Perfectly Imperfect - 17

1.8K 33 14
                                    

Chapter seventeen

Bakit ang bigat naman? hmm?

<------- Lingon sa kaliwa

wala

 Lingon sa baba

natural wala-__-

 Lingon sa kanan------->

O____________O

 huh? Anong ginagawa niya dito?hala?!

Isip....Isip....Isip....Brainsqueeze....Brainstorm....

 ahh!I knew it!naa-alala ko na!

Hoy Blair? Ano ka nasa movie? Nasa fiction ka! Wag kang feeling nasa koreanovela or teleserye na bidang babae na nagka-amnesia kaya wag kang dumali ng 'naa-alala ko na!' line. Sabi ko nga diba? Shut up na nga lang ako. Pero pano naman ako naging yakap-yakap nito?

Hayaan na lang nga!...Mukhang napagod ata sa kaka-asikaso sakin, Hindi na rin naman masakit yung puson ko.. magaling din palang mag-alaga si DJ..

Ang swerte ng naging girlfriend nya.Sana ako nalang. Pinagmasdan ko siya.

Ang gwapo gwapo mo talaga..no wonder kung bakit madaming nagkakagusto sa'yo sa school.Ang bango-bango pa niya..Nakaka-adik yung amoy nya.

Ang puti nya.. Ang haba ng pilikmata nya parang babae.Ang tangos-tangos pa ng ilong nya *Sigh* Gwapo na maputi pa!

Lumapit ako sa may tenga nya.."Thank You DJ"

Tapos hinigpitan nya pa lalo yung yakap nya sakin

Sobrang higpit!tapos binaon nya pa yung ulo sa may leeg ko..Pwedeng magmura?pakshet!Nararamdaman ko yung hininga nya!Uwaaaa!feeling ko talaga simpula na ng lipstick ni anne curtis yung mukha ko nito!

dug.dug.dug

I wonder kung ano amoy ko ngayon..Pawis na pawis kasi ako kanina. Well, naligo naman ako kaninang madaling araw kasi akala ko makakapunta ako sa practice namin ni DJ >.<

I hate Girl's Days!

 DJ: Ang bango-bango naman ng baby ko tapos inamoy-amoy nya pa yung buhok ko Wag kang magpapalit ng shampoo ahh. Nakaka-adik yung amoy mo eh...

 Parang tumayo lahat ng balbon ko sa katawan pati yung sa kili-kili! de joke lang! wala noh! Gising pala 'to? Tapos inamoy -amoy nya pa ako ulit.. Nakaka conscious tuloy.

 Ako: Kanina ka pa gising?

 Dj: Ngayon lang.Ginising kasi ako ng baby ko eh.. Nasanay na ito sa kaka-tawag sakin ng 'baby' sakin ahh samantalang ako di ko mabigkas-bigkas sa harap niya...

*pout*

 Dj: wag kang gumanyan. Halikan kita dyan eh...

O_______O dahil sa sinabi nya...napalingon ako ng di-oras. nakalimutan kong magkadikit pala kami. kaya naman sobrang lapit nya sakin ngayon yung tipong magkadikit na yung ilong namin...Nakita ko pumikit siya at unti-unti siyang lumalapit sakin..

Muntik na akong mag-give-in pero mali 'to. Hindi naman talaga nya ako girlfriend eh. Sobrang lapit na namin..as in. Super!

Ako: DJ Hindi pa rin siya gumagalaw at nakapikit pa rin siya...

 Ako: Stop.  napatigil naman siya at tinignan nya lang ako pero hindi pa rin siya lumalayo sakin...

Ako: Sa tingin ko... mas magandang gawin mo yan sa taong mahal mo hindi lang dahil girlfriend mo ako ngayon.. Ouch... para na rin akong sinampal ng leon sa sinabi ko...

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon