24 hours a day 7 days a week, ganyan ko ilarawan ang buhay ko, pagod sa trabaho at stress sa mga taong naka paligid sakin. Lahat merong gustong patunayan at marating sa buhay. Bawat isa my paninindigan at dignidad na inaalagaan. Anu ba talaga ang gusto ko sa buhay, araw araw yan ang tanong ko sa sarili ko.
4:00 am na ng umaga lunes, papasok nanaman ako. Habang nakapila ako sa UV Express, iniisip ko masaya pa ba ako sa trabaho, dapat na ba akong mag abroad, at anu nanaman kayang problema ang haharapin ko sa opisina.
Makalipas ang sampung minuto nakasakay ako, at agad akong natulog sa loob. Habang nasa biyahe ako iniisip ko na ang mga gagawin ko at anu ang mga dapat unahin para maging mabilis at maayos ang aking trabaho.
Ng bigla kung naalala na birthday ko pala ngayon, at kahit isa sa mga kamag anak o kapatid ko wala man lang na kaalala na ngayon ay aking kaarawan. Pati ang aking itay na ngayon ay meron ng ibang kinakasamang ibang babae, tila nakalimutan na ang araw ng aking kapanganakan. Sobrang bigat at sakit ang naramdaman, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sa sobrang sakit at lungkot biglang tumulo ang luha. Hindi ko napagilan ang umiiyak. Ng ako ay bababa na ng uv express. Sinabi ko sa sarili ko na walang kahit na sino ang sisira ng aking araw. Ngayon ay December 24. Siguro naman sa loob ng 24 hours ay maalala ako ng kahit isa man lang sa aking mga natulungan or mahalnsa buhay.
YOU ARE READING
Ang Aking Buhay
RomanceSa sobrang pagod ko araw araw, sa pag pasok at pag sakay ng PUV (PUBLIC UTILITY VEHICLE). Hindi