M.U. (One-shot/Short Story)

114 3 1
                                    

Ito ay kwento ng pag-ibig...

pag-ibig ko.

Pag-ibig na pinangarap ko.

Pag-ibig na sumibol nang biglaan.

Pag-ibig na nagsimula sa pagkakaibigan.

Pag-ibig na naramdaman ko...

Pag-ibig na hindi nasuklian.

Part I: Mutual Understanding.

Friendship. D'yan nagsisimula ang lahat. Isang simpleng relasyon na walang halong malisya... hanggang dumating sa pagkakataon na magka-crush ka sa kanya. Hanggang sa puntong nakakaramdam ka na ng kilig sa mga ginagawa niya. Hanggang sa araw na hindi mabubuo kapag wala siya.

'Yan ang nararamdaman ko para sa kanya... nung una. Crush lang. Simpleng kilig. Simpleng landi. Wala naman talaga 'kong planong palalimin ang nararamdaman ko, eh. Kuntento na 'kong maging crush lang siya nang palihim. Masaya na 'ko sa friendship namin.

Pero ang plano, hindi naman laging nasusunod. At ang nararamdaman natin, hindi naman laging nakokontrol. Kahit pa sabihin nilang may free-will ang bawat tao, pagdating sa feelings nagiging no choice tayo.

Mula sa crush nauwi sa pagkagusto 'yung nararamdaman ko. Natuto 'kong umasa sa mga simpleng pakilig niya. 'Yung mga tipong, ihahatid niya 'ko sa bahay. Sasabayang kumain every break. Kasama ko siya sa bawat lakad ko. Katext ko siya tuwing bored ako. Kausap sa phone hanggang sa antukin ako.

S'yempre, sinong 'di aasa dun? Na 'yung taong gusto mo, gusto ka din.

"Uy, teh! Ang sweet, ah," bulong ng kaklase ko pagka-upo ko sa pwesto ko.

"Huh? Wala 'yun."

Nakita niya kasing abutan ako ng isang lalaki ng lunchbox.

"Boyfriend mo?"

"H-hindi, ah! Ahmmm.. friend ko 'yun. Kaklase ko nung highschool," pasubali ko.

Boyfriend? Boyfriend ko na ba siya kung walang ligawang nangyari pero ganun siya umakto?

"Weh? Ahhhh.. ka-M.U. mo?"

Isang simpleng ngiti lang ang naitugon ko.

M.U.?

Mutual understanding? Siguro nga.

Gusto ko siya...

...ganun din kaya siya?

Part II: MisUnderstanding.

Ano na ba kami?

Minsan gusto kong itanong sa kanya 'yun. Pero natatakot ako sa magiging sagot niya.

Pa'no kung nasosobrahan lang ang pagka-assuming ko? Hindi ako handa sa magiging sagot niya kaya kahit ilang ulit kong ginustong linawin kung ano kami, hindi ko ginawa. Takot ako sa magiging sagot niya... at takot ako na may magbago.

Sabihin na nating... takot ako na panaginip lang talaga lahat 'to at ayoko pa magising.

"Uy! Nandyan na si 'friend'." Mariin ang pagkakasambit ng kaklase ko sa salitang friend.

Tumingala ako mula sa pagkakasubsob ko sa desk ng upuan. Wala kasi ang prof namin kaya napagpasyahan kong matulog sana. Tumingin ako sa pinto at naroon nga siya, nakatutok ang mata sa cellphone. Lumapit ako sa kanya ngunit 'di niya 'ko napansin.

"Uy!" Tinapik ko siya sa balikat. Hinawi ko ang buhok ko at nilagay sa tenga nang makuha ko ang atensyon niya, pagkatapos ay ngumiti.

M.U. (One-shot/Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon