CHAPTER FIVE

2.8K 43 0
                                    

Chapter 5

Beg

Janella

Napabalikwas ako ng tayo sa higaan ko at pinunasan ang mga luhang kanina pa bumubuhos sa mga mata ko.

I need to talk to him. I really miss him, damn much.

Nag-ayos muna ako at nagpaalam kay Wendy. Ayaw pa niya akong payagan at sasama daw siya sakin pero tumanggi ako sakanya.

Nakalabas naman ako sa condo namin at pumara ng cab sa labas.


Wala mang sampung  minuto ay nakarating ako sa condo ni Matthew. Kahit namumugto ang mga mata ko ay hindi ako nag-alinlangan na pumasok.

Pumasok ako ng elevator at may lalaki pang humabol na naka hoodie, mask at sun glasses pa sa elevator.

Hindi ko nalang iyon pinanansin at pinindot ang 12th floor.

Pagtapak ko palang sa 12th floor ay nakaramdam ako ng kaba na dapat hindi ko maramdaman. Hindi ako natatakot pero normal lang naman kung makaramdam ng kaunting kaba pero ang kabang nararamdaman ko ay kakaiba talaga!

Dahan-dahan kong tinungo ang pintuan niya at nag-doorbell. Walang sumasagot kaya tinry ko ang dati niyang passcode at nagtagumpay naman ako.

Humagod sa balat ko ang napakalamig na temperatura sa condo niya.

Hindi parin siya nagbabago, gusto niya parin ng malamig.

Pumasok ako sa kwarto niya ng walang katok lang at agad na tumulo ang mga luha ko sa nakita ko.

Magkasama lang naman kasi sila ni Jilliana sa loob at, they're having umh.

Kinuha niya ang polo niya at iyon muna ang ibinalot niya sa hubad niyang katawan.

"Babe, I'm just going to talk to her" paalam niya kay Jilliana. Parang may punyal na tumama sa puso ko dahil sa sakit nito.

Humarap siya sakin.

"What do you want Janelle? Nakakailang balik kana dito at natyetyempohan mo pa kami ni Jill! Hindi ka ba nagsasawa sa paulit-ulit?!" sigaw niya sakin. Lalong sumakit ang nararamdaman ako.

Dati hindi mo naman ako sinisigawan.

Sasabihin ko sana iyon kaso, huwag na.

"I just want to clear everything Matt! Sa dami-dami pa ng ipapalit mo sa akin bakit ang ate ko pa! Hah?! Mahal na mahal kita! Sinayang mo lang ang pagmamahal ko sayo. Binibigay ko ang mga luho mo! Pero, am I not enough? " naluluha kong sabi sakanya.

"I'm sorry Janelle. Pero nagdesisyon na ako at alam mo iyon. Si Jill ang pipiliin ko dahil mahal ko siya Janelle. So please, palayain na atin ang isa't isa" sabi niya.

"Please Matt. I'm begging you, please don't do this" pagmamakaawa ko sakanya.

"I'm sorry. Let's just forget each other, for the sake of ourselves" sabi niya at tumalikod na.

Marked by Prince C | Royal Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon