Kabanata 4

6.8K 296 23
                                    

"Guys hindi na tayo matutuloy bukas" makungkot na sabi ko sa group video chat nung gabi ding iyon.

Habang kinakausap ko ang aking mga kaibigan ay nasa harap ko pa din ang nanlulumong si ginoong antonio buenaventura.

"Hala bakit?" Gulat na tanong ni andrea.

Kahit hindi gaanong kita ay napakihit balikat na lamang ako bilang sagotnsa kanya. Bigla din kasing naputol ang tawag ni arlene kaya naman hindi na nito napaliwanag pa sa akin ang naging dahilan.

"Walang pasok next friday, pumunta tayo sa burol niya" malungkot na suwestyon ni anamarie.

Sumangayon ang lahat kaya naman isa isa kaming bumalik sa kanya kanyang gawain dahil hindi matutuloy ang lakad namin para bukas.

"Hindi ko batid na ganito pala kasakit mamatayan ng isang mabuting kaibigan" malungkot na sabi ni antonio kaya naman napanguso na lamang ako at nagiwas ng tingin.

Kahit isang beses ko pa lang nakausap at nakita si mang raul ay mabigat din sa aking damdamin ang nalamang pagkamatay niya.

"Paano mo ba siya nakilala?" Tanong ko, dahil baka paraan na makakapagkwento siya ay gumaan kahit papaano ang kanyang pakiramdam.

Magsasalita na sana ito ng kaagad ko siyang pinigilan. "Nakakaramdam ka ba? I mean...may feelings ka din ganun?" Medyo alanganing tanong ko sa kanya dahil hindi ko naman talaga alam kung anong klaseng nilalang talaga siya.

Marahan itong tumango. "Sabi ko naman sa iyo binibini hindi ako isang kaluluwa, marahil ay wala pa ako sa aking katawang tao pero ang aking pakiramdam ay gaya din ng sa iyo" sagot niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako sa kanya.

"Ah ok" sambit ko at naghanda na para pakinggan siya.

"Isa siyang tagapagtunog ng kampana sa simbahan ng santa isabel, kahit pa itinuring akong kaaway ng simbahan noong panahong iyon dahil sa aking sariling paniniwala sa muling pagkabuhay ay naniwala siya sa akin" paguumpisa ng kanyang kwento.

"Pitong taong gulang siya nuon?" Tanong ko dahil medyo makakalimutin ako sa mga bagay bagay.

Tumango ito bilang sagot kaya naman muli akong nanahimik. "Bilang kabayaran na din sa kabutihang loob at pagtitiwala niya sa akin ay kinuha ko na din siya sa malulupit nitong amo at tsaka siya nagtrabaho para sa akin" sabi pa nito.

"So...so...sayo yung bahay na pinuntahan namin sa malolos?" Tanong ko dito sa sobrang excitement, wala lang naaamze lang ako sa mga bagay bagay.

Kitang kita ko kung paano nagliwanag ang mukha nito, "Nananatili pang nakatayo ang tahanang iyon?" Parang hindi rin makapaniwalang tanong niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang tinanguan.

"Naalagaang mabuti ni mang raul ang iyong tahanan ginoong antonio" sabi at paggaya ko sa kanyang salita kaya naman natawa ito.

Uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa kanyang ginawa. "Bakit mali ba?" Nahihiyang tanong lo sa kanya at halos gusto ko na lamang magpakain sa lupa. Trying hard pa kasi ang putek!

Umiling ito habang tumatawa pa din. "Naalala ko lamang ang dating ikaw aking mahal" sabi niya kaya naman imbes na paru paru ang maglaro sa loob ng aking tiyan ay halos kasing laki na iyon ng mariposa. Damn this ghost!

"Bago ka mamatay dahil sa pagsakop ng mga americano ano ang buhay mo?" Tanong ko sa kanya dahil naging curious na ako sa kanya. At tulong na din iyon para sa ginagawa naming short story tungkol sa love story nila ni celestina.

Kumunot ang noo nito kaya naman mas lalo siyang gumwapo. Hindi ko inakalang nakakagwapo din pala ang pagkakainis.

"Paumanhin binibini ngunit wala na akong maalala tungkol duon" sagot niya sa akin kaya naman napakunot ang aking noo.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon