「️prologue」️

6 1 0
                                    


"Di naman sa nang-aasar pero..." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang ine-examine.

"Pero mukhang di mo na maayos yang bike mo. Halata naman na pagod ka na kakakumpuni niyan simula pa kaninang uwian" bumalik ako sa pag-aayos ng bike ko at hinayaan siyang mag-salita.

"Hmm anong oras na ba? Ah! tignan mo 2 oras mo nang kinakalembang yang bike mo." napa-ngisi na lang ako dahil ang ingay niya

"Kaya mo pa ba?" dugtong niya pa. Infairness ah sobrang nakakairita

"Sino ka ba? Bakit ba ang epal mo?" Ayoko sa lahat yung aabot na sa point na sobrang naiinis na ko.

"Ahh concern lang kasi ako. Baka kasi abutin ka na naman ng closing ng school gate kakaayos ng bike mo" Teka bakit niya alam?!

"Sino ka ba kase?! Sa pagkakaalam ko eh hindi naman tayo magkakilala. Well, salamat sa concern pero di kita kailangan. Makakaalis ka na" inirapan ko siya. Akala ko aalis na siya pero nanatili siyang nakaupo sa bike niya na nakaparada

"Tsss sungit" bumulong pa kala niya di ko narinig

"Magsalita ka lang ng hindi maganda ibabato ko sayo 'tong bike" sa tingin ko wala na talaga akong pag-asa.

"Nakakainis!!"  suko na ko. Ayoko na!

"Wag mong sipain yang bike. Umangkas ka na, isasabay na kita pauwi" aangal pa sana ako kaso inunahan niya na ako

"Wag ka mag-alala wala akong gagawing masama sa'yo. At saka isa pa, magkapitbahay lang tayo." sabi niya habang tumitingin sa wrist watch niya

"ANO!?" wala na akong masabi eh.

"Wag ka nang umangal... halikan kita diyan eh." Di ko na pinansin huli niyang sinabi dahil nagmamadali akong umangkas sa likod ng bike niya.

BIKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon