Examples 1

10 0 0
                                    

Examples 1

"Gina, wait lang naman.. Wag mo muna akong hiwalayan! Please!"

"Ano ka ba! Miguel, puro basketball nalang ang iniisip mo! Wala ka nang time saken! Puro barkada nalang ang inaatupag mo! Ayoko na! Break na tayo!"

"Gina! Sandali! Gina!"

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*Parang sine, ako'y naglalakbay sa istorya ng aking buhay, at bawat sandali ay inaabangan ang kwento.

At ang bida, ay ikaw at ako na nagsumapaan sa isang puno inukit ang puso at nanaginip na 'di maglalayo.

Ngunit bakit sinabi mo na ako'y iiwan mo... Sandali nga, teka lang.. Bakit hindi natin subukan na ituloy ang ating nasabing.. Sumapaan..*

( CASSANDRA'S POV )

"Ang galing mo talaga! Biruin mo, halos lahat ng exams perfect ka!"

"Ugh.." nginitian ko si Tracy "Hahaha. Review lang naman katapat ng mga exams na yan eh.. Kaya mo rin yan."

"Hindi ko kakayanin yan noh! Ang hirap kaya.."

"Gina, wait lang naman.. Wag mo muna akong hiwalayan! Please!"

"Ano ka ba! Miguel, puro basketball nalang ang iniisip mo! Wala ka nang time saken! Puro barkada nalang ang inaatupag mo! Ayoko na! Break na tayo!"

"Gina! Sandali! Gina!"

Nagulat kami ni Tracy ng may marinig kaming nagsisigawan na mga estudyante banda sa may canteen.

"Hey! Mr. Santos! Why are you shouting so loud? Ano bang nangyayari dito?" tanong ni Mrs. Castillo, Math teacher ng lahat ng estudyante dito sa school na 'to, at sya din ang terror teacher dito..

"Aaahh.." sabay napatingin sakin yung Mr. Santos na sinasabi nila.. Napatagal ang tingin nya sakin. Ewan ko kung bakit, siguro nahagip lang ng mga mata nya yung mga mata ko kaya tinagalan na rin nya ang pagtingin.. Para bang tutunawin ka nya sa isang tingin. "Ma'am," tapos inalis na nya yung tingin nya sakin "I'm sorry po.."

"Kailangan 'tong malaman ng principal.. Sinong nakakita ng buong pangyayari dito?" tanong samin ni Mrs. Castillo, walang may gustong magtaas ng kamay, ewan ko kung bakit..

"Ako po," nagtinginan sakin ang lahat ng schoolmates ko "ako po ang nakakita ng nangyari." naglakas loob akong magsalita sa harap ng maraming tao, halos lahat kasi sila takot na magsabi ay Mrs. Castillo, eh, parang wala namang masamang mangyayari..

"Ms. Fernandez? Sige, sumunod ka samin sa principal's office, at ikaw! Mr. Santos, sumunod ka!" nalipat ulit sakin ang tingin ng lalaking yun.. Para bang may masamang balak.. Iniiwas ko nalang agad ang mga mata ko sa mga mata nya..

/////

"Cassandra, bakit mo ginawa yun?" tanong sakin ni Tracy

"Eh, ano bang masama? Parang sinabi ko lang naman kung anong nakita ko eh."

"Masama talaga yun! Alam mo ba na yang si Miguel ay isang rich kid? At ang pamilya nya ang may-ari ng school natin!"

"Eh ano naman ngayo---"

"Eh ano talaga ngayon? Huh? Ms.?" nagulat nalang kami ni tracy nang may sumulpot sa harapan namin na 3 matatangkad na lalaki na mukhang basketball player na parang manununtok na hinihimas ang kanilang kamay at sinusuntok sa kabilang kamay.. (Get's nyo?!)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Examples 1Where stories live. Discover now