Dedicated this chap to Ms. walangmagawa1210! The first author I really admire here in watty! I really love your story of I LOVE YOU KUYA & FINDING MR. WRONG! - the first ever story I read in wattpad! And congrats also.. soon to be pub na yun ILYK! ^.^
XIV. UNEXPECTED THINGS
Free cut namin ngayon.. nakasalampak ako ng upo sa hallway kasama ang mga classmates ko. Nagugroup study kami para sa next exam namin sa isang major subject. Kanina ko pa nararamdam ang pag vibrate ng cellphone ko sa loob ng bag ko pero dahil busy ako sa pagrereview, time out muna ako sa texting at pangungulit ni Enzo. Wala siguro magawa ang totoy na yon kaya panay na naman ang paflooding ng text saken, nangungulet lang ang mokong. Naku, palibhasa kasi wala na silang klase ngayon kaya panay praktis nalang ng graduation march nila ang inaatupag niya. Habang ako, heto dunudugo pa ang utak sa kakaaral.
This week is our final hell week in school, final exams namin ngayon kaya kaylangan kong magfocus dahil dito nakasalalay ang iskolarship ko. Yes, consistent iskolar po ako.. iskolar ng bayan. Hindi lang halata.. hahah! Well, I'm not totally active in our class, and I'm not that smart.. masipag lang talaga ako mag-aral dahil kaylangan, malaking tulong din kasi kila Mama't Papa ang pagkakaroon ko ng iskolarship dahil nong nagcollege ako halos lahat kami ng mga kapatid ko sabay-sabay nagaaral, mabuti nga ngayon, medyo nakakaraos na ang parents namin dahil nakapag abroad ang panganay namin na si Ate Katie, at si Kuya Janzel naman nakagraduate na din at nagtatrabaho na, di tulad noon, sobrang mabigat sa bulsa kaya tuwang-tuwa ang mga magulang ko nong nag qualified ako for Iskolar ng Bayan. Yun nga lang, every end of semester, palagi akong kinakabahan sa tuwing magkukuhaan na ng grades, pero sa awa ng dyos sa apat na taon ko sa kolehiyo nagawa kong i-maintain ang grades ko. And that's one thing na talagang pinagpapasalamat ko kay Papa God, he never let me down.
Yung totoo? Isa yan sa dahilan kaya palagi akong nagsisimba ng linggo, pinagdarasal ko na palagi akong bigyan ng 'kasipagan' sa pagaaral. Nyahaha! At si Sakristan Will? He's my inspiration.. seing him every sunday, it always made my enter week. Nakakagood vides kasi yung smile nya. ^_^
Eh, how about Enzo, Julien? my mind asked.
Napangiti ako. Ewan ko ba.. sa tuwing naiisip ko si Willson, bigla nalang sisingit si Enzo, then it always asked me the same thing. And honestly, hindi ko sila mapagkompara, pareho silang Sakristan pero para saken, pareho silang mahalaga, kung si Will.. palagi niyang ginagawang perfect ang sunday ko. Si Enzo.. he always made my day.. and it won't be complete without getting text from him.. :">
Siguro dahil palagi kami nag-uusap sa text, nasanay na kong sa tuwing magri-ring o magvi-vibrate ang cellphone ko, alam ko nang siya yun. Hindi kumpleto ang araw kapag hindi kami nagbabanutan ng pick up lines, hindi nagasaran, nagkukulitan, nagkakwentuhan ng kung ano-ano. I don't know.. sa tagal namin magkatext ni Enzo, never kami naubusan ng topic, and I never feel bored kapag magkatext kami, lalo na kapag nagaasaran kami tapos sa huli, napipikon ko sya sa walang kamatayan kong 'Ateh'. Hahah! I really love to pissing him off kasi sinusungitan nya ko! Weird, pero aliw na aliw ako sa kasungitang taglay ni Enzo! And I just couldn't help laughing lalo na kapag naaalala ko yung nakasimangot nyang mukha na gwapo pa din don sa bus! Priceless! xD
"Julien, next week ha! Sama ka, mag job haunting na tayo para right after graduation, may work na tayo." paalala nila Eriel saken bago kami maghiwa-hiwalay pauwi.
"Sure thing! Ge, ingat nalang. Bye girls!" paalam ko sa mga classmates ko at naglakad na patungong sakayan ng tricycle papasok sa compound namin. At pagkadating ko ng bahay, tinext ko kaagad si Enzo..
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN [FIN]
Ficção Adolescente❝I pretended to look around, but I was actually looking at you...❝ This is a COMPLETED series. Written by ChastineCabs_11 © 2014 All rights reserved.