Prologue

26.9K 309 85
                                    

*This is a FAN made continuation of My Love From The Star TV Series (Korean Drama). Thank you!

First Part- MLSTS 2: The Kilig Sequel
Second Part- MLFTS 3: The Lost Stars
............

Nakabalik ako ng maayos. Hindi ko alam kung paano ito ipaliliwanag.

"Bumalik nga sya, pero nawala din siya bigla." Sabi ni Steffi.

3 years ago na ang nakaraan, noong ako ay umalis sa Earth. Nahigop ako kung saan papunta sa aming planeta. Tinatawag ito ng mga tao dito sa Earth na isang wormhole. Pagkatapos kong makabalik sa planeta ko at nakarecover saka nakaipon na din ng lakas ginawa ko lahat ng aking makakaya para makabalik sa piling ng mahal ko na si Steffi.

Hindi ko kailangan ang mahabang oras doon sa planeta ko. Ang kailangan ko ay ang maiksing oras dito sa Earth kasama ng mahal ko.

Ako nga pala si Matteo Do. Muli nyo sana kaming samahan kasama ng aking mahal na si Steffi sa ikalawang kabanata ng aming buhay.

Characters:

Jun Ji-hyun as Cheon Song-yi (Steffi Cheon), siya ay isa sa pinaka sikat na Hallyu star sa Korea. Napakaganda niya, sexy at super sikat. Pero may pagkapurol ang utak niya at naniwala siyang lahat ng kalalakihan ay pinagpapantasyahan sya, hanggang sa makilala niya ang kapitbahay niyang si Matteo Do. Di nagtagal nahulog ang loob niya kay Matteo at ginawa niya talaga ang lahat para mainlove siya sa kanya.

Kim Soo-hyun as Do Min-joon (Matteo Do), siya ay napakaseryosong tao at may pagkasuplado. May pagkamatipuno ang katawan, gwapo, at may super powers. Kaya niyang magteleport, magpagalaw ng mga bagay ng hindi hinahawakan, at patigilin ang oras. Minsan na siyang nagmahal ng isang babae na nabuhay noong Joseon Dynasty dahil tanggap ng babaeng ito ang tunay niyang pagkatao na siya ay isang alien. Pagkatapos mamatay ni Yi-hwa dahil sa pagligtas sa kanya, Naghintay siya ng mahabang panahon para makabalik sa planeta niya. Nabuhay siya ng mag-isa at malayo sa mga tao ng ilang taon. Hanggang sa makilala niya si Steffi, isang babae na kamukang-kamukha ni Yi-hwa noong bata siya na minahal niya 400 years ago.

Park Hae-jin as Lee Hwi-kyung (Winston Lee), Childhood friend siya ni Steffi na may unrequited love para sa kanya. Naniniwala sia na balang araw ay mamahalin din siya ni Steffi. Pero nagdecide siya na tumigil muna at manatili sa tabi ni Steffi bilang isang totoong kaibigan.

Yoo In-na as Yoo Se-mi (Lucy Yoo), para kay Steffi siya ay isang kaibigan. Pero sa likod ng matamis niyang ngiti ay isang babaeng inggit na inngit kay Steffi. Matagal na nyang gusto si Winston Lee. Bigla siyang naging sikat noong bumagsak ang career ni Steffi.

Shin Sung-rok as Lee Jae-kyung (Jackson Lee): siya ang nakatatandang kapatid ni Winston, Tagapagmana siya ng S&C Group. Si Jackson ay ang main antagonist sa kwentong ito. Ninais niyang mapatay si Steffi para huwag mabulgar ang lihim niya sa kanyang tunay na pagkatao. Kasalukuyan siyang nakakulong dahil sa mga kaso na inihatol sa kanya.

Kim Chang-wan as Jang Young-mok: Min-joon's lawyer (Mr. Jang): Noong kabataan niya ay naisipan niyang magsuicide at tumalon sa building. Niligtas siya ni Matteo gamit ang kanyang super powers o kakayahan at doon natuklasan ni Mr. Jang ang tunay na pagkatao ni Matteo. Naging siyang tapat na kaibigan magsimula noon.

Ahn Jae-hyun as Cheon Yoon-jae (Yuan Cheon): Nakababatang kapatid ni Steffi. Noong una ay tutol siya sa relasyon ng kanyang ate at ni Matteo, pero bandang huli ay nagustuhan niya din si Matteo dahil sa pagkakapareho nila ng interest sa astronomy.

Na Young-hee as Yang Mi-yeon: (Lynelle Yang): Steffi's mother.

Uhm Hyo-seop as Cheon Min-goo (Mingo Cheon): Steffi's father.

Lee Il-hwa as Han Sun-young (Doris Han): Lucy's mother.

Oh Sang-jin as Yoo Seok: Se-mi's older brother (Peter Yoo), Isa siyang masipag na prosecutor na humahawak sa kaso ng pagkamatay ni Rachel Han. Nalaman din niya ang tunay na pagkatao ni Matteo Do.

Kim Hee-won as Park Byung-hee: (Detective Park) ang detective na kasama ni Peter Yoo sa pagresolve sa kaso ni Rachel Han.

Jo Hee-bong as President Ahn: CEO of Song-yi's talent agency

Kim Kang-hyun as Yoon Beom (Jun-Jun): Song-yi's manager

Kim Bo-mi as Min-ah (Mina) : Song-yi's stylist

Hong Jin-kyung as (Kathy): Matagal nang kaibigan ni Steffi. Siya ang may ari ng Comic book store.

Abangan pa ang mga bagong characters na inyong makikilala, mamahalin at kaiinisan. :)

★☆★☆★☆★

Naisipan kong gawan ng second part yung MY LOVE FROM THE STAR dahil bitin talaga ako sa kwento. Sa pagbabasa neto promise marami kayong aabangan. Sana maenjoy niyo din ung pagbabasa kahit papaano. :) Thank you.

★☆★☆★☆★
Please support my new original story.
She Who Can Be Me
Lee Sung Kyuny as Aya
Nam Joo Hyuk as Zander

 She Who Can Be MeLee Sung Kyuny as AyaNam Joo Hyuk as Zander

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon