayain sana kitang lumabas."

"Hoy, Erik. Wala ka na bang mahanap na babaeng makaka date kaya ako na ang niyaya mo?" Tanong ko.

"Hoy hindi ah! Grabe ka. Bro date lang yon noh. Parang jamming with mah friends. Ganon! Sira ulo ka talaga. Isasama natin si Eros."

"Hindi ako pwede bukas eh. May lakad kami ni papa. Kayo na lang ni Eros. Sabagay kayo lang naman nagkakaintindihan." Natatawa kong sambit.

"Sayang naman. Sige na nga. Mambabae na lang ako. Bye." Paalam nito at binaba na ang tawag. May deperensya talaga ang utak ng lalaking yon.

Bumalik ako sa pagkakahiga ko at natulog na. Maaga pa ako bukas.



Suot ang polong puti, isang black coat at black jeans. Inayos ko ang buhok ko at lumabas na ng kwarto. Lumakad ako patungo sa kusina at nakita ko si papa kumakain. Kasunod kong pumasok si mama.

"Anak, ayos ang purmahan natin ah." Bati ni papa.

"Maliit na bagay, pa." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Naku, tigilan niyo na yan at mahuhuli na kayo sa lakad niyong mag ama." Sumbat ni mama.

Kumuha lang ako ng isang sandwich at sumunod na kay papa patungo sa sasakyan niya.

Someone Will Love You IIWhere stories live. Discover now