CHAPTER 59

66 6 0
                                    

Chapter Fifty nine.

Samantha Angeles

Kahapon lang magsimulang umalis ang Bangtan papuntang Japan.

Hindi tuloy ako sanay na walang makulit na Jhope, walang masungit na Suga, walang mahilig sa pagkain na si Jin, wala 'yong mapang-asar na si Jimin, wala 'yong palaging nagpa-plano na si Namjoon, wala ang best friend kong si Taehyung, at syempre..

Wala akong nakikitang Bunny na si Jungkook.

Bakit ganoon? Napaka bilis nilang magpa-miss? Hays!

Nandito ako ngayon sa pinto ng office nitong school para lapitan si Ms. Carpio para sa mga hands-on at paper works ng Bangtan.

As I promised, ako na muna ang bahala sa asikasuhin nila dito sa University.

Nah doorbell muna ako sa labas ng office.

Sosyal 'no? Naka doorbell pa 'yong office dito.

Nang buksan na ang pintuan ay pumasok na ako at magalang na bumati.

'Annyeonghaseyo." Sabi ko dahil inuulit ko na, Semi-korean school ito.

"Name."

"Samantha Angeles po.." Sagot ko nang makaupo ako sa upuan katapat ng table.

Si Ma'am Carpio ang kausap ko ngayon.

"Ano ang kailangan mo?" Tanong nya.

"Kukuha po ako ng mga paper works at hands-on para sa..."

Natigilan ako saglit nang mahuli ni Ma'am Carpio ang mga mata ko.

Well, para kasi 'to sa Bangtan.

"Para sa?"

"Bangtan Boys."

Nakita ko pa ang pagkabigla nya sa sinabi ko.

"B-bangtan boys? Ano naman ang kinalaman mo sa Bangtan, aber?" Mataray naman na sabi nya.

Medyo napataas naman ako ng kaliwang kilay ko dahil sa sinabi nya.

Ano ba ang tingin nya sa'kin? Hindi kilala ng Bangtan? Well, EXCUSE ME.

Nagkunwaring ngumiti ako at sumagot sa kanya.

"Kaklase ko po, bakit? Masama na ba ngayon na pagmalasakitan ang kaklase kapag absent sila?" Hindi ko na napigilan na magtaray din pabalik.

Kapag may nagtaray kasi sa'kin, tinatarayan ko rin pabalik.

Pinaka ayaw ko sa lahat, akala mo may ipagmamalaki sa pagtataray nila sa'kin.

Nakita ko na tumaas din ang isang kilay nito na mukhang naaasar sa'kin.

"Marami pa po akong gagawin kaya kukuha na po ako ng mga paper works para sa kanila."

Mukhang nagdalawang-isip pa ito bago ako pinabigyan sa sinabi ko.

Maya-maya pa ay  inabutan na nya ako ng papel upang pirmahan ko at kumuha ng mga hands-on na maaring malaktawan ng Bangtan.

Napaalam na ako kasama ang sapilitang-ngiti at umalis na sa Office.

Napaka taray ng Ma'am Carpio na 'yon! Simple lang naman ang kailangan ko, e. Dami pang arte.

Nasa hallway na ako ng university na ito ng...

~•|•~
Vote and Comment!

Seducing Jeon Jungkook (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon