BLOOD 8: Batang Cute! (PART TWO)

294 11 3
                                    

Yaah! Wala akong maisip.. bahala na kung anong kaka-labasan XD.. Anyways, Belated Happy Mother’s Day para sa mga nanay at nagpi-feeling nanay na gaya ko XD

Anikka’s POV

“Mommy, where are we going po??” tanong nitong batang cute na ‘to sa akin.. kakatapos lang naming lumamon, nagla-lakad kami palabas ng mall, dala-dala namin yung mga binili namin kanina at kasama rin ‘tong si batang cute na kasalukuyang kumakain ng snowpy ice cream (Lakas maka-advertise eh noh!)

“Uuwi na tayo.. It’s time for you to meet your dad” sabi ko, si Daezen na ang kumuha ng taxi, syempre para naman kahit paano eh isipin ni batang cute na isang normal na pamilya ang umampon sa kanya

“Hmm, what’s daddy like? Is he handsome? Or is he crabby?” tanong niya, after ilang minutes dumating na rin yung taxi, sumakay na kami sa loob para ipagpa-tuloy ang kwentuhan namin ni BC (Batang Cute)

“Of course he’s handsome, and hindi siya masungit or what.. he’s jolly and fun to be with, he has this really kinky curls.. kaso minsan sinusumpong siya ng kasungitan..” sabi ko, haha!! A typical girlfriend description para sa boyfriend niya.. well, masi-sisi niyo ba ko?

“Hmmm, sa tingin niyo po magugustuhan niya ako?” she asks, I smiled.. first time na nakapag-salita siya ng straight tagalog sentence, haha!!

“Hindi ka magugustuhan ‘nun! Seth’s a monster, he’ll surely kick you out of the house para humanap ka ng ibang aampon sayo” pananakot ni Daezen na nasa shout gun seat, tinapik ko naman siya para matigil na siya, walangya tinakot pa yung bata (-___-“)

“Oiist Daezen! Tigilan mo nga ang pananakot sa bata, tsk!” sabi ko, tinignan ko si BC na nagtu-tubig na yung mata at humihikbi na, aish! Ang bully ni Daezen!

“U-uwaaaaaaaah!” niyakap ko na lang yung bata para tumahan siya

“Shhh, I’m sure he’ll like you.. Eh kung ako nga nagustuhan kita eh, paano pa kaya siya?” I said, and with that tumahan na siya.. humiga siya sa lap ko and after a few minutes, ayun.. TULOG NA (+__+)

“Do you think magugustuhan talaga siya ni Seth?” tanong ni Daezen out of the blue

“I think so, I have this strong feeling na magugustuhan siya ni Seth eh.. she looks cute and she has the charms..” I said, after that nag-karoon ng mapayapang katahimikan sa loob ng taxi.. Medyo napagod din ako kaya medyo naka-idlip ako..

“Hoy kayong mag-ina! Gising na! Nandito na tayo” sigaw ng oh-so bungangerang Daezen, na-gising na din si BC at bumaba na kami mula sa taxi.. at agad kaming sinalubong ni Katsumi na agad na yumakap kay Daezen

“B-bebu.. c-can’t breath” sabi ni Daezen, haha!! Ganyan talaga sila, pag hindi magka-galit, bebu ang tawagan pero pag naga-asaran, Koreanong hilaw/koreanang intsik (-__-)

“PDA!!” sigaw ko para naman matigil sila, may bata kaya dito! Tsk tsk

“Tss, inggit ka lang! Puntahan mo na nga dun yung babe mo, kanina ka pa ‘nun hinihintay eh” sabi ni Katsumi, dumiretso na lang ako sa loob  para hanapin si Seth habang hawak ko si BC sa isang kamay ko

“Get ready to meet your daddy” sabi ko kay BC, then started walking papunta dun sa kwarto ko dito, bubuksan ko pa lang sana yung pinto nung kusa na yung bumukas at bumungad sa akin ang mukha ng aking babe..

“Bakit ang tagal m-- sino yan?!!” tanong ni Seth nung makita niyang hawak-hawak ko si BC sa kamay..

“DADDY!! Hihihihi!!” sabi ni batang cute at tumakbo papunta kay Seth at yumakap sa paa niya..

Prophecy Blood and YOU?! (PBY) [BOOK 2 OF ISVK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon