IKASIYAM NA PAGKASIRA

2 1 0
                                    

Nag-makaawa ako sakanya.

Inuuntog ko yung ulo ko sa pader, para lang mahabag siya sa akin. Sobra na ang iniiyak ko sa nangyayari. Mali bang mag white lies ako? Hindi ko naman sinasadya, stress ako kaya nakipag-inuman ako. Part of moving on ko yun. Hindi madali para sa akin ang desisyong ginawa ko.

Naalala ko tuloy one day bago ko napagpasyahang sumama kay Saydie. Nung gabing nagkasagutan kami ng ate ko. I prayed. Humingi ako sa langit ng senyales kung tama ba ang pag-pili ko kay Saydie kaysa kay ate Jinny. I cried, I asked for help, I begged him to listen to me. Its choosing between lofe and death.

"Lord help me, alam ko naririnig mo ako, tulungan mo po ako sa sitwasyong pinasok ko. Bigyan niyo po ako ng tamang kaisipan sa desisyong gagawin ko para sa buhay ko. Lord, alam ko mali to, nasaktan ko ang Ate ko. Nag-mamahal lang po ako. Gusto ko po ng totoong pamilya Lord, yung tatanggap sakin, gaya ng pagtanggap ng Papa ko sa buong pagkatao ko. Lord, give me a sign, kung tama bang si Saydie ang pinili ko at hindi si Ate Jinny. Bukas po Lord, kapag wala po kayong ipinakitang sign sakin buong maghapon, hindi po ako aalis sa bahay na to, tatanggapin ko po na may lanat na sa pagitan ng relasyon namin ni Ate Jinny, kahit matagal naman na talagang may barrier. Pero kung siya na po talaga, hindi na po ako magdadalawang-isip na umalis. Lord, thank you. Guide me Lord. Help me"

Kinabukasan, nag-kwentuhan kami nila Jen at Ces. Galit na galit si Jen sa ginawa ko.

"Ang tanga-tanga mo talaga Lith!!!!! Nakakainis to eh!!!! Eh di sana sinabi mo alarm yon!!! Hayy nako!!!! Isang taon na lang titiisin mo!! Nakakainis ka talaga!!"

"Wala na akong choice. Ang hirap magsinungaling sa ate ko. Wala na, nangyari na."

"Pano kaya yan Lith, kapag nag-uwi ng babae si Saydie tapos pinatira kasama ka, ano kayang gagawin mo."

Napag-desisyunan ko na hindi na pasukan lahat ng subject ko, at kailangan naming mag-usap ni Saydie.

Habang nakasakay ako sa Jeep, nakayuko ako, at nag-iisip ng malalim habang nakaupo sa passenger seat. Nalulungkot ako, dahil mukhang kailangan ko talagang magtiis pa sa bahay nila Mama. Naagaw naman ang pansin ko ng humarurot na jeep sa kanan ko. Nakalagay na design sa magkabilang gilid ng Jeep, ay ang pangalang Saydie, at nakasabit naman don sa babaan ng pasahero sa likod.

"Iba ka sa lahat, Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan"

Ayun na siguro ang sign na hiningi ko kay Lord. Napawi ang lungkot sa aking mukha at animoy nagkaroon ng liwanag. Masaya ako. Masaya dahil sa panibagong yugto nanaman ng buhay ko. Haharapin ko na ng mag-isa ang sariling buhay na gusto ko.

Pumunta ako sakanila, kinuwento ko lahat. Pati yung pinagtanggol ko siya sa ate ko. Tuwang-tuwa siya. Kasi I fought for him. Ipinaglaban ko yung alam kong tama. Nabanggit ko din sakanya, sa ayaw at sa gusto nila ate at kuya, aalis pa rin ako. Dahil sinagot ni Lord ang sign na hinihingi ko.

By chance or hindi, aalis at aalis ako.

Dinala ko lang ang mga kayang bitbitin ng bag ko, dinoble ko ang mga suot ko, para madagdagan kahit paano ang mga damit na dala ko.

At tuluyan na nga kaming nagsama.

Flashback ends!!!!

Pagtapos niyang magluto ng pagkain namin. Pumasok siya sa kwarto at nag-sorry.

"Sorry Lith, pagod lang kasi ako. At alam mo namang ayaw kong nag-iinom ka diba? Ikaw lang naman ang inaalala ko eh, naalala mo ba nung muntik na akong mapaaway kasi lasing ka? Baka kasi mabastos ka nanaman ng mga lalaki dyan eh."

Welcome to my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon