NOTE: Sa wakas! Nakapag update na ulit ako :) maraming salamat kay Minshuyuri AJ aka Agentbreak. Para sayo ito. Mwa labyu :*
~
"Im sorry Ken. Don't worry,matitigil na ang lahat ng ito."
Sabi ni Delo na nagpatigil sa akin.
"A-anong ibig mong sabihin?" ani ko,tinanggal ko ang mga bula sa mga kamay ko at tumayo para harapin sya.
"Mukhang kailangan ko ng sumuko Ken. Nagpakagago at nagpaka kriminal ako para sayo." ang malungkot nyang sabi.
"Kasalanan mo yon! Alam mo naman na noon pa lang ay kaibigan na ang tingin ko sayo. At hindi ko kayang traydurin si Leila!" ang singhal ko sa kanya. Lahat ng emosyong matagal ko ng itinatago at pinipigilan ay lumabas na. Tama nga siguro,lahat ng bagay ay may hangganan.
"Pero kasi nahulog ako sayo. Sobrang mahal na mahal kita Ken. Hindi ko matanggap na hindi pwedeng maging tayo. Oo minahal ko si Leila pero nasapawan yon ng pagmamahal ko para sayo. Nang hindi sinasadyang mabuntis ko sya,naisip kong mas lalo akong mawawalan ng pag asa at baka matali ako sa kanya kaya gumawa ako ng paraan Ken." mahabang sabi ni Delo na nagpatayo sa mga balahibo ko.
Napatakip ako sa aking bibig at hinayaan kong maglandas sa aking pisngi ang aking mga luha.
Nangatog ako sa isinawalat nya. Lahat ay plinano nya! Bakit nya ginawa ang mga iyon?
"Sinadya mo na makunan si Leila?" tanong ko. Tumango sya at pinunasan din ang mga luha nya. Agad ko syang sinugod at pinag susuntok sa dibdib at tyan. "Napaka sama mo! Sinadya mo ang lahat!" humahagulhol ko ng sigaw.
Hinawakan nya ang dalawa kong mga kamay at nagsalita. "Sobrang mahal kasi kita Ken. Kahit sa impyerno gusto kong makasama ka. Nagseselos ako pag binabanggit ni Leila na may iba kang gusto. Nung gabing iyon nag abang talaga ako. Sinadya ko ang lahat. Sinadya ko iyon para magkasama tayo,para makasama kita. Mahal na mahal kita Ken at patawarin mo ako." halo na ang luha at pawis naming dalawa.
Napaupo na lamang ako. Wala ng silbi kung sasaktan at sisigawan ko sya. Huli na ang lahat.
"Napaka sama mo,napaka selfish ng pagmamahal mo! Hindi kita mapapatawad!! Umalis ka sa harapan kooo!!!" malakas kong sigaw. At yung mga ka selda namin ay agad nagpasukan dito sa palikuran.
"Patawad Ken."
"Anong nangyayari dito? Hindi pa nga nakakalabas ng bartolina si Gardo may gulo na naman?!" tanong ng isa. Isa sa pinakamatagal ng preso dito.
"Ilayo nyo sya sakin!!" sigaw ko at turo kay Delo. Naninikip na ang dibdib ko at hindi na ako makahinga ng maayos. Yung puso ko parang dahan dahang hinihiwa ng blade. Sobra sobra na itong mga nalaman ko at pakiramdam ko ay bibigay na ang buong sistema ko.
Inilabas nila si Delo sa palikuran. Napahawak ako sa aking sintido dahil bigla itong kumirot,kasunod nun ay ang panlalabo ng aking mga paningin.
"Anong nangyayari sayo Kendall?" nag aalalang tanong pa ng isa at lumapit.
"W-wala--" at nagdilim na ang paningin ko. Ang huling natandaan ko ay may sumalo sa akin.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na walang malay. Pero ng magising ako ay nasa clinic na ako. Yung dating pinagdalhan din sa akin,yung may mabait na duktora.
"Youre back." sabi ni Duktora ng lumapit. "Napapadalas na yan." at umupo ito sa tabi ko,umayos ako at sumandal sa headboard.
"Is it bad? May sakit ba ako?" ang natatakot kong tanong. Hinawakan nito ang mga kamay ko at ngumiti.
"Its bad na manatili ka pa dito. Dahil sa pagkain kaya ka nahihilo at nasusuka. Plus lagi ka pang physically and emotionally stressed. Kaya nagbreakdown ka ulit." mapang unawang sabi nito. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Buti na lang at wala pala akong sakit.
BINABASA MO ANG
Love Above The Law
Fiction généraleBOYXBOY BROMANCE GAY | Isa kang mabuting mamamayan,may magandang trabaho,may magandang set of friends. At kahit kabilang ka sa 3rd sex ay tanggap ka ng lahat. Paano kung isang araw ay magising ka na isa ka ng suspect sa isang krimen? Paano mo hahara...