Happy Mother's Day

68 0 0
                                    

Sino bang mag-aakala na ako pala'y isa ng ina?

Sa unang tingin ay mukha lamang dalaga,

Kaya hindi mo aakalaing may anak na.

Dalawampung taong gulang lamang at masyado pang bata,

Kaya magugulat ka at hindi maniniwala.

Inaamin ko na ako'y nagkasala,

Kaya wag na wag sisisihin ang bata.

Sapagkat siya'y isang biyaya at pinagpala.

Kasiyahan naming mga ina, na normal silang mailuwal sa mundong ibabaw.

Lahat ay gagawin para sila'y palakihin ng may magandang asal at mapagmahal din.

Nais ko lamang batiin,

Ang mga kapwa kong ina rin.

Happy Mother's Day sa atin at tayo'y pagpalain! 

Happy Mother's DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon