TULOY PARIN

15 0 0
                                    

Ito ay isang kwento ng isang babaeng Grade 6 palang, nahanap na nya ang kanyang 'first love'. 

Sya ay si Katty. Dahil sa istrikto ang mga magulang nya, bahay-paaralan lang sya nung nasa elementarya palang sya. Busy noon ang mga classmates nya sa mga pinag-uusapan nila, dahil sa mga napanood nila kagabe sa Science Fair na pinuntahan nila sa High School. Bawat babaeng kaklase nya bukambibig yung isang estudyanteng 'gwapo' daw at napakagaling kumanta. 

Lumapit si Aya sakanya. 

Aya: Katty sayang wala ka kagabe! May gwapo di mo nakita! 

Katty: Alam mo naman di ako pinapayagan sa ganyan lalo't gabi. Anong meron sa gwapo na yun? 

Aya: Wala naman. Basta pag nakita mo sya, sigurado, magiging crush mo rin sya! 

(At napaisip si Katty) 

Makalipas ang isang buwan, at natapos narin ang graduation nila. Sobrang excited na sya dahil bagong school na naman ang papasukan nila sa June. 

Nagbakasyon muna sya at ng di namamalayan, huling linggo na pala ng Mayo. Nagpunta sila sa isang private school para mag-enroll, ngunit ang sabi ay late na daw sya kaya hindi na pwede. Nalungkot si Katty dahil dun nya talaga gusto mag-aral kaso wala na syang magagawa. Buti nalang yung isang kaibigan nya di pa nakakaenroll, at sa public school nalang daw sya. Sumama na si Katty. Nagulat sya, dahil dun din pala nag-aaral yung lalakeng nakwento sakanya noon ni Aya. Napalitan ng saya ang lungkot na naramdaman nya. Gusto nya rin kasing makilala ang lalaking yun dahil sa mga kwento nila. 

Hanggang sa dumating na ang pasukan. Madaming estudyante. Madaming mga bagong mukha. Sa paghahanap nya, di pala pumasok yung pakay nya. Makalipas ang isang linggo wala parin. 

Dumating ang Lunes! Inagahan nya talaga ang pagpasok. Ngunit di nya parin nakita ito sa Flag Ceremony nila. 

Habang nagrerecess, sa canteen, may napansin syang isang grupo ng lalake na sa tingin nya ay mga Sophomores. Si Aya binulungan sya... 

Aya: yiiiii! Ayun sya oh! Si Andrew! Gwapo talaga! 

Katty: saan dyan? 

Aya: yung maputing chinito na nakaupo sa tabi nung payat na lalake. 

Katty: Ahh okay. Payat din naman sya. Haha (Ngunit ang totoo'y kinikilig narin sya ayaw lang ipahalata sa kaibigan dahil panigurado tutuksuhin sya) 

Nagkaron ng inspirasyon si Katty. Ang sipag-sipag mag-aral, maaga pumapasok, laging maayos at presentable. Patingin tingin sa bintana pag napapadaan ang binata. Palihim na kinikilig. 

Malapit na ang Intramurals nila ng naisipan nyang sumali sa cheering squad. Bukod sa sya ay maganda at muse ng kanilang section, magaling din syang sumayaw. Ginawa nya iyon dahil gusto nya, at para mapansin narin sya ni Andrew. 

Sumali rin sya sa Drum&Lyre Group ng school at naging twirler kung saan kasali rin si Andrew bilang drummer. 

Natapos ang unang taon sa highschool, di parin sya napapansin. 

Dumating ang ikalawang taon, ganun parin. Lahat parin sinasalihan nya para sa binata. Representative din sya ng Year nila sa Miss Intrams. Unang pagkakataon na napansin sya dahil may intermission number si Andrew na kung saan, silang mga candidates ay kakantahan nya, nagkataon no.3 si Katty, at dahil bitin ang cord ng mic, nastuck up si Andrew sa kanya. At sila'y nagkatitigan. 

Na para bang walang ibang tao sa paligid. Na para bang wala sa paligid ang girlfriend ni Andrew. (waaah girlfriend???) 

Oo, may girlfriend sya. Si Jayzel. Isang 3rd year student, maganda din pero may konting katabaan, at ngayo'y yamot na yamot dahil sa pinapanood nya. 

...... Itutuloy :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TULOY PARINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon