Pintang mga Larawan (one shot)

55 0 0
                                    

Isa akong mangangahoy. Isang araw inabutan ako ng gabi kakasibak ng kahoy, malayo ako sa pamayanan kaya naisip kong matulog na lang sa kagubatan, habang ako ay nakaupo at gumagawa ng apoy gamit ang tuyong kahoy, nakita ko ang isang maliit na bahay sa di kalayuan. Di ko lubos na maisip kung bakit may bahay sa isang liblib na gubat at maganda pa ang pagkakayari nito.

Kumatok ako upang makiusap sa may-ari ng bahay na makituloy kahit isang gabi man lang ngunit walang nagbubukas ng pinto kaya nagdesisyon ako na pumasok na alng basta-basta. Pagkabukas ko ng pinto, aking nakita ang luma ngunit maayos na pagkakayari at pagkakaayos ng loob ng bahay. Maliit man, ngunit kumpleto ang mga kasangkapan. May isang maliit na kama at naisip ko na doon matulog.

Sa aking paghiga, aking napansin na ang mga dingding ay puno ng mga pinintang larawan ng mga mukha ng tao. Masasabi ko na napakagaling siguro ng pintor na gumawa nun dahil mukha talagang totoo at napakadetalyado ng pagkakapinta ngunit bakas sa mukha ng mga larawan ang labis na poot na nababatay sa kanilang ekspresyon ng kanilang mukha nag mga mukha sa larawan ay nanlilisik ang mga mata at parang papatay ang itsura. Ako ay kinilabutan bigla kaya ako ay nagtaklubong na lang at nakatulog rin.

Pagkagising ko kinabukasan, aking nalaman na wala palang mga larawan sa dingding....

kundi mga bintana lang....

 

 

*Note: Halaw mula sa maikling istoryang pinamagatang Paintings

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pintang mga Larawan (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon