Sa paglipas ng mga panahon
Umaasa akong isa ako sa mga alaalang naroon
Mga alaalang binuo mo noon
Na malabo mong kalimutan ngayonBuong puso akong nagpapasalamat dahil nakilala kita
Hindi ko lubos maisip na darating sa puntong mamahalin kita
Minahal kita nang hindi ko namamalayan
Nagising na lang ako isang araw, 'di na kita kayang pakawalanIkaw yung tipo ng taong 'di dapat sinasayang
At ginagawa ko lahat para 'wag akong manghinayang
Sa dami ng lalaking nagustuhan ko noon
Ibang iba sa nararamdaman ko ngayonNung panahong na-solo kita
Ilap akong titigan ka sa mata
Pakiramdam ko malalaman mo rin
Ang tinatago kong pagtinginSa bawat pagkakataon na kumakatok
Hindi ko magawang maamin ang tinitibok
Ng pusong palihim kang iniibig
Na sumasabay sa sarili nitong himig
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry (COMPLETED)
PoetryTagalog Poetry Collection Unsaid feelings for someone who is very dear to me. You may not be the right man who is meant to be with me but always remember that you will always be the man that made me who I am today. The man whom I can never own. I lo...