Terminal [one shot]

117 2 0
                                    

A/N: First short story ko po ito dito sa wattpad. 1st prize po ito sa literary folio ng school ko. Sorry po kung hindi ako magaling kagaya ng ibang author D8 critics are highly appreciated ^______________^ sana po magustuhan nyo.

P.S Yung sa cast po sorry po talaga >3< kung ano ano pinag kiclick ko D8 di ko napansin. Kung alam nyo po kung paano burahin yun. PM me pls thank you po talaga.

Kagaya ng mga nakaraang gabi. Alam kong masikip pa rin ang LRT Train na maghahatid sa akin papuntang Libertad. Dito na naman magsisimula ang paglalakbay ko --

Teka magpapakilala muna ako, Hazel Perez yung pangalan ko at masugid akong suki ng LRT.  Araw araw kong hinihiling na makasabay ko ang isang taong napaka espesyal at importante sa akin ..

Ano ba yan? dahil kakatapos lang ng final examination, tapos ito pa ang isasampal ng tadhana sa akin. Umaapaw nanaman ang mga nilalang na ginusto rin magdusa sa loob ng tren. Nagmumukhang lata ng sardinas ang espasyo ng tren ay okay pa din kasya naman sumakay ng jeep o fx lalo na kung iiwas sa traffic o kaya'y nagtitipid lang. Amoy na amoy ko pa rin ang trademark na pabango ng LRT habang mabilis itong rumatsada sa harapan ko. Amoy araw ang mga taong nagkumpol-kumpol at walang sawang tumatangkilik ng LRT at isa na ako dun

Tumigil ito sa istasyon ng Central Terminal

"Magbigayan po tayo" sabi ni manong guard na may hawak na A-phone pero wala pa din nagbibigayan dahil nga oras ng uwian ngayon at halata naman na atat ang lahat na makauwi at makapagpahinga na. May mga pumapasok na sa loob ng tren habang ang ilang pasahero ay nagmamadaling bumababa.

At heto ako .. nagdadalawang isip kung makikipagsiksikan pa ako o hindi pero late na .. mapapagalitan ako nito panigurado pagkauwi ko.

"Warning buzzer na po .. Umatras lang po tayo. Mag-ingat lang po tayo sa mga mandurukot" sabi ulit ni manong guard. Uto-uto naman akong umatras at pasimpleng kinapa ang bulsa ko. Lumipas ang ilang minuto, hindi pa din dumarating ang tren at dumadami na din ang mga taong sasakay. Sigurado ako puno nanaman ito, hay nakoooo naman sana makasakay na ako. Parating na yung tren .. at walang tao !! wow! walang tao, walang mga tao! himala ito. Kadalasan sa mismong unang terminal lang ito nangyayari gaya sa Roosevelt at Baclaran. Ngayon ko lang mararanasan makasakay pauwi nang wala pang-tao sa loob nito. Bigla-bigla naman dumagsa ang mga taong papunta sa redline parang mga kabuti lang.

Matulin ang pagpasok ng tren sa istasyon. At nang mapahinto ito, parang open-sesame ang sabay-sabay na pagbukas ng mga pintuan. Nag-uunahan ang mga tao sa pagpasok ng tren parang naglalaro kami ng trip-to-jerusalem. May napa-shit na estudyante, mayroon mamang pasigaw na nagmura dahil natisod yata ng isang binata. Singit dyan .. Singit doon .. Hipo dyan .. Chansing dito HOHOHO x) hay buti naman at nakaupo ako. Matutulog na lang ako gaya ng katabi ko na sinisimulan na ang kanyang pag-idlip. Wala sana maka-agaw ng panandaliang trono ko ^__________^

"Warning buzzer na po .. next train na lang po ang ibang pasahero" sabi ulit ni manong guard sa mas malakas na boses e kasi naman ang mga makukulit na lahi humahabol pang pumasok kitam nagwarning buzzer na eh.

Hay! salamat. Makakapagpahinga na ang aking binti at mahabang biyahe pa ito. Makaidlip nga muna para makalayo sa pasanin ng mga taong nakatayo at tatayo pa hanggang Baclaran. Inaantok na ako pero bigla akong natauhan. Naistorbo ang idlip ko ng isang lalaki na nakikiyugyog ng hita kasabay ng pag-arangkada ng tren sa riles. (A/N: gets nyo naman di ba?)

"Kuya tigilan mo na nga yang pagyugyog ng hita mo! Nakakaistorbo ka sa mga taong katabi mo!" taray ko ba? hindi naman .. tama lang yun sa kanya.  Ay shemay lang  .. gwapo nya eh inisnaban ako. Aba! hindi pa rin tumigil tinapik ko nga.

Terminal [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon