Chapter 02

11 3 2
                                    

" jamie! Tara! Sabay ka na saaking umuwi:) turo mo lang kung saan bahay nyo:)" sigaw ni keith kay jamie habang nakasakay sya sa isang kulay pulang Lamborghini na sasakyan, ngumiti si jamie at lumapit kay keith

" mamaya na ako uuwi, may pinapagawa pa kasi saakin si ma'am Devies eh"

" ahh ganun ba? Sigeh sigeh, ingat ka ha:)" ngumiti si keith at nag wave naman si jamie bilang pagpapaalam, ng makita na malayo na ang kotse ay agad syang pumasok ulit sa building at kinuha ang box na ibinigay sakanya ni ma'am Devies na ipinapadala nya sa music room

" Hayy...bakit ba kasi anlayo ng music room dito?" Mahinang usal ni jamie habang naglalakad papunta sa music room, habang naglalakad ay nakarinig sya ng tunog ng piano kaya naman nalaman nya na malapit na sya sa music room, ng makalapit na sya ay sinilip nya mula sa bintana ang kung sino ang magaling na pianist doon, nanlaki ang mga mata nya sakanyang nakita

" Si jin?.."







Jin's POV

Nakakaboring sa school na toh,..kung hindi lang dahil sakanya, hindi ako magtyatyaga na pumunta at mag aral dito, andito ako ngayon sa music room, actually dito lang naman ako nakakapag relax

" tsk, sino ba tong nasa bintanang kanina pa nakatingin!" Ayoko pa naman yung may nanonood saakin habang may ginagawa! Bigla akong lumingon sa may bintana at nakita ko si jamie,..magtatago pa sana sya pero huli na, nakita ko na sya

Tumayo ako at lumabas ng music room, nakita kong may dala syang box na sa tingin ko ay dadalhin nya talaga sa music room,bakit ba kapag nakikita nya ako para syang nakakakita ng multo? " ahm...so..sorry, naistorbo ba kita?" Tsk,..obvious ba na nistorbo nya ako? Nilapitan ko pa sya pero mas lalo syang yumuko, para syang halaman ng makahiya kung makatiklop "
ako na ang nagdadala nyan" kinuha ko sakanya yung box at pumasok sa loob ng music room, ng makapasok sya, panay ang tingin nya sa mga instruments na nandoon sa loob, ngayon lang ba sya nakakita ng mga ganun? Ng mailapag ko yun, nakita ko syang hinahawakan ang isang violin, kung ngumiti sya parang bata


" marunong ka bang tumugtog nyan?"

" ahmm hindi eh, pero may kakilala ako noon na marunong at magaling tumugtog nito:) " ako din..may kakilala kaya lang wala na sya eh, matagal ng patay, umupo ako sa may harap ng piano saka tumugtog ulit, wala kasi akong gana na makipag usap pa sa isip batang kagaya nya, saka halatang galing syang probinsya,kung manamit palang halata na eh

" ahmm.a..ako nga pala si.."

" kung wala ka ng gagawin makakaalis ka na" sa ginawa ko nalita kong medyo nagalit sya, kaya naman tuloy tulo syang umalis ng music room, ayokong ma involve sa kahit kaninong tao dito sa university hanggat hindi ko pa nakikita yung pakay ko dito







" tsk! Akala mo kung sinong anghel nung una! Yun pala! Masama din ang ugali!" Galit na sabi ni jamie habang sinusuntok ang kanyang unan, doon nya ibinubuhos ang kanyang galit kay jin, ng mapagod ay ibinagsak nya ang kanyang katawan sa kama, pumikit sya at inilagay ang  kanyang kanang braso sa kanyang mga mata dahilan para matakpan ang mga ito

* salamat ha*

* wala yun, saka ok ka lang ba?*

* oo, saka sya nga pala nahulog mo nga pala toh oh*

* ahh yan ba? Sayo na yan, bayad sa pagligtas mo saakin*

* wag na, ok lang*

* haha sigeh na, sayo na yan, eto oh, tignan mo, magkapareho tayo ng kwintas:) para kapag umalis kami, magkikita ulit tayo*

* pangako?*

* pangako:)*

Muling napadilat si jamie at saka tinignan ang kwintas na ibinigay sakanya ng espesyal na kaibigan, itinaas nya ito at ngumiti

Kailan kaya ulit tayo magkikita?

My Angel [ ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon