[February 2009]
Gaya ng mga mag-girlfriend at boyfriend na sweet sa isa't isa tuwing month of february or let us say na specially tuwing 14th of this month. Nagkaroon ng ng program sa school namin, kahit hindi para sa valentines day marami ang nagdala ng bulaklak, chocolates, letters, stuffed toys. Ang program ay para sa aming directress na magre-retire na daw at titira na abroad.
Bago pa magsimula ang program, marami ang ang may kaniya-kaniyang business. Pinakamaiingay ang mga seniors at karamihan na rin sa mga juniors dahil siguro ganoon naman talaga kasi at home na sila sa school, kumbaga gamay na nila kung paano gumalaw sa school.
Si Mimi nakakatawa kasi nakasimangot "Hay nako, ang yabang na naman ng mga taga kabila." sabi niya "Inggit.." "Epal yung isa diyan" "Hahahaha, ewan naman sayo!" sabi nung mga pinaparinggan niya. "Ay teka.." sabi ni Mimi na patayo na at mukhang susugod pa ata dun sa mga upper section students "Hoy! binayaran niyo lang yan.." sabi ni Mimi sabay may lumapit na junior sa amin kasabay si Erol. "Si Macky nga pala, varsity rin yan kaibigan ni kuya." pakilala ni Erol sa kasama niya, kay Mimi pinaka inintroduce "Flowers po ate oh.." sabi ni Macky "Ha?! Wow, salamat.." sabi ni Mimi na biglang nahiya at nagposing ng mala filipinang dalaga "Nagtawanan yung mga boy classmates namin sa gilid. "Wahahaha" sabi nila sabay pinalo ni Mimi ng pamaypay na hawak niya "Oy kuya salamat ah.." sabi niya sabay kuha ng flowers. "Alexa oh, para sayo.." sabi ni Erol ngumiti lang ako sabay kuha ng binigay niyang chocolate, ang laki nga eh siguro talo pa 12 inches na ruler at lapad pa "Wow, penge niyan ah.." sabi ni Mimi "Penge Erol ah" dugtong pa ni Mimi "Sige lang, sabihin mo kay Alexa." sabi ni Erol sabay punta sa pwesto ng mga lalaki naming kaklase.
Okay na sana lahat, pero ganun ba talaga? Pag may may sweet na nangyari may kasunod na bitterness. Si Justin nakita ko may dalang bouquet of flowers habang papunta sa lugar nila Kim, malamang sino pa ba. Di naman sa ayokong makita pero kasi sa gitna siya dumaan eh nasa gilid yung mga estudyante, ganoon kasi ang setup pag may program at before flag ceremony every morning. "Wow, 24 roses talaga?" "Oo, monthsary nila yun eh" "Ah, nice.." sabi nung mga boys sa gilid namin. Sabay kiss ni Kim sa kaniya at diretso sa pwesto namin. "Bat walang chocolate?" sabi ni Rocky kay Justin pagkaupo sa tabi nila "Sikreto haha" sabi ni Justin sabay tapik sa likod ni Rocky.
Naging maayos naman ang program, may kumanta, sumayaw, speech ng mga teachers at maraming words of wisdom from the directress haha.
After ng program, long recess daw muna then back to regular class na ata. So yun kumain kanming magkakasabay katulad ng dati, yung tinutukoy kong dati is after the tragedy, Yes! tragedy.. you should know that I mean.
Pagkabalik namin sa room nagannounce yung subject teacher "The administrators told us that you will be dismissed after the break.So you can go now.." sabi niya then nag ayos na agad lahat ng gamit para makauwi. Siyempre halos lahat dumaan muna ng locker, so am I.
Pagpunta ko sa locker, nakabukas! Sira yung locker.. nagaayos na ko ng gamit at di ko na talaga inalam pa kung anong nangyari dun pero biglang dumaan yung grupo nila Kim. Tumingin sila sa akin sabay ngiti ni Kim na parang nakakairita. "Hoy!" sigaw ni Mimi na kakakakyat lang siguro galing room at maglalagay na ng gamit sa locker sabay takbo papunta malapit sa akin. Yung grupo naman nila Kim nagtuloy tuloy na sa paglalakad. Patapos na akong magayos ng gamit at kumuha ng ilang libro para mag review ng biglang "Ano to?" sabi sa bandang likod ko "Ha?!" pagkaharap ko may hawak na chocolates si Mimi. "Sayo to?" "Ha?" usapan namin "Oh.." sabay abot sa akin ni Mimi, kinuha ko naman. (sayang naman eh) sabi ko sa isip ko. "Sige alis na ko" sabay takbo ni Mimi. Palakad na ako pababa ng biglang bumukas yung pinto cr ng boys. Si Justin pala na nakangiti sa akin at parang natatawa "Wow, dami niyan ah.." sabi niya pero di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagbaba.
Sinundan niya ako at pagkababa namin "Teka lang miss.." sabi niya pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad (wag mo siya pansinin) sabi ng isip ko (stop muna nene) sabi naman ni puso pero tumakbo siya at humarap sa akin, may inabot siya sa akin na libro "Bagay to sa hawak mo.." sabi niya "Ha?" sabi ko. [ABNKKBSNPLAKo?!] ang title ng libro. "Ewan ko sayo.." sabi ko sabay mabilis na naglakad palayo "Tignan mo hawak mo miss!" sigaw niya pero nakatayo na lang siya sa pwesto niya at di na ako sinundan pa.
Pagsakay ko ng jeep tinignan ko hawak ko, box ng "kinder" chocolates. Inisip ko yung sinabi niya, bagay daw tong libro. Inisip ko, kinder tas title ng libro [ABNKKBSNPLAKo?!]. Naiinis man ako sa kaniya, napangiti niya ako dun. Pero di ko maiwasang itanong hanggang sa mahiga ako sa kama ko para matulog nung hapon na yun, edi sa kaniya galing yung chocolates?
Hay, marami sa mga nagmamahal sa panahon natin ngayon ang pilit na naghahanap ng pwede nilang mahalin o sabihin nating maaring tawaging "boyfriend o girlfriend" pero may isa akong natutunan. Ang pagmamahal mo sa isang tao, kahit pa hindi maibalik dapat mo pa ring iparamdam dahil nagkakaroon talaga ng "right love at a wrong time".
“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala” - Bob Ong
BINABASA MO ANG
Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)
Teen FictionA story of love that happened years ago. About someone's greatest "first love".